Habang ngumunguya si Laurence sa kinakain niyang pizza ay naisipan kong magpaalam muna sa kaniya. Sigurado akong magandang balita ang maibabahagi ko kay mama. Ngunit alam kong hindi pa gaano sapat ang bonus money na nakuha ko kay Laurence. Pero sa panahong ito, alam kong kailangan namin iyon. Kaya pupunta ako sa bahay kahit saglit lang.
"Bakit ka naman uuwi sa bahay niyo? Pinapalayas ba kita?" Tanong ni Laurence na may blanko sa mukha.
"Hindi sa gano'n, Laurence. May gusto lang akong sabihin kay Mama. Kailangan kasi 'yon, " sagot ko naman.
"Eh..." Napaupo siya ng maayos at napakamot sa ulo. " Hindi ba pwedeng... bukas na lang? Sasamahan pa kita. Gabi na nga oh, ba't kailangan mo pang lumabas para lang doon?" Aniya na para bang ayaw pumayag na pumunta muna ako sa amin.
"Saglit lang kasi. Babalik din naman ako e," tugon ko dito.
Ngunit todo pa siya sa pagtatanong, "Pwede naman siguro na sa cellphone muna kayo mag-usap, di ba?" Ika niya.
Napatahimik na lang ako ng saglit. Napabuntog-hininga ako. Mukhang ayaw niyang pumayag. Natatawa na lang ako sa expresyon niya kaya naisipan ko munang tuksoin siya.
"Bakit, Laurence? Mabilis lang naman eh. Huwag mong sabihin na... Natatakot ka?" Pabiro kong tanong. Ngunit iniwasan niya ako ng tingin. Doon ko na lang siya patuloy na biniro dahil akala ko iyon ang kaniyang rason.
"Takot ka? Kay laki mong tao, takot ka sa multo?" Patuloy ko. Sinadya kong tumawa para mas lalo siyang tuksoin. Napatingin siya sa akin na para bang nainis.
"Hindi ako takot noh! Ba't naman ako matatakot?" Iginiit niya. Agad siyang uminom sa hawak niyang baso at pinunas ang likidong napunta sa kanyang pisngi.
"Sige na, punta ka na doon sa inyo," pasiga niyang sagot. Di ko alam kung bakit gano'n bigla ang kaniyang reaksyon pero ang importante, pumayag siya.
"Talaga?" Paninigurado ko lang.
"Oo. Basta bumalik ka lang ng mabilis. Gagawan mo pa ako ng dinner." Tumayo siya sa kinauupuan niya at kusang lumayo at lumipat doon sa kabilang couch na malapit sa hagdanan. Napangiti ako sa sinabi niya. Sa wakas, panandaliang oras para makita ang reaksyon ni mama na may pera akong naiuwi.
"Salamat, Laurence!" Sa oras na iyon, lumabas na ako at sumakay sa bike ko. Sinimulan ko nang magmaneho. 5:55 na ang oras. 20 minutes at makakarating na ako sa bahay.
ℱ𝒶𝓁𝓁𝒾𝓃ℊ ℐ𝓃 ℒℴ𝓋ℯ 𝒲𝒾𝓉𝒽 𝒯𝒽ℯ ℬ𝒶𝒷𝓎𝓈𝒾𝓉𝓉ℯ𝓇
Kinatok ko ang pintuan namin habang hawak ko pa ang kaliwang grip ng bike ko. Kumatok ako ng dalawang beses bago ako mabuksan ni mama na nakasuot ng apron. Mukhang busy siya sa pagluluto.
"Jinkie?"
"Magandang gabi, Ma." Hinalikan ko siya sa pisngi at deretsong pumasok sa bahay.
"Anak? Ba't ka nandito?"
Sigurado akong gulat siya. Syempre, expected na iyon.
"Akala ko ba may inaalagaan ka? Wag mong sabihin na napalayas ka agad?" Dagdag niya. Natawa na lang ako sa sabi niya at umupo sa upuan sa kusina. Inabot ko ang pitcher sa table at 'yong baso na nakalagay sa itaas nito.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With The Babysitter
Teen FictionPapayag ka bang ma-iscam tapos baliktad, kasi ikaw ang makakakuha ng pera? Mananatili ka bang kalmado kung hindi naman bata ang nangungulit sa'yo? Si Jinkie Carillo, isang Senior High School student na kasalukuyang nasa Summer break nila ay naghahan...