Chapter 17: Ikot pa

147 8 0
                                    

Naka isang linggo na ako dito kina Laurence. Kahit na madalas kaming magtalunan e nagkakasundo rin naman kami minsan. Naalala ko pa rin ang laro namin kagabi. Grabe, ang dami talagang kalokohang nangyari. Buti na lang at itinatawa lang namin ito.

Kagabi...

Laurence: Jungkoy!
Jinkie: O bakit, bakit? Galit ka na niyan? Sus, ang hot tempered naman ng lalaking 'to.
Laurence: (Nagmamakaawa) Only this time lang, sige na.
Jinkie: (Nag-isip) Oo na. Just this time ha.
Laurence: Sige! P-pero, wag kang mag tanong ng masyado... personal.
Jinkie: Hoy, di ba ikaw pa itong gustong-gusto na magtanong ako ng mga gano'n kanina?
Laurence: B-basta wag lang embarrassing questions.
Jinkie: Hmm, okay.

Nag-isip ako ng mga interestadong tanong. Buti na lang naalala ko iyong gustong gusto kong malaman tungkol sa kaniya. Hindi ako sigurado kung personal ba iyon na tanong, pero iyon pa rin ang itatanong ko. Buti nga hindi naman embarrassing moments diba?

"Paano nagsimula 'yong phobia mo?" Tanong ko sa kaniya. Sa una, ayaw niyang magsalita at parang wala lang na nakatitig sa akin.

"Akala ko ba sinabi kong walang personal na tanong?"

"O? Hindi naman iyon embarrassing questions ha."

"I mean, 'yong mga tanong mo sa akin kanina. Iyong hindi masyadong personal? Tulad ng favorite color, favorite sang'gre, gano'n."

"Excuse me, ikaw na nga pinagbigyan dito, ikaw pa demanding ha. Tsaka kahit ano'ng sabihin mo personal questions pa rin 'yon, hoy! Jusko, epal talaga nito."

Napabuntong-hininga na lang siya na para bang hindi niya ine-expect na iyon ang itatanong ko sa kaniya.

"Oo na, baka mamaya kagatin mo pa ako," pilit niyang sabi.

"Ay, wow? Kelan pa ako nangagat?"

Hindi na siya sumagot at umupo na lang ng maayos. Nadadarama ko na handa na niyang ikuwento kung paano nagsimula ang kaniyang phobia. Kaya naman hindi na rin ako nagsalita.

"Noong bata ako, wala akong kaibigan," anito. Kung papakinggan mo siya ng maayos, parang ayaw niyang balikan ang mga araw na iyon. Pero nakukuryuso pa rin ako sa phobia niya, kaya dapat niyang ipagpatuloy ang pagkukwento niya.

"Lumaki ako sa France bilang isang maiyaking bata. Pinagaral ako sa isang sikat na art school noong elementarya pa ako. Ang kaso, doon pala magsisimula ang pinakaayaw kong mangyari sa buong buhay ko." Huminto siya ng ilang segundo bago nagpatuloy.

"Binully ako doon. Sabi nila, dahil daw hindi ako marunong magpainting. Pero sa perspective ko ngayon, siguro binully ako dahil ako lang ang pilipino sa klase namin. Nakakadesmayado lalo dahil isa sa mga nagbubully sa akin ay chinese. Isa siya sa mga pinakamagaling sa batch namin, pero hambog talaga iyon," dagdag niya. Huminto ulit siya at tiningnan ako. Wala naman akong sasabihin kaya nagpatuloy na uli siya sa pagkukwento.

"Isang araw, ni-lock nila ako sa CR. Nasa ikatlong baitan na kami no'n. Hindi ko alam bakit walang nakapansin sa akin, pero nadatnan ako ng gabi. Si mama at si papa, kasalukuyang nasa Australia sila kaya wala silang alam. Si mamita naman, busy siya sa restaurant niya at madalas inuutusan iyong isa sa mga yaya namin na sunduin ako. So sa oras na iyon, walang dumating. Siguro hindi alam ng yaya na nasa loob pa ako ng school. Ang dilim doon sa CR, at todo lang ako sa pag-iyak."

Nang marinig ko iyon, medyo natahimik ang mga bagay na ayaw ko kay Laurence. Naawa ako bigla. Hindi ko naranasan ang mga naranasan niya sa France. Pero wala pa rin akong sinasabi. Ayaw kong putulin ang pagkukwento niya.

"Sinubukan kong buksan iyong pinto, pero nakalock talaga. Gusto ko namang maghintay hangga't sa may dumating, pero alam kong wala namang dadating doon maliban na lang kung umaga na. Pero ayaw kong manatili doon. Habang tumatagal na ang oras at nag-aalala na ako na baka doon na ako makatulog, pinilit kong buksan ang pinto. Hangga't sa sinira ko na lang ang doorknob."

Falling In Love With The BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon