Malalanghap ang amoy ng pinipritong omelette sa kusina ng bahay ng Vertueza sa alas siyete sa umaga. Bagama't tulog pa ang dapat na nagluluto, ginawa na lang ito mismo ni Laurence. Ayaw pa niyang gisingin ang dalaga. Alam niya na pagod ito dahil sa kahapon.
Sinabayan na rin niya ito ng paborito niyang instant noodles, ang sedap, at nagprito na rin ito ng saugages, tulad lamang ng madalas niyang ipahain sa mga yaya niya kapag wala ang kaniyang mga magulang.Bihira lang kasi ang mag-cheat ng ganitong pagkain para sa kaniya. Hinahain naman siya ng masasarap at masustansiyang pagkain sa pransiya lalo na pag kasama niya ang kaniyang lola. Sadyang nasanay lang siya sa ganitong pampa-umagang pagkain sa pilipinas.
Bumaba si Jinkie sa kaniyang kuwarto. Mukhang kulang pa sa tulog ang dalaga pero kung titingnan ng maigi ang kaniyang mga mata ay masasabi mong napatulog siya dahil sa kakaiyak.
Umupo muna siya sa sofa sa sala. Sinubukan niyang gisingin ang sarili niya sa pamamagitan ng paglabas sa kaniyang kuwarto. Minsan kasi nakakatulog ulit siya pag wala sobra sa kalooban. Ngunit kailangan niyang bumangon dahil trabaho ang pinunta niya dito.Napakamot siya sa buhok. May naamoy siya galing sa kusina. Napatanong siya sa sarili kung maaga bang nagising si Laurence keysa sa kaniya.
Nang dahil sa tanong na iyon ay napatayo siya at napapunta sa kusina upang silipin.Dito, si Laurence ay naghahain ng umagahan. Hindi niya napansin ang dalaga dahil nakapukos siya sa pagluluto.
Iniisip niyang lapitan ang lalaki, pero biglang may naalala siya.
Isang momentong hindi niya maunawaan.Kagabi...
Alas-dose sa umaga at gising pa si Jinkie. Kanina lang ay nakita niya ang mga magulang niyang nag-aaway. kasalukuyan siyang nasa loob ng hinihigaan niyang kuwarto habang nakahiga, at nakikinig ng ballad music. Luhaan pa rin ang kaniyang mata habang marami ang iniisip, lalo na sa posibilidad na resulta ng away ng kaniyang pamilya.
Samantalang si Laurence, na hindi kalayuan ang kuwarto sa hinihigaan ni Jinkie ay hindi rin makatulog. Hindi sa marami ang iniisip, kundi dahil madaling araw na, at may naririnig siyang umiiyak. Kahit na alam niyang posibleng si Jinkie iyon ay iba pa rin ang kaniyang naiisip.
Hindi siya makatulog dahil may parte sa kaniya na nag-aalala sa dalaga. Alam niyang may pinagdadaanan rin ito, pero kahit na gusto niyang i-comfort ang babae, wala siyang magawa. Pati nga naman ang sarili niya, hindi niya alam kung paano pakalmahin.Ngunit may naisip siyang nakakalokang paraan. Kaya naman mag-comfort ni Laurence sa pamamagitan ng social media dahil nasanay siya rito. Talagang hindi lang gumagana ang pangtotoong-buhay niyang pagco-comfort dahil hindi siya direkta sa kaniyang nararamdaman at malihim rin ito.
Binuksan ni Laurence ang hawak-hawak niyang cellphone. Dito ay pumasok siya sa messenger at tiningnan kung online si Jinkie. Hindi naman siya online. Hindi naman kasi madalas mag-online si Jinkie.
Napatanong sa sarili si Laurence kung ano na naman ba ang gagawin niya e hindi naman pala online si Jinkie? Napa-isip siya. 'Paano kung mag-chat pa rin ako kahit hindi siya online?'
Siguro lamang ay sa simpleng mensahe na lang muna.Ni-send ito ni Laurence kay Jinkie tulad lang ng nasa-isip niya. Nagulat siya ng makitang delivered ang mensahe na ang ibig-sabihin ay online naman ang dalaga.
Online naman talaga siya, kasi nakikinig siya ng ballad music sa youtube music ng wala sa kaniyang kopya.Nag-vibrate ang kaniyang cellphone at naramdaman iyon ni Jinkie. Napahinto siya sa pag-iiyak at mahinang inabot ang cellphone niya para tingnan kung kanino ito galing.
Nakita niya ang pangalan ni Laurence. Pinindot niya ang chat-head nito saka binasa ang sulat niyang mensahe."Jinkie?"
Iyon ang sulat niya. Napatanong lang si Jinkie sa sarili kung bakit pa gising si Laurence.
Kahit na wala siya sa ganang mag-usap ay napa-response pa rin siya. Si Laurence kasi ang nagmensahe, ang binabantayan niya.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With The Babysitter
Genç KurguPapayag ka bang ma-iscam tapos baliktad, kasi ikaw ang makakakuha ng pera? Mananatili ka bang kalmado kung hindi naman bata ang nangungulit sa'yo? Si Jinkie Carillo, isang Senior High School student na kasalukuyang nasa Summer break nila ay naghahan...