Binuksan ni Laurence ang isa pang bote ng mountain dew at ininom ito. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sofa habang naglalaro ng chess board kasama si Jinkie.
"Kaya pa ba? Give up na. Tatlo lang kayo diyan e," ika ni Laurence, na masayang nakangiti sa dalaga.
Isang knight lamang, pawn at ang King ang natitira sa mga tauhan ni Jinkie, samantalang si Laurence naman ay may isang rook, Queen, King, bishop at tatlong pawn na malapit nang ma-promote.
Napabuntog hininga na lang si Jinkie. Hindi naman siya magaling sa chess pero gusto niyang matalo si Laurence dito."Suko na! Suko na!" tila ine-enjoy ni Laurence ang alam niyang pagkatalo ng kalaro. Kahit ano man ang gawin ni Jinkie dito ay napapalibutan pa rin siya ng mga tauhan ni Laurence na maaaring magpatumba sa hari.
"Suko na! Suko na!" Ngunit sinubukan pa ring igalaw ni Jinkie ang tauhan niyang hari pabalik-balik sa kinatatayuan nito.
"Boring mong kalaro. Palagi ganiyan ginagawa mo kapag matatalo kana e," komento ni Laurence. " Ayaw mo talagang sumuko ha." Kasalukuyang si Laurence ang dapat gumawa ng moves.
"Boom!" Salamat sa pawn ni Laurence, nag-promote ito ng isa pang reyna. Doon na rin ay natalo si Jinkie sa ika walo nilang labanan.
"You can't win against this handsome," sabi naman nito habang todo naman sa pagpopose ng handsome pose daw.
Kinindatan pa ulit si Jinkie na mas nagpainip sa ulo ng dalaga kaya naman napasagot siya."Hambog mo." Tinarayan niya si Laurence bago kinolekta ang mga tauhan upang ibalik sa loob ng chess board.
Tuwang-tuwa naman si Laurence sa pagpipikon sa kaniya. "You just can't win against this handsome, Jungkoy." Nahiga si Laurence sa kaniyang kinauupuan. Tinaas nito ang kaniyang mga paa sa gilid ng sofa habang masayang humuhuni.
"So ano 'yong susunod nating lalaroin?" Dagdag niya. Napalingon siya sa dalaga na kinokolekta pa rin ang mga tauhan.
"Wala. Pagod na ako," Sagot ni Jinkie. Natapos na nito ang pangongolekta sa mga tauhan ng chess board at nahiga rin sa sofang kinauupuan niya.
"Gano'n ba? Sige, ibalik mo 'yong cellphone ko." Sinubukang abotin ni Laurence ang cellphone niya sa itaas ng table na tabi ng kinahihigaan ni Jinkie na sofa, ngunit naunahan ito ni Jinkie habang nakahiga pa siya.
"O? Bigay mo na 'yan. Akin na." Nakabukas ang palad ni Laurence para kumbinsihin ang dalaga na ibigay ito sa kaniya.
"Talagang di ka mabubuhay ng walang cellphone, ano?"
"Akin na, tapos na ang laro diba?"
"Kahit na. Ang sabi ko, hangga't 10 o'clock ko ito ibibigay. Iyon ang kasunduan natin. Nasayo rin kaya 'yong cellphone ko. Sus, ang unfair mo."
"Hoy, hindi iyon ang kasunduan natin. Sabi ko, ibabalik natin ang cellphone ng isa't-isa kapag tapos na 'yong laro."
"Sige. Ibabalik ko ito sa'yo. Pero bago 'yon, ibalik mo muna sa akin 'yong cellphone ko," pakiusap ni Jinkie. Iniisip niya kasing lolokohin naman siya ni Laurence. Tutal, doon raw kasi magaling ang binata.
"Okay, fine," Pagsasang-ayon ni Laurence. Linabas niya ang cellphone ni Jinkie sa kaniyang bulsa. Mabagal niya itong inaabot kay Jinkie. Ngunit ng kukunin na ito ng dalaga'y bigla na lang niya ito binawi.
"Di mo 'ko maloloko," sabi ni Laurence at ngumiti na lang ito ng matamis sa dalaga.
Napairap na lang ang dalaga.
"Oo na, di ko muna kukunin 'yong cellphone ko," ika ni Laurence at bumalik sa kinauupuan niya. "Pero dapat maglaro tayo," dagdag nito.
"One last play!" Sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With The Babysitter
Teen FictionPapayag ka bang ma-iscam tapos baliktad, kasi ikaw ang makakakuha ng pera? Mananatili ka bang kalmado kung hindi naman bata ang nangungulit sa'yo? Si Jinkie Carillo, isang Senior High School student na kasalukuyang nasa Summer break nila ay naghahan...