Buti na rin at natapos ko na ang paglilinis sa kwarto ni Laurence. Hindi rin pala ako naabutan ng 20 minutes na iyon. Paano 'yan e mas mabilis galawan ko?
Agad naman akong lumabas sa kwarto niya at bumaba na para puntahan si Laurence na kanina pa bumubukaka ang bunganga kasisigaw sa pangalan ko.
"Jungkoy, Pakihanda ang breakfast ko!" Nakababa na ako sa first floor. Doon pa rin siya sa puwesto niya kanina at patuloy pa rin sa panonood ng anime. Wala talaga siyang ginagawang matino.
"Jinkie po hindi Jungkoy." Sinasadya niyang pagtripan ang pangalan ko ha, ang kapal talaga nang mukha nito.
"Jungkoy, dalian mo na kasi," kunware talaga di ako narinig. Pilit niya akong ipressure. Kahit kailan talaga Laurence, walang magkakagusto sa'yo sa ugali mo'ng 'yan.
"Oo na po, hindi ako bingi. Ano ba ang gusto mong pang-almusal?" Sagot ko na may halong galit.
"Nakadepende na sa'yo 'yan," aniya.
Sige nga. What if patay na daga na lang kaya ipakain ko sa kaniya?
"Geh, sabi mo 'yan."
Iniwan ko na siya doon sa sala at diretso na ako sa kusina. Una kong binuksan ang refrigerator upang tingnan kung ano ba'ng pwedeng lutuin dito.
Tanging glow foods lamang ang laman dito tulad ng cauliflower, chinese cabbage, lettuce, carrots at iba pang gulay. Pero hindi ko na iyon gagalawin.
Sinara ko na lang ito at 'yong freezer na lang ang binuksan ko. Dito naman, almost processed food ang nakalagay maliban sa giant lobster, chicken fillet, shrimp at crab king. Since pinagmamadali niya naman ako, doon na lang muna ako sa processed food.
Pinili ko na lang magprito ng sausage dahil mas madali ito kumpara sa iba.
Di nagtagal ng 10 minutes ang preperasyon ko at natapos ko na ito saka ko dinala kay Laurence.
"Ano 'yan?" Aniya na para bang di satisified sa nakita niyang pagkain nang linapag ko ang tray na hawak ko sa table na nasa harapan niya.
"Pagkain."
"Oo nga. Ba't yan lang? Seryoso ka ba 'yan lang ipapakain mo sa akin?"
Napakamot-ulo naman ako sa sinabi niya, "Bakit? Di pa ba sapat 'yan?"
Napa-irap na lang siya sabay tawa ng pikon.
"Napaka cheap mo talagang babae ka," sabi niya at tiningnan ako ulit.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With The Babysitter
Novela JuvenilPapayag ka bang ma-iscam tapos baliktad, kasi ikaw ang makakakuha ng pera? Mananatili ka bang kalmado kung hindi naman bata ang nangungulit sa'yo? Si Jinkie Carillo, isang Senior High School student na kasalukuyang nasa Summer break nila ay naghahan...