Chapter 11: Double date ba 'to?

187 11 0
                                    

Nasa labas na kami ng Uzutsaki Cafe. Malawak ito at kulay pula't senisado ang pinta sa labas, may malaking pa-welcome ito na logo sa taas kung saan nakasulat ang i-aassume ko na japanese name ng cafe na ito.

Pumasok na kami at dito namin nakita ang ganda ng cafe na iyon. Siguro, first time ko lang dito at hindi sa kanila. Isang female anime figure na kasing tangkad ng height ko ang nakatayo sa tabi ng pintoan. Kulay pula't ponytail ang buhok nito at nakasuot ng maid uniform. Red and white wallpaper naman ang gamit nila sa loob ng cafe, nasa harapan namin ngayon ang mga lamesa at upuan.

"Welcome po!" Bati ng babaeng nakauniporme rin ng pang-maid nang mapansin niya kaming sabay-sabay pumasok. Tumango naman si Laurence habang sumagot pabalik sina Jeffrey at Maxie.

Diretso na silang naupo sa lamesa na may apat na upuan doon sa pangalawang linya. Ngunit si Laurence, ibang direksyon ang linakad niya. Hindi ko alam kung kay nino ba ako susunod habang nakatingin lang ako sa malayo sa kaniya. Nanatili akong nakatayo dito ng mga segundo Hangga't sa narinig ko ang pangalan ko.

"Jinkie, dito ka," tawag sa akin ni Maxie kaya napalingon ako sa kaniya. Tiningnan ko muli 'yong pinuntahan ni Laurence bago lumapit sa table na kinauupuan ng dalawa at umupo sa harapan nila.

Nginitian pa ako ni Maxie bago ako tuluyang naka-upo. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Hindi naman ako madalas magsalita lalo na sa hindi ko kakilala. Bihira lang ako maka-encounter ng mga ganitong pangyayari. Hindi rin naman ako 'yung tipong sosyal na tao na kayang makisabay sa iba puwera na lang kung kinakailangan tulad ng pag-meet namin ni Mrs. Vertueza ukol sa pagbabantay sa anak niya.

"Saan ba nagpunta si Laurence?" Tanong sa akin ni Maxie.

Hindi ko rin alam ba't ako tinatanong nito e pati nga ako hindi ko alam saan 'yon nagtungo.

"...Hindi ko rin alam," mahina kong sagot sa kaniya.

"Hayaan mo na 'yon, babe. Baka nag CR lang 'yon," singit naman ni Jeffrey.

Tama naman. Ba't hindi ko 'yon naisip?

"Bale, mag-oorder muna ako ng pagkain. Diyan na lang muna kayo ha," ani Jeffrey.

"Pakisabi kay Laurence na nag-order na ako pagkabalik niya dito," dagdag niya.

"Okay-okay. 'Yung sabi ko sa'yo ha. Iyon ang kunin mo," sita naman ni Maxie.

"Syempre naman. Ikaw ba, Jinkie? Ano ba'ng gusto mong i-order?" Tanong sa akin ni Jeffrey.

Uhm... Ba't ba ako tinatanong nito? Unang-una, wala akong balak mag-order. Pangalawa, wala naman siyang ipinakita na menu kung saan ko pwede pilihin 'yung gusto ko. Pangatlo, kahit wag na lang kasi baka mamahalin pa ang pagkain nila. And lastly, ayaw ko mag-aksaya ng pera lalo na't hindi ko naman ginusto na sumama dito.

...Ano ba sasabihin ko?

"Jinkie?" Tawag niya ulit.

"A-ah- ano, kahit... ano na lang..." Sagot ko.

Takte, hindi ba nila kayang i-share sa akin kung ano 'yung nasa menu? Tsaka bakit wala silang hawak na gano'n? regular customer ba sila to the point na namemorize nila 'yong laman ng menu?

Oh, teka! May alam ako!

Sinubukan kong lumingon doon sa may cashier sa tabi ng pintuan. Doon ay nakita ko ang malaking menu na nasa itaas nito.
Nag-scan ako ng mabilis kung ano ba ang gusto kong i-order. Kaso masyado malabo para maintindihan ko 'yong ibang nakasulat.

Kaya doon na lang ako tumingin sa best offer menu. Tutal, malaki naman ang pagkasulat ng codes. Hangga't sa nakapag-desisyon na ako kung ano ang pipiliin ko.

Falling In Love With The BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon