9:30 pm, kasalukuyang may night party na nagaganap ang magka-batch na 1999 class ng Paris University kung saan dito ay kasama ang dalawang magulang ni Laurence, sina Lauren at Lucas Vertueza. Halos tatlong oras nang nandidito ang dalawa.
Dahil magkaaparte ang babae at lalaki ng table, nag-adjust si Lauren at hinanap ang kaniyang asawa sa table ng mga lalaki. Di nagtagal ay nahanap niya rin ito sa grupo kung saan naroroon ang dati nilang kaklase.Galing sa parehong course ang dalawa at naging magkasintahan nang second year college sila sa unibersidad ng pranses. Isa rin sila sa mga naging scholar ng unibersidad dahil sa taglay nilang galing. Hindi naman halatang exceptional ang kanilang anak na lalaki pero magaling din siya sa salitang pranses at edukado sa fine arts tulad ng kaniyang mga magulang.
"Honey, halika nga dito," pagtawag ni Lauren sa kaniyang asawa. Napansin naman ito ni Lucas kaya nagpaalam muna siya sa mga kasama.
"Excusez-moi un moment, (Sandali lamang)" aniya sa kanila.
Lumapit siya sa asawa na hindi naman sa kalayuan nakatayo. "Ano 'yon? May problema ba?" Tanong nito sa asawa."Our Laurence, I've never seen him going offline on his social media accounts for a day. And this afternoon, walang nisend na report si Jinkie sa akin," Alalang sabi ni Lauren.
"Baka naman busy lang sila," Hula naman ni Lucas.
"Busy saan? 3 am ngayon sa pilipinas, dapat nakapagsend si Jinkie ng report sa akin between 5 to 6 pm dito. But I'm worried," sita naman ni Lauren.
"Heh, What are you so worried about? Malaki na mga 'yon. Sa tingin mo ba nilooban sila sa bahay natin? Malaki kaya ang compound no'n. Sigurado akong walang makakaakyat doon."
Napasimangot lang si Lauren sa narinig.
"Sa tingin mo ba, honey. Dinidiligan ni Jinkie ang mga halaman ko sa bakuran natin?" Biglang tanong ni Lauren, na labas naman sa usapan nila kamakailan lang."Hmm, di ko alam. Hindi naman niya trabaho 'yon e."
"Paano kung mamatay ang mga 'yon? I'm worried."
"Hay, Honey. Why do you have to worry yourself? We're in a party, o? Just enjoy. Like this," sumayaw-sayaw si Lucas sa harapan ng kaniyang asawa.
Napabuntong-hininga lamang ang babae at napa-irap ng walang sandali.
"Ano kaya ang rason kung bakit di nag-online ang anak ko? Sa tingin ko walang araw na hindi siya nag-online kahit saglit lang e.""Honey, hayaan mo na kasi 'yon. Baka may ginagawa lang sila," naiinip na ang asawa nito sa dami ng sabi ni Lauren.
"Ano ba naman ang ginagawa nila sa oras na 'to para walang makapag-paramdam sa kanilang dalawa?" Galit na ang expersyon ng kaniyang misis.
"Malay mo..."
"Ano'ng malay ko?"
"Parehas nasa-edad... Nasa ilalim ng isang bubong... Magkatabi matulog..."
"Fou! (Baliw)" Sinampal ni Lauren si Lucas sa braso.
"Aray!"
"Baliw ka ba? Hindi maaari 'yon! Haynaku. Mana talaga sa'yo ang anak mo, O? Complètement fou. (Baliw ka talaga)"
"Eh. Ano ba 'yan, Honey. Walang personalan. Tsaka akala ko pinagkatiwalaan mo si Jinkie." Hinawakan niya sa dalawang pisngi ang babae, "And I'm sure, our son is having the best chapter in his romantic life." Sinundan niya ito ng matamis at poging ngiti bago ito sikoin ng kaniyang asawa sa kili-kili.
"Tigil-tigilan mo nga 'yan," Ani Lauren sa asawa.
𝓕𝓪𝓵𝓵𝓲𝓷𝓰 𝓘𝓷 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓦𝓲𝓽𝓱 𝓣𝓱𝓮 𝓑𝓪𝓫𝔂𝓼𝓲𝓽𝓽𝓮𝓻
BINABASA MO ANG
Falling In Love With The Babysitter
JugendliteraturPapayag ka bang ma-iscam tapos baliktad, kasi ikaw ang makakakuha ng pera? Mananatili ka bang kalmado kung hindi naman bata ang nangungulit sa'yo? Si Jinkie Carillo, isang Senior High School student na kasalukuyang nasa Summer break nila ay naghahan...