Hindi nagtagal ay nagsalita na siya, "Mukhang nakakalimutan mo kung ano ako dito. Wala kang karapatang bugbogin ako, babae!" Paalala niya sa akin.
Oo, tama! Siya nga itong babantayan ko! Ano naman kung siya...
Ramdam ko ang galit na bumubuo sa pahitan namin. Sa ngayon, di na lang muna ako magsasalita. Isa pa, may punto naman siya...
"Di ka talaga mapag-biruan? Tsaka ang harsh mo kung makapagsalita ka. Tandaan mo, ako itong babantayan mo and anytime, pwede kitang palayasin," Banta nito sa akin.
Imbes na bumalik ako sa pagiging seryoso at simulaan ang pagiging obedient, di ko na lang napigilan ang sarili kong tumawa sa sinabi niya.
Hahaha! Ano daw? Kaya akong palayasin?
"May nakakatuwa?"
"Oo, Meron! Pasensiya na ngunit sa mama mo ako nagtatake-order kasi siya ang naghire sa akin. Hindi ba malinaw sa'yo na kapag may babysitter ang isang tao, ibig-sabihin binabantayan lang sila kasi baka may balak silang masama?"
Tiningnan ako ni Laurence ng masama habang tumatawa pa ako. Grabe, ang bobo talaga nito.
"Pero hindi ibig-sabihin 'non ay hindi kita mapapalayas dito. Isang pakiusap ko lang sa mama ko, pwedeng sa oras na ito, uuwi ka na! " Medyo ako napatahimik nang mapansin kong na-triggered siya. Bakit parang kasalanan ko na? Hehehe.
"And it was very unexpected. Didn't know that my mom chose nang ka-edad ko para alagaan ako. I was expecting na elderly woman ang nahire nila pero hindi pala," Dagdag niya.
"Paano ka nakakasigurado na mas bata ako keysa sa'yo?" Tanong ko sa kaniya kahit alam kong mas magagalit siya. Di por que matangkad, e mas matanda na?
"I bet you're 18. Sa panunuot mo lang halata nang wala ka sa minority. Sa bagay, naiintindihan ko kung bakit nagkamali si mama sa na-hire niya dahil mukha kang manang," Pa-offensive nitong sagot.
Napakutya ako sa sinabi niya. Nakakaloka! Gusto talaga niyang makipag-away 'no?
"Manang? Manang talaga? Sige! Manang na kung manang! Atleast hindi ako utak 10 years old, 'di tulad mo," pamimikon ko rin sa kaniya. Pasensiya na lang, Mrs. Vertueza. Ngunit hindi ako magpapatalo sa anak niyong utak-bulate!
"Alam mo siguro dapat lang sabihin ko na kay mama itong pagtatrato mo sa akin," aniya at kusang inilabas ang cellphone niya.
"Humanda ka, maya-maya makakarecieve ka rin ng tawag galing kay Mama," Patuloy niya.
Di ako sigurado kung ano ba ang nais niyang gawin pero bigla na lang ako natakot. Parang ayaw ko makick-out ng gano'n lang. Sayang 'yong pera!
"T-teka, Laurence, pag-usapan muna na'tin 'to." paninigil ko sa kaniya.
"Ha? May sinabi ka?"
"Sabi ko, pag-usapan natin 'to. S-sisiguradohin kong magkakasundo tayo, kaya 'wag ka na magsumbong. Please?"
Sayang yung twenty thousand, Laurence. Sayang!
"Wow? So ngayon nagbabait-baitan ka?" Taas-kilay niyang sabi.
"Sorry po talaga, Sir Laurence. Promise, magiging mabuti akong babysitter sa'yo simula ngayon," may pa-yuko yuko pa akong nalalaman sa harapan niya just to show him how sincere I am. Pero totoo naman, sincere talaga ako. Mahirap kaya maghanap ng twenty thousand!
Habang wala pa siyang sagot ay napansin ko ang patago niyang pagtawa. Imbes na maging seryoso na ang lahat, siya na naman itong tumatawa.
"Ba't ka tumatawa? M-may nakakatawa ba sa sinabi ko?" Nang marinig niya ako ay mas lalong napalakas ang tawa nito.
"Hahaha! Oo, meron!" Pasigaw niyang sagot sa akin. Pinapalakihan pa ako ng mata.
Tsaka teka lang, familiar 'yong linya na iyan eh. Naku talaga, namimikit na mga mata ko sa lalaking 'to.
"Just kidding. Well, would you drop that formality when calling me? Hindi 'yan ang prefer kong itawag mo sa akin," aniya at nakangiti pa.
O' tingan mo kung sino tumatawa ngayon? tapos kanina seryoso daw? Tsk tsk.
"Kung gano'n e, ano ba'ng dapat kong itawag sa'yo?" Tanong ko sa kaniya. Nginitian uli ako nito. Papogi style pa e.
"Baby. As in Baby. In my own definition," sabi niya at kinindatan ako.
Napairap na lang ako dito. Sabi na nga e. Malandi talaga itong Laurence na 'to.
"Please, anything but that," makapal mukha kong sinabi sa kaniya. Kahit i-untong niya ulo niya sa pader, hinding-hindi ko siya tatawaging Baby.
"Ano ba masama doon, Jinkie? Galing pa nga 'yon sa Job title mo 'e. You're a babysitter, I'm a baby. See?" Di pa nabubura ang manyakis niyang ngiti sa labi niya.
"Ewan ko sa'yo, Laurence. Trip mo lang talaga ako!"
"Oh, sinisigawan mo na uli ako?" Balik seryoso na naman siya. Wala akong magawa kundi manatiling tahimik.
Alam niyo, mapapasabunot na lang ako sa sarili ko.
"Okay, then. Since ayaw mo naman akong tawaging baby then shall you undergo with my own rules. Iyon ay susundin mo lahat ng utos ko sa'yo," pamaldita niyang sabi. Nagcross-arms pa siya at tinitingnan ako ng malupet.
"These following three days will be your training. Kung makapasa ka, edi you're officially my babysitter. Pero pag di ka makapasa, It's a goodbye. I'll immediately call Mom na palitan ka niya."
"Sige, deal ako diyan," mabilis kong sagot. Napatunganga lang siya sa akin na para bang di siya makapaniwala sa sinabi ko.
Syempre, mas pipiliin ko ang three-days-whatsoever-training niya sa bahay na ito keysa tawagin siyang Baby. Di niya deserve 'yon noh! NBSB ako to's gano'n gano'n lang?
"Okay, then. Good luck sa'yo. This time, ipinapautos ko na sa'yo na linisin mo ang kwarto ko under 20 minutes." Lumakad siya papuntang sofa nila at umupo. Binuksan nito ang TV at nagpa-play ng anime series.
"Teka, as in ngayon na?"
"Hindi mo ba narinig ng maayos 'yong sinabi ko? Oo, as in ngayon na!" Pasigaw niyang sagot.
"Tandaan mo, kapag mag 20 minutes na at di mo iyon natapos, umuwi ka na."
"T-teka, saan ba kwarto mo?" Panigurado kong tanong. Pero hindi na siya sumasagot. Wala na talagang silbe itong lalaking 'to.
Binilisan ko na lang ang pag-akyat sa 2nd floor nila. Sigurado naman akong nandoon yung kwarto e lalo na pag bahay mayaman papasokan mo. Kaso di ko alam kung ano'ng kwarto ba. Hangga't sa makita ko 'yong bukas ang pinto ng isang kwarto. Pagtingin mo lang galing sa labas, masasabi mo na kwarto talaga ito ng lalaki- na 10 years old ang pag-iisip.
Mas lalo talaga akong napapatanong sa existence ng Laurence na iyon. Seriously? Ang kalat ng kwarto niya! 'yong disarranged na tambak ng disc sa sahig, 'yong damit niyang di man lang mailagay sa basket, 'yong kama niyang punong-puno ng bukas na magazine ng anime ecchi-
OMG. What did I just saw. Bastos talaga 'tong lalaki na 'to! Pati mga magazines niya di man lang niya kayang itago!
"Dalian mo diyan, Jungkoy! Marami ka pang gagawin," dinig kong sigaw niya galing sa baba.
Mapapabuntog-hininga ka na lang talaga. Napakasakit niya sa ulo e. Ginawa talaga akong maid?
BINABASA MO ANG
Falling In Love With The Babysitter
Novela JuvenilPapayag ka bang ma-iscam tapos baliktad, kasi ikaw ang makakakuha ng pera? Mananatili ka bang kalmado kung hindi naman bata ang nangungulit sa'yo? Si Jinkie Carillo, isang Senior High School student na kasalukuyang nasa Summer break nila ay naghahan...