Chapter 12: Oo, Double date ito at ako Ang Fifth Wheel

180 11 0
                                    

Hawak ko na sa ngayon ang isang tray. Habang isa naman ang hawak ni Jeffrey. Pabalik na sana kami sa table nang pansinin pa niya si Laurence at ang kausap niyang babae.

Huwag niyong sabihin na makikihalo din ako sa mga ito?

Bahala sila.
Inunahan ko na lang si Jeffrey at tumungo na sa table namin. Binaba ko ang tray sa table bago umupo. Nagaantay naman si Maxie sa kaniyang jowa.

"Sino 'yong babae na 'yon?" Tanong sa akin ni Maxie nang makaupo na ako habang nakatingin siya sa tatlo. Linipat ko rin ang tingin ko sa kanila.

"Kakilala lang nila siguro," sagot ko kay Maxie.

Nagtatawanan kasi silang tatlo. Ewan ko kung ano'ng usapan meron sila. Mukhang selos pa ang hatid ng mga ekspresyon ni Maxie sa kaniyang mukha. Maiintindihan ko naman kasi mukhang malapit si Jeffrey doon sa babae e.

"Ba't kailangan pang sa malayo sila nag-uusap. Nandito naman table natin." Humigop si Maxie sa harapan niyang milktea.

Buti na lang at nagpasiyang bumalik sa table namin sina Jeffrey, sunod si Laurence. Pero syempre, sumama rin 'yong kausap nilang babae.

"Babe, sensya ka na ha, ngayon lang kasi kami nagkita." Buti na lang at aware si Jeffrey sa presence ng girlfriend niya.

"Tisha, pakilala ko sa'yo si Maxie, girlfriend ko," sabi ni Jeffrey pagkatapos ibaba ang hawak niyang tray. Hinawakan naman niya sa balikat si Maxie.

"Hi sa'yo Maxie," Bati ng babaeng Tisha ang pangalan, ayon kay Jeffrey. Reddish brown ang kaniyang buhok, maliit yung mukha at maputi. Mahinhin na mabait 'yong first impression ko pero hindi ko alam sa totoo niyang pagkatao.

"Hi." fake smile ang ngiti ni Maxie pabalik sa babae.

"Ikaw Jeff, ha. May Gf ka na pala!" Tukso pa nito sa boyfriend ni Maxie sabay palo sa balikat ng lalaki. Napatawa na lang si Jeffrey sa sabi ng kasama nila.

Umupo naman si Jeffrey sa tabi ni Maxie pero nanatiling nakatayo si Laurence sa tabi ng Tisha na 'yon.

Tama ba 'yong narinig ko? Jeff ang tawag niya kay Jeffrey? Naku. Baka maging matindi itong selos ni Maxie. Pansin ko naman sa mga mata niya e.

"Upo ka, Tisha." Mala-gentleman pa ang datingan ni Laurence. Hinila niya kasi itong upuan sa tabi ko na akala ko siya 'yong uupo, e hindi pala.

"Uhm, hindi na." Umiling si tisha at nagawa pang tumanggi. "Apat lang kasi ang upuan dito e, saan ka uupo kung gano'n?" Sabi niya kay Laurence. Syempre di lang sa normal na paraan, kundi sa pabebeng paraan.

Hay. Concern ata kay Laurence. Kung mangyari man na apat lang talaga ang pwedeng umupo dito, ako na lang ang mag-aadjust. Nakaka-awkward itong galawan ng isang 'to.

"Okay lang, kuha na lang ako ng isa pang upuan," Ani Laurence at ngumiti kay Tisha.

"Gano'n ba? Ang bait mo pa rin talaga sa akin, no? thank you!" At tuluyan nang umupo sa tabi ko ang babae. May pa 'hindi na' pang nalalaman e uupo naman pala.

"Grabe, magdadalawang taon na pala tayong huling nagkita!" Sabi ni Jeffrey sa katabi ko. Doon ay napansin kong naglipat ng tingin si Tisha kay Jeffrey. "Kamusta naman ang mama mo? Okay na ba siya ngayon?"

"Oo, Malakas na si mommy. Hindi na madalas 'yong pagkahilo niya," sagot ni Tisha.

Mapapansin kong patuloy lang sa pagkain si Maxie. Tahimik siya di tulad ng kanina. Siguro, kakain ko na din itong inorder ko. Nandito lang naman sa harapan ko ang dessert. Di ko naman ramdam ang gutom pero kakainin ko pa rin ito.

Lumapit sa amin si Laurence na may dalang upuan. Inilapag niya ito sa tabi ni Tisha bago siya umupo. Sa likod niya ay isa pang waitress na nakahawak ng tray. Nilapag nila ang laman nito sa table namin at kinuha ang iba pang bandeha.

Falling In Love With The BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon