Alas-dos sa hapon at naglalakad kami ni Laurence patungo sa meeting place nila ng kaibigan niya raw. Mas maganda raw kasi ang maglakad sa ganitong oras lalo na kapag gusto mo lang magpalipas-oras. Buti na lang at hindi mainit ang panahon ngayon.
Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang pasamahin ako pero siguro dapat lang dahil binabantayan ko naman siya. O baka ako 'yong mali dahil imbes na sa bahay lang siya ay hinayaan kong lumabas? Kasama ba'yon sa mga kondisyon ni Mrs. Vertueza?
"Ang bagal mo naman lumakad, para kang proseso ng pilipinas," anang Laurence na nasa unahan ko, mga dalawang metro.
"At kailan ka pa nagkainteres sa kalagayan ng pilipinas?"
Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. "Bilisan mo na lang ang paglakad mo," inis niyang sabi.
Medyo ko naman binilisan ang paglakad ko. Nakakatamad naman kasi maglakad lalo na't may bike naman ako. Dapat pala dinala ko 'yon. Ta's siya lang naglalakad dito.
"Ano ba gagawin niyo?" Tanong ko sa kaniya habang patuloy kami sa paglalakad. "Drug dealing ba?"
"Baliw. Mukha ba akong drug dealer?"
"Hindi. Mukha kang drug lord," ika ko.
Tiningnan niya ako ng masama," Nice ka. Bungangera ka din pala minsan."
"Nagsalita 'yong tunay na bungangero," Bago pa ito magalit ay inunahan ko na lang siya sa paglalakad.
"Ano ba'ng problema mo? Bakit parang inis na inis ka?" Tanong niya sa likod na may sunod pang tawa.
Tingnan mo, tumatawa pa.
Sino ba naman ang hindi maiinis? Kanina lang pinilit niyang ipanood sa akin ang walang kwentang ecchi anime na 'yon. Noong lalabas na kami, pinagtawanan niya ang ukay-ukay ko raw na outfit. Ta's noong naglalakad kami, muntik pa akong madapa at natutuwa pa siya. Oo na, di niya kasalanan 'yon. Clumsy lang.Pero akalahin mo tawa lang siya ng tawa. Itulak ko na lang kaya 'yon kapag may dumaan na sasakyan sa highway. Este.
𝓕𝓪𝓵𝓵𝓲𝓷𝓰 𝓘𝓷 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓦𝓲𝓽𝓱 𝓣𝓱𝓮 𝓑𝓪𝓫𝔂𝓼𝓲𝓽𝓽𝓮𝓻
"Bronchitis, Obesity, Breast Cancer, Osteoarthritis," paulit-ulit na bulong ni Laurence sa ere pero naririnig ko naman. Ano ba'ng pinagsasabi ng baliw na 'to?
Nandito na kami sa may playground, nakatayo habang hinihintay ang kaibigan ni Laurence. Walang tao dito, at mukhang bihira lang bisitahin ng mga bata.
"Parisitic, Ulcer, Tuberculosis, Appendicitis," patuloy niyang sinasabi. Nakakatakot 'to. Para bang may cina-cast na spell?
"Kanina ka pa. Ano ba'ng pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kaniya. Para kasing baliw kung pakinggan.
"Nagmumura lang," sagot niya at patuloy sa pagbabanggit sa mabibigat na sakit na 'yon.
Natawa na lang ako sa sagot niya, Nagmumura? Iba din e.
"Ang unique mo naman magmura, para kang mangkukulam na naglalaganap ng sakit sa mundo.""Ang tagal kasi ni Jeffrey. Sinabi niya nandito na siya tapos wala pa pala."
Pinahid ko muna ang kunting dumi sa duyan bago ako umupo dito. Nasa malapit lang ito dito sa likod ko. Mga sampong minuto na kami dito ni Laurence at malapit na ring mag alas-tres.
"Tawagan mo," sabi ko sa kaniya. Napakamot ulo naman siya bago nito kinuha ang cellphone niya sa kaniyang bulsa at pinindot ito.
Tinawagan na ito ni Laurence at nakasagot naman si Jeffrey."Loko, saan ka ba? Kanina pa ako nandito."
"Ay sorry, sorry! Oo, on the way na kami diyan."
"On the way, parang ngayon ka pa lang nagbibihis,"
"Ahahaha! Hindi naman pre, malapit na kami diyan actually."
BINABASA MO ANG
Falling In Love With The Babysitter
Teen FictionPapayag ka bang ma-iscam tapos baliktad, kasi ikaw ang makakakuha ng pera? Mananatili ka bang kalmado kung hindi naman bata ang nangungulit sa'yo? Si Jinkie Carillo, isang Senior High School student na kasalukuyang nasa Summer break nila ay naghahan...