Nakaupo ako sa harapan ni Laurence at handa nang makipagtalonan naman sa feeling pogi na lalaking ito dahil lang sa nais kong itanong sa kaniya: ano'ng paborito niyang kulay?
"Ano ba naman gagawin ko e hindi ako interestado sa buhay mo?" Sabi ko dito.
Ngunit nang sabihin ko iyon ay biglang may tumakbo sa isipan ko. Ang tungkol sa phobia ni Laurence. Iyon ang isa sa mga bagay na pinagtataka ko at kung paano ito nagsimula. Siguro ay iyon na lang ang itatanong ko. Baka ayos lang naman sa kaniya at hindi disrespectful kung itatanong ko iyon.
"Tsk, oo na. Favorite color ko is yellow." Nag-cross arms si Laurence at tumingin sa ibang direksyon. Sumandal siya sa likod ng sofang kinauupuan niya.
"Ah..." Nasagotan na niya ang una kong tanong. Siguro hindi ko na muna itatanong ang tungkol sa phobia niya.
"Bakit dilaw ang gusto mong kulay?" Tanong ko sa kaniya. Hindi naman pwede na iyon lang ang sagot.
Hindi pa rin inaalis ni Laurence ang pagtingin niya sa ibang direksyon. Nagtagal ng iilang segundo bago siya nagsalita. "For me, I believe in it's power. When it comes to art, Yellow outshines White. Yellow is a nice color. It gives light to a dying art. It's the color of hope and happiness for me. Everyone needs a little yellow in their lives."
Napatango ako sa sagot nito habang nanatiling nakatingin sa kaniya. Hindi ko expect na iyon ang isasagot niya. I was expecting a more childish answer pero parang nagkamali lang ako. Isa pa, mukhang nawalan na siya ng mood.
Tiningnan niya ako bago hinawakan ang bote, "Ako na naman," aniya at inikot ito. At gano'n din, ako ang naituro nito.
"Truth or dare?" Walang gana niyang tanong.
"Dare."
Dahil ayaw kong maglabas ng kahit anong impormasyon tungkol sa sarili ko, pipiliin at pipiliin kong mag dare kapag oras ko na."Okay. Magsorry ka sa akin. Bawiin mo ang sinabi mo na hindi ka interestado sa akin," utos niya.
Napakutya na lang ako. Bakit ko naman gagawin iyon? Easily hurt ba itong lalaki na ito? Gusto talagang mag-boss boss-han, ano?
Inabot ko na naman ang kutsara na nakalapag sa table at iniabot ito sa kaniya.
"Pass," sabi ko dito.
Napa-irap na naman ulit siya. Kasunod nito ang paghinga niya ng malalim.
"Seryoso ka? Magso-sorry ka lang, ayaw mo pa rin?"Hindi na ako nagsalita at naghintay na lang na malagyan ng turmerik ang kutsara na hawak ko.
"Iba ka talaga. Siguro masarap 'yong turmerik, 'no?" Binuhosan na niya ang hawak kong kutsara ng mas malaki pa keysa sa kanina. Nalagyan pa mismo ang table sa dami ng binuhos niya.
Walang anuman at ipinasok ko na ito sa bibig ko na hindi linalasa o nilulunok. Agad kong kinuha ang baso na nasa harapan ko lang at nang aabotin ko sana ang pitsel, inunahan ako ni Laurence sa pagkuha. Nanlaki ang mga mata ko dahil natutunaw na ang powder sa loob ng bibig ko at nalalasa ko na naman ang lasa nito.
"Mmmm!" Pilit kong gumawa ng tuno para kombinsihin si Laurence na ibigay sa akin iyon.
Ang pait, sobra! Ayaw ko sa mga ganitong lasa!"Mmmmm!!"
"Ano? Di kita maintindihan. Pwede pakilinawan?"
Gagong lalaki ito, gusto atang mamatay ngayon, ano?
"Mmmmm!" Napatayo ako dahil hindi ko na ulit kakayanin ang lasa nito.
"Lunokin mo na 'yan. Isipin mo 'yan iyong pride mo. Ang laki ng pride mo di ba? Kahit isang sorry hindi mo kayang sabihin. Lunokin mo na!" Napatayo rin siya at lumayo sa akin, " Wala kang maiinom na tubig." Nilabas niya ang dila niya sa akin. Natutuwa pa ang baliw na ito.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With The Babysitter
Teen FictionPapayag ka bang ma-iscam tapos baliktad, kasi ikaw ang makakakuha ng pera? Mananatili ka bang kalmado kung hindi naman bata ang nangungulit sa'yo? Si Jinkie Carillo, isang Senior High School student na kasalukuyang nasa Summer break nila ay naghahan...