Chapter 25: Huling salita

31 3 0
                                    

Nakalipas na ang tatlong araw.

Maraming tambak na damit sa sofa nina Jinkie. Ito ang bunga ng pagtayo nila ng laundry shop. Bisi ang schedule nila mapa araw sa gabi dahil tinotodo nila ang paglalaba ng damit habang nagdedeliver naman si Jinkie sa mga bahay-bahayan para may dagdag ang bayad nila. Buti na lang at tag-araw pa sa pilipinas na talagang nakakatulong sa kanilang business.

Kasalukuyang naglalaba si Belen habang nagmumulti-task naman si Jinkie na nagluluto at nagtutupi ng mga natuyong  labahan upang ipadala ito sa mga may ari.
Sa ngayon ay pokus muna sila sa pag-iipon ng pambayad para sa mga utang nila. Iyon lamang ang pinakaimportanteng gawain na kailangan nilang matapos para makaligtas sila sa problema na iyon.

Isang lalaki na naka motor ang huminto sa harapan ng bahay nina Jinkie. May suot itong uniporme na pula at ang helmet ng motor niya habang pinagmamasdan ang bahay na nasa harapan niya kung iyon ba ang nakatukoy sa address. May dala rin itong paper bag at lumapit ito sa bahay upang kumatok sa pinto.

Narinig iyon ni Jinkie. Inakala niyang isang kustomer na naman iyon na gustong magpalaba ng mga labhan ngunit pagbukas niya sa pinto ay isang lalaki na di kilala sa kanilang purok ang nakita niya. Wala rin itong dalang labahan kaya siguro hindi iyon naparoon para magpalaba.

"Sino po sila?" Tanong ni Jinkie sa lalaki.

Tiningnan muna ng lalaki ang hawak niyang paperbag para silipin ang nakasulat sa labas nito.

"Kayo po ba si Jinkie Carillo?" Tanong din ng lalaki.

Nagtaka naman si Jinkie kung bakit siya pala ang hanap-hanap ng lalaking iyon. Mukhang rider pa naman ang nasa harapan niya ngayon pero alam niyang wala siyang inoorder galing sa internet.

"O-opo, bakit po?" Nagtatakang tanong niya. Naisip niya na baka ibang utang na naman ang ibabalita ng lalaki, pero iniabot ng lalaki ang paper bag na para sa kaniya.

"May nagbibigay po sa inyo nito," sabi ng lalaki.

Napatingin si Jinkie sa kulay puting paper bag na iyon. Ayaw niya itong abotin dahil hindi siya sigurado kung saan ito galing.

"Pwedeng ho bang malaman kung kanino galing ito?" Pag-uusisa ni Jinkie.

Tumingin muna sa wrist clock ang lalaki upang tingnan ang oras.
"Pasensiya ka na miss, nagmamadali lang. Heto na at kunin mo. Nasa loob naman ng paper bag kung sino ang nagbibigay." Iniabot niya ito sa dalaga at lumakad na papaalis.

"Teka..."

Nakasakay na ang lalaki sa kaniyang motor bago ito nagpatuloy sa pagmamaneho. Narinig naman ni Belen na parang may kausap ang kaniyang anak kaya napatanong siya.

"Sino iyan?" Tanong ni Belen galing sa banyo. Tuloy pa rin siya sa pagkukuskos habang dinig pa rin ang pagiikot ng washing machine at dryer nila.

"Ah, wala po, Ma." Isinara naman ni Jinkie ang pinto.
Lumapit siya sa sofa at umupo. Tiningan niya muna ang paper bag na iyon bago ito binuksan.

Isang sketchbook at sobre ang nasa loob nito. Agad niyang nakilala kung sino ang may-ari ng sketchbook na iyon.
Iyon ang ginamit ni Laurence nang ginuhit nila ang isa't-isa. Hindi niya alam kung bakit ito ipinadala ni Laurence.

Binuksan niya muna ang laman ng sketchbook. Nakita niya ang hindi lamang iisang guhit ni Laurence kay Jinkie. Hindi lamang nang nakaupo sila sa sofa, kundi mga drowing rin ni Jinkie habang nagtatrabaho siya. Sampong drawing lahat ang nasa sketchbook kasama na ang nakita niyang isa. Hindi niya alam kung para saan ito, pero nagpalambot ito ng puso ni Jinkie. May nabubuong ngiti sa mukha niya, at kunting luha naman sa kaniyang mata.

Falling In Love With The BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon