Chapter 2: Hindi ako nag-apply bilang yaya!

294 15 0
                                    

Pumasok si Laurence sa gate nila habang nagcecellphone. Nandito pa rin ako sa puwesto ko kung saan kanina pa ako nakatayo. Di ko lang talaga magalaw ang katawan ko sa gulat. Este.


Kaso paano ko ba naman ito gagawin? Dami ko nang iniisip, dumagdag pa ito eh. Hindi lang 'yon ang tanging pinoproblema ko. Sigurado akong ma-iissue ito kapag may makakita sa akin na nandito ako sa bahay na ito along with a guy my age.


Ano ba ang iniisip ni Mrs. Vertueza? Sigurado ba silang okay sila sa ganito? At ang Laurence na iyon, sa sobrang laki na niya, di man lang kayang alagaan ang sarili? Hahaha, ARE YOU KIDDING ME?


Napatigil ako sa pag-iisip ng bigla kong narinig na sinarado na 'yong gate.


"H-hoy! Teka lang, di pa ako nakakapasok!" Agad akong lumapit sa gate nila at niyugyog ito. Dinig ko pa naman ang tunog ng tsinelas na hindi gaano malayo. Ibig-sabihin, malapit lang ang mokong na iyon pero hindi talaga ako binubuksan!


Mabilisan akong kumatok sa gate nila pero bwiset, di pa talaga ako binubuksan e.

"Laurence!"


"Pasensiya na. Kanina ka pa diyan nakatayo e."


"Sorry ha, gulat lang ako. Kaya buksan mo 'to. Papasukin mo ako!"


"Edi wow, Umakyat ka na lang sa gate namin. Haha."


Tas narinig ko naman na malakas niyang sinarado niya yung pinto. Sa totoo lang, may sira ata itong Laurence na 'to sa ulo. Kaya pala pinapa-alaga ng mga magulang niya kasi baliw.


Sinubukan ko ulit yugyogin ang gate nila. "Hoy, Laurence!" Sigaw ko sa labas.

Sa totoo lang ha, sarap iwan itong lalaking 'to. Akala mo nagsign-up ako sa ganito? Kung hindi lang sa pera na makukuha ko sa magulang mo, hindi kita aalagaan!


May butas-butas na desinyo ang ibaba ng gate nila kaya habang wala pang nakakakita, tumingin ako doon sa baba. Linibot ng aking mata ang paligid nila. Muli akong kumatok dahil ayaw kong nakikipaglaro sa lalaking may saltik sa utak.


"Laurence! Buksan mo na, please," mabait kong pakiusap. Baka sakaling buksan niya.

At ayon, di naman pala niya binuksan. Ni isang sagot, wala akong narinig.


Napabuntog-hininga na lang ako. Bahala na siya. Uuwi na lang ako, hindi ako 'yong tipong namimilit ng tao. Tutal, malaking tao na rin 'yan. Kaya sinimulan ko nang lumakad palayo sa gate.


Iyon ay para kunin ang aking bike. Syempre.

Binalikan ko ulit 'yong gate at kumatok. May kasunduan kami ni Mrs. Vertueza at ayaw kong masira 'yon. Lalo na't malaking halaga sa akin ang makukuha kong sweldo galing sa kanya. Plus, pag-iisipan ko pa kung magbaback-out ako sa usapan namin after nilang makauwi dito. Pero syempre, nakadepende na iyon sa kung paano ako tratohin ng anak nila. Akala mo baby-boy talaga eh. Feeling baby boy lang.

Falling In Love With The BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon