Naibalik na sa tamang puwesto ang mga gamit na inilabas ng mga kasamahan ni Madam Nita. Nakalipas na ang apat na oras, at natapos na maglinis si Jinkie.
Mahina siyang umupo sa sofa habang namumula pa ang mga mata. Siguro ay hindi lang niya mapigilan ang kaniyang mga mata sa pag-iiyak. Masakit ang pakiramdam niya ngayon. Alam niyang hindi niya kayang mag-ipon ng saktong 100,000 sa iisang buwan at wala siyang magpapakunan ng pera. Hirap sila sa buhay, at walang magawa kundi ang umasa sa pera ng kaniyang tatay.Ngunit hind na, dahil ipinagtaboy na ni Belen ang nanloko niyang asawa. Sa ngayon ay sila lamang ang dapat gumawa ng paraan para mabayaran ang malaking halaga ng utang na iyon.
Linapitan siya ni Belen na may dalang tubig. Iniabot niya ito sa kaniyang anak.
"Uminom ka muna," sabi nito sa anak.
Inabot niya ang tubig na hawak ng kaniyang nanay. Uminom siya doon, pagkatapos ay huminga siya ng malalim.Walang salita ang lumabas sa kanilang mga bibig. Tahimik lamang ang mag-ina. Nag-iisip si Belen, kung siya ba ang mauunang magsalita dahil parang wala nang gustong sabihin si Jinkie.
"Kahapon, dumalaw rito ang tatay mo." Iyon ang unag sinabi ni Belen habang nakatingin sa bintana. Napalingon sa kaniya si Jinkie. Hindi niya inaakala na sasabihin na pala ng kaniyang nanay ang nangyari kagabi.
"Dumalaw siya dito mga alas-otso. Wala siyang dalang pagkain tulad ng ginagawa niya noon," natatawang sinasalaysay ni Belen. Alam ni Jinkie na pinipilit lanf matawa ng kaniyang nanay.
"Pero problema ang dala niya." Pagpapatuloy niya.
Napatingin si baba si Jinkie. Alam niya ang tinutukoy ni Belen. Nandito siya mismo nang makita niya ang pag-aaway ng dalawa.
"Sabi na nga at nambabae ang tatay mo sa Japan. May tinatago pa siyang anak ng babae niya roon."
Napalaki ang mga mata ni Jinkie. Hindi niya alam ang tungkol doon. Pambabae lang kasi ang narinig niya sa gabi na iyon, at hindi niya alam na may anak sa labas pala ang kaniyang tatay.
"Nakakaloka, ano? Siyam na taong gulang na pala ang anak niya sa labas," Naluluhang sabi ni Belen.
"Ibig sabihin, matagal na siyang may babae." Hagulgol niya.
Napahawak ng malakas si Jinkie sa hawak niyang baso. Iniisip niya kung paano ito nagawa ng kaniyang tatay sa kanila. Hindi siya naiyak, ngunit mas nagalit siya sa narinig. Taksil pala ang tatay niya. Nanloko na nga, at ngayon pa lang sinabi ang tungkol doon.
"Alam mo ba kung bakit iyon dumalaw dito kagabi?" Pinunas ni Belen ang luha niya at tiningnan si Jinkie.
"Naghiwalay kasi sila ng babae niya at walang makakaalaga sa anak nilang dalawa. Kinausap ako ng tatay mo na ako na lang ang mag-alaga sa anak nila," natatawang sabi ni Belen.
"Walang hiya siya. Hindi man lang niya inisip na sinaktan niya ako ng ganito, tapos gusto pang ipaalaga sa akin ang anak niya sa labas." Bumabalik na naman ang mga luha niya sa mata.
"Walang hiya ang tatay mo...Hayop siya! Hindi man lang tayo inisip!"
Walang masabi si Jinkie. Walang salita ang nabubuo sa kaniyang bibig. Naririnig niya pa rin ang pag-iiyak ng kaniyang nanay. Iyon ang nagpapalungkot sa kaniya lalo.
Pinunas naman ni Belen ang kaniyang luha para ibahin ang paksa ng usapan nila ng kaniyang anak.
"Alam mo, anak. Dapat lang na umalis tayo sa bahay na ito." hinawakan niya sa kamay si Jinkie. Napatingin naman sa kaniya ang dalaga
"Bat ka ganiyan, ma? Saan na tayo titira kung ganon?" Sagot ni Jinkie.
"Lilipat tayo sa ibang bahay pagkatapos natin mapag-iponan ang ibabayad natin kay Madam Nita. Oras na rin para iwan natin ang lumang bahay na ito," Patuloy ng kaniyang nanay.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With The Babysitter
Подростковая литератураPapayag ka bang ma-iscam tapos baliktad, kasi ikaw ang makakakuha ng pera? Mananatili ka bang kalmado kung hindi naman bata ang nangungulit sa'yo? Si Jinkie Carillo, isang Senior High School student na kasalukuyang nasa Summer break nila ay naghahan...