Marahil ay kinakausap ni Laurence ang kaniyang lola upang ipadama sa kaniya na namiss niya rin ito, at hindi niya ginusto na ayaw bisitahin ito sa pransiya, pero sadyang masaya lang daw ang mga araw niya dito sa pilipinas. Kinakausap niya ito at binibiro, pero hindi niya alam na nakaalis na pala si Jinkie sa bahay.
Nagpalit muna ng damit ang matanda sa taas, habang kasama niya ang kaniyang personal assistant na madalas niyang utusan. Ang dalawa naman na maid na kasama nila ay nasa kusina, naghahanda ng pangtanghalian. Umakyat na rin si Mr. Vertueza sa kanilang kuwarto upang magpalit, habang nasa kusina naman si Mrs. Vertueza, tinutulungan ang mga yaya hanapin ang sangkap ng mga iluluto nila.
"Ma," tawag ni Laurence kay Mrs. Vertueza matapos ito mag-ikot sa bahay nila upang hanapin si Jinkie.
"O', Laurence?"
"Nakita mo ba si Jinkie?"
"Uhm, ano... Umalis siya kanina."
"Ha?"
"Oo. Umuwi na siya sa kanila."
Napatanong uli si Laurence, "Umuwi? Hindi man lang nagpaalam?"
Napakamot naman sa leeg si Mrs. Vertueza, "Nagmamadali siguro. Hayaan mo na iyon, nak. nga pala, ano ba ang pinagkakaabalahan mo habang wala kami dito?" Nginitian ni Mrs. Vertueza si Laurence.
"Ma, hindi naman ata iyon aalis ng walang paalam kahit nagmamadali. Anong oras ba siya umalis? Grabe ha. Kahit isang kaway lang hindi man lang niya nagawa." Hindi sinagot ni Laurence ang tanong ng kaniyang nanay at inilabas na lang nito ang kaniyang cellphone.
Hindi nakasagot si Mrs. Vertueza at napatingin na lang ito sa kung ano ang binabalak na gagawin ng kaniyang anak.
"Ano'ng ginagawa mo?" Tanong niya kay Laurence.
"E-chachat ko lang si Jinkie," sagot niya.
Napakurap muna ang ina bago ito napasagot, "At kailan ka pa kumuha ng contact information ni Jinkie?"
Napalingon si Laurence kay Mrs. Vertueza, "Ano naman ang masama doon?"
Para kay Mrs. Vertueza, hindi naman kailangan ni Laurence na kumuha pa ng contact information galing kay Jinkie. Siya rin naman kasi ang nag-hire sa kaniya at wala naman dapat pag-usapan ang kaniyang anak at si Jinkie.
"What do you mean ano'ng masama doon? Kilala mo ang iyong lola, Laurence. You should stop keeping a contact of any other woman." Itinuro pa nito ang daliri niya kay Laurence bago umalis sa kusina at umakyat sa kanilang kuwarto. Nakakapagtaka na lang si Laurence dahil sa mga sinasabi sa kaniya ni Mrs. Vertueza.
Ano ba naman kasi ang masama na kumuha siya ng contact ni Jinkie? Isa pa, sa facebook lang naman iyon. Marami nga siyang female friends doon.𝓕𝓪𝓵𝓵𝓲𝓷𝓰 𝓘𝓷 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓦𝓲𝓽𝓱 𝓣𝓱𝓮 𝓑𝓪𝓫𝔂𝓼𝓲𝓽𝓽𝓮𝓻
Nakaupo na ngayon ang mga Vertueza sa silid-kainan upang kumain ng tanghalian. Marami sa inihanda ng mga yaya ay pagkain na filipino cuisine kasi hindi naman sapat ang mga sangkap na meron sila para maghanda ng mga gusto ni Mamita na french cuisine. Hindi rin ito ang unang pagkakataon na makatikim siya ng pagkaing pinoy dahil may mga filipino restaurant naman sa pransiya, at minsan ay doon siya kumakain.
"Ma, sana nakasabay sa atin si Jinkie. Masyadong malaki rin itong inihanda niyo e," anang Laurence, na kinataas ng kilay ng kaniyang lola.
"Hin di sia bilan sa pami lia, ba qet? ( At bakit naman? Hindi siya nabibilang sa pamilya.)" Ang lola na ang sumagot sa kaniya.
"Kahit na, Mamita. She was there for me and took care of me habang wala dito sina mama at papa. At least she deserves a meal with us before she can leave," sagot naman ni Laurence.
Napabuntong-hininga na lang si Lauren. Hindi niya nagugustohan ang pagsasagot ni Laurence sa kaniyang lola.
"Laurence, sinabi ko na sa'yo na siya mismo ang umalis na nagmamadali. Why can't you just eat without thinking of Jinkie?"The table silenced. Napatitig lang si Laurence sa kaniyang nanay na parang inoobserbahan ito, kung bakit siya nagiging ganon kapag sinasabi niya ang pangalan ni Jinkie.
"Laurence," tawag ni Mamita para kunin ang atensyon ng binata.
"Je ne t'ai jamais vu t'attacher à une aide personnelle. Je m'inquiète de ce que cette femme a pu vous faire? (Hindi kita nakitang masyado malapit sa mga katulong mo. Nagtataka na ako ngayon kung ano ba ang ginawa sa iyo ng babaeng iyon.)" Dagdag ng matanda.
Napakutya lang si Laurence sa sinabi ng kaniyang lola. Masyadong wala sa lugar ang mga sinasabi nila.
"What? Mamita, I was just saying that I hope Jinkie had a meal with us before she could go. What do you mean she did something to me?"
Medyo nahuhulog na ang usapan dahil lamang sa mga asumpsyon ng kaniyang pamilya. Hindi niya maunawaan kung bakit parang inaayawan nila si Jinkie. Tahimik lamang na kumakain ang kaniyang tatay."C'est de ça que je parlais, Lucas. (Ito na nga ba ang sinasabi ko, Lucas.)" Sita ni Mamita na ang kinakausap na ngayon ay ang kaniyang anak.
Napatingin na lang si Lucas sa kaniyang nanay.
"On dirait que votre fils a des sentiments pour cette bonne. Comment allez-vous pouvoir gérer cela? (Mukhang may gusto ang anak mo sa yaya na iyon. Paano mo maayos ito?)"
Napapatawa na lang si Laurence sa naririnig. Una, hindi raw yaya si Jinkie. Iyon ang sabi niya nang unang araw pa lang niya dito sa bahay nila. Pangalawa, bakit iniisip nila na may gusto siya sa dalaga? Hindi ba puwedeng simpleng tanong lang ang sinabi niya?
"Ahem, anak," nagsalita na ang tatay ni Laurence na si Lucas. Ibinaba nito ang hawak niyang kutsara't tinidor bago hinawakan ang anak sa balikat.
"Alam mo nang may kasunduan tayo ng lola mo. Hindi ka dapat magkagusto sa ibang babae dahil may papakasalan kang babae. Naiintindihan mo ba, anak?"
Napatahimik na lang si Laurence sa narinig galing sa kaniyang tatay. Alam niyang arranged marriage siya, pero hindi niya inaakalang iyon ang una nilang gustong pag-usapan lalo na dito sa table na pinagkakainan.
"Tama ang papa mo, Laurence. Natatandaan mo naman siguro iyong nagkagusto ka sa isa sa mga babae dito sa pilipinas di ba? Ano ang nangyari, iniwan ka pa rin," sambit ng kaniyang nanay.
Tinutukoy ni Mrs. Vertueza si Tisha. Siya ang babaeng naging girlfriend noon ni Laurence na nagtagal ng isang taon. Napamahal siya sa babae pero iniwan siya nito dahil napagod raw si Tisha sa kaniya.
Ayon sa kaniyang lola, isang babaeng pranses ang planong ipakasal kay Laurence pagkatapos niya sa kolehiyo. Isa rin sa mga dahilan na ayaw niyang bumalik sa pransiya ay dahil alam niyang magiging fiancée na nito ang babae kapag makauwi siya sa kanila, na talagang ayaw niyang mangyari dahil hindi naman niya kilala ang babaeng iyon, at ayon sa kaniyang nanay, labinlimang taon gulang pa lang ito.
Tungkol ito sa negosyo ng kaniyang lola na mapapamana niya sa pransiya. Kilala ni Mamita ang babaeng iyon, at ang pamilya niya kaya nagkasundoan naman silang dalawa. Pumayag naman ang magiging fiancée ni Laurence, pero napasang-ayon lang si Laurence kasi ito ang gusto ng kaniyang lola at galing palang siya sa break-up nila ni Tisha.
Natahimik na lang si Laurence. Hindi siya nagsalita at kumain ng iilang kutsara ng kanin.
Linasa niya ito ng maayos. Saka niya malakas na ibinaba ang kutsara at uminom ng tubig sa tabi niyang baso.
"Qui a cuisiné cette nourriture ? C'est dégoûtant. (Sinong nagluto sa pagkain na ito? Ang panget ng lasa.)" Tumayo siya at umalis sa table. Umakyat na lang siya sa kaniyang kuwarto, na ang iniisip ay maglaro. Hindi niya nagustohan ang araw na ito, at kumpara sa kinain niya sa umagahan, mag gusto niya iyon, at gusto ang kasama niya sa oras na iyon.Nakapaglingonan naman ang dalawang yaya na nagluto ng pagkain. Nagtaka din si Capucine, na isang food specialist at tinikman ang pagkain na kinain ni Laurence.
"Il a très bon goût? (Ayos naman ang lasa, a.)" Puna ng lola.Napabuntong-hininga lamang si Lauren, dahil alam niyang galit lang ang anak niya.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With The Babysitter
Teen FictionPapayag ka bang ma-iscam tapos baliktad, kasi ikaw ang makakakuha ng pera? Mananatili ka bang kalmado kung hindi naman bata ang nangungulit sa'yo? Si Jinkie Carillo, isang Senior High School student na kasalukuyang nasa Summer break nila ay naghahan...