Ngayon kami mismo kakain sa labas ni Laurence. Aniya, doon raw sa mga murang kainan. Madalas raw kasi silang kumain sa mga gano'n na karinderya kapag kasama niya ang mga kaibigan niya sa eskuwela. Akala ko rin kasi siya iyong tipong doon kumakain sa mga mamahaling restaurant. Galing naman siya sa mayamang pamilya kaya madalas talaga iyon.
Nasa labas na kami at katatapos ko lang isara ang gate ng bahay nila. May bike naman ako, pero maglalakad na lang ako kasi maglalakad din si Laurence e. Kanina pa siya nakangiti na parang may nakikitang anghel sa dinadaanan namin. Nawe-weirdohan na naman ako sa kaniya. Parang baliw e.
"Hindi mo ba hilig ang kumain sa mamahaling restaurant?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin pero hindi pa rin nabubura ang ngiti sa kaniyang mukha.
"Hmm? Hindi naman sa gano'n, pero nakakasawa rin," Sagot niya habang patuloy kami sa paglalakad.
Nakakasawa daw? Gano'n ba siya kadalas pumunta sa mamahaling restaurant? Iba talaga pag may pera.
"Ano'ng nakakasawa doon? Sa tingin ko maraming gustong kumain ng madalas sa mga mamahaling restaurant. Panget ba ang lasa ng mga mamahaling pagkain sa Pransiya?"
"Hindi 'no. Kilala rin kaya ang Pransiya dahil sa masasarap nilang cuisine."
Oo nga, alam ko iyon. Napatanong lang ako kasi baka iyong dila mismo ni Laurence ang may mali.
"E bat mas gusto mong kumain sa murang kainan?"
"Hmm, ganito kasi iyon." Huminto siya't hinarap ako.
"Napansin mo ba na pag murang kainan, masasarap na nga ang mga pagkain doon, minsan may pasobra pa sila?" Mas lalong lumiwanag ang mukha niya nang sabihin niya iyon.
Kaya naman pala. Talagang mahilig siya sa pagkain na may pasobra pa.
"Sa Pransiya kasi, maliliit iyong sini-serve doon tas di nakakabusog. Ewan ko rin nga kay Mamita kung bakit gano'n iyong restaurant na ipinatayo niya. Buti pa dito kina Aling Tiring, ang sarap ng adobo nila tas kaya lang sa bulsa."
Sus, nagsasalita siya na parang isang may-kayang mamamayan lang. Samantalang noong nagpapanggap siyang hindi kakain, nakita ko sa kwarto niya iyong tambak na paper bag ng jollibee. Tinawanan rin ako ng mabuhos ko ang linuto kong adobo para sa kaniya. Sus, Laurence.
"Ikaw Jungkoy, ano ba ang gusto mong pagkain?" Nagpatuloy na siya sa paglalakad habang nakatingin pa rin sa akin.
"Uhm, desserts sa akin," sagot ko at lumakad na rin ulit.
"Desserts? Maganda kung gano'n. Alam mo ba na sikat rin ang Pransiya dahil sa sarap kanilang mga desserts? Kung gusto mo, pwedeng isama kita sa susunod kung pupunta kami ng Pransiya tas tikman natin lahat ng desserts doon."
Napapatanong ako ulit sa sarili ko, ayos lang ba itong si Laurence? Kanina pa nakangiti tas hindi siya ang sarili niya.
At bakit pa ito nagiimbenta na tikman namin lahat ng desserts doon?
Hindi ako sumagot ng iilang segundo, pero doon ay agad na rin siyang napadagdag ng sasabihin niya."Hoy, hindi ko sinasabi na libre ang paglilipad mo doon. Mag-ipon ka ng pera pamasahe! Tsaka sinabi ko lang na naroroon iyong mga masasarap na desserts kaya bumisita ka kung may pera ka na." Iniiwasan niya ako ng tingin ng sabihin niya iyon.
Ang labo talagang intindihin ng lalaking ito. Daming sinasabi e.
"Ng-nga pala, dito iyong daan kina Aling Tiring," aniya at napahinto sa paglalakad. Itinuro niya ang daanan na iyon, kung saan walang street light at madilim pa. Sa tingin ko, sinabi niya iyon sa akin para ma-aware ako na takot siya sa dilim. Napabuntong-hininga na lang ako at hinawakan siya sa kamay bago kami nagpatuloy sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With The Babysitter
Teen FictionPapayag ka bang ma-iscam tapos baliktad, kasi ikaw ang makakakuha ng pera? Mananatili ka bang kalmado kung hindi naman bata ang nangungulit sa'yo? Si Jinkie Carillo, isang Senior High School student na kasalukuyang nasa Summer break nila ay naghahan...