Hinuhugasan ko ang mga pinggan na ginamit ko para magluto at 'yong mga nagamit rin namin ni Laurence. Pagkatapos no'n ay sa sala na naman ako nagwalis. Hindi naman pwede na nandito lang ako na walang ginagawa maliban na lang kung may iuutos sa akin ang binabantayan ko.
Ayon, nandoon na naman siya sa sofa at nanonood ng anime habang nagfafacebook. Ibang uri ng multi-tasking din. Sakto nang matapos din ako magwalis ay tinawag ako nito.
Baka gusto na naman ng snacks.
"Jungkoy!" Tawag niya.
"Halika nga dito.""Bakit?" Sagot ko naman at kusang lumapit na sa kaniya. Baka ulit-ulitin pa ang pagtatawag niya sa akin ng 'Jungkoy' e.
"Mag online ka, dali. Tingnan mo iyong Facebook account mo," Aniya.
"Ano meron?" Tanong ko naman. Hindi naman kasi ako madalas mag-online e. Lalo na ngayon, may nililinis pa ako.
"Basta, mag-online ka na. Dalian mo."
Wala na lang akong choice kundi ang mag-online rin tulad ng sabi niya. Hindi ko alam kung nagsend ba iyan ng meme na hindi naman nakakatuwa o ewan ko diyan.
Pagkabukas ko ng account ko, nakita ko 'yong notification ko. Maingay ito. Kaya ni-view ko naman.
"O 'di ba? Maraming nagreact sa profile picture mo. All thanks to me," payabang na sabi ni Laurence at nginitian ako. Siya pa itong proud. Sabagay, siya naman iyong kumuha ng picture.
"124 reacts. Tinalo pa 'yong react counts ng pinakajeje mong picture. Tingnan mo, may 26 comments ka," patuloy na sabi niya.
Di ko alam kung ano'ng masasabi ko. Kadalasan kasi up to 11 reacts hanggang 28 reacts lang nakukuha ko sa mga litrato ko. Hindi mo naman kasi masasabi na maganda ang anggulo at mukha ng nasa litrato. Kaya kahit papaano, sang-ayon ako kay Laurence sa sinabi niya. Siguro idedelete ko na lang ang mga iyon.
Doon naman sa comment section, karamihan ay galing lang sa mga ka-batch ko na dati kong naging close. Marami na kasi sa kanila iyong nasa ibang paaralan na.
"Omg, Jinkie is that you?! (Insert wow emoji)"
Galing kay Mikay. Kaklase ko noong Grade 4 hanggang Grade 7."Halaaaaaaa, ang Jinkie namin, nag-glow-up!(insert crying emoji at sparkle emoji)"
Galing kay Lily. Kaklase ko last year."Tinalo mo pa si Sandra sa pag-photoshoot ha,"
Galing kay Brylle. Kaklase ko rin last year."(Tatlong sunod-sunod na heart-eyes emoji)"
Galing kay Sandra. Kaklase ko simula grade 8 hanggang last year."Hoy, Magsitabi kayo, dadaan saglit si Jinkie Pacquiao! Esteee. Ano naman secret product na ginagamit mo, misis ni Neth? Kaya pala hindi ka na nagrereply ha, busy sa pagpapaganda! (Apat na sunod- sunod na angry emoji)"
Galing kay Vicky. Siya ang kaclose ko sa classroom last year.Natawa talaga ako sa comment niya. Palabiro kasi si Vicky. Madalas niya akong tawaging 'misis ni Neth'. May sekreto kasi kami. Syempre, saamin lang muna iyon. Tsaka ilang beses ko na rin sabihin sa kaniya na hindi naman ako nag-oonline ng madalas. Hindi lang ata nakakagets.
Ngunit, maliban diyan sa mga pangalan na iyan, marami pang iba ang nagcomment.
Napapangiti ako sa mga comment nila. Minsan lang ako makatanggap ng ganito.Habang patuloy ako sa pags-scroll sa comment section ay napahinto ako.
Isang pangalan ng isang taong matagal ko nang gusto makausap ang nagcomment.
"Looking good."
Galing kay Kenneth. Kaklase ko last year at crush ko since Grade Six until now.Ow-Em-Jiiiii!
BINABASA MO ANG
Falling In Love With The Babysitter
Teen FictionPapayag ka bang ma-iscam tapos baliktad, kasi ikaw ang makakakuha ng pera? Mananatili ka bang kalmado kung hindi naman bata ang nangungulit sa'yo? Si Jinkie Carillo, isang Senior High School student na kasalukuyang nasa Summer break nila ay naghahan...