Ang kinalabasan, nagsayang na naman ng 50 pesos si Laurence dahil wala pa rin siyang napanalohan kahit isa. Iba talaga ang bad luck ng mga katulad niya.
"Tawa ka! Proud ka lang kasi dalawang subok mo, may nakuha ka nang isa," aniya na kung pakinggan siya'y kasalanan ko pa na may napanalohan ako.
"Ayaw mo kasi makinig. Sinabi ko na hindi ka mananalo kahit isa diyan e," Natatawa kong sabi.
"At ano'ng gagawin mo kapag may mapanalunan ako?" Garang tanong niya.
"Edi congrats kung gano'n. Bakit ako may gagawin kung may mapanalunan ka sa vending machine? Duh."
"Challenge lang. At least may mapatunayan ako sa'yo."
"Sus, sige. Kung determenado kang manalo diyan, pagbibigyan kita."
"Sabi mo iyan ha. Kahit ano'ng gusto ko, gagawin mo?"
"Sige lang. Alam kong mananalo ka naman, kung pumuti ang uwak."
Ramdam ko ang pagkurot ni Laurence sa gilid ko. Napa-aray ako pero hindi naman big deal sa akin. Bad trip lang siya kaya siya ganiyan. Buti sa kaniya iyan. Ayaw kasi makinig sa akin. Hahaha!
"Nga pala, ano iyong kapalit na sinabi mo kanina?" Tanong niya sa akin.
Naalala ko rin. May sinabi pala akong kapalit kung gugustohin niyang maglaro ulit sa vending machine. Simpleng pakiusap lang naman ang sa akin.
"A, oo. Gusto ko pumunta sa bahay. Saglit lang," sabi ko habang patuloy pa rin kami ni Laurence sa paglalakad.
"Ano? Sa oras na ito?" Tanong ni Laurence.
"Yep. Saglit lang talaga. Sisilipin ko lang kung ano ang ginagawa ni mama."
"Sisilipin? Ang creepy naman niyan."
"Payag ka?" Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Kung ayaw naman niya edi ayos lang.
Hindi siya nagsalita pero tinitigan lang ako.
"Bakit kailangan silip pa? Para ka namang stalker."
May rason naman ako kung bakit silip lang. Una, kasama ko si Laurence. Pangalawa, hindi niya alam na si Laurence ang inaalagaan ko. Pangatlo, magtataka siya bat nasa labas ako sa oras na ito habang may binabantayan ako.
"Sabihin mo lang kung papayag ka o hindi, para makalakad na tayo."
"A— Sige. Kung miss mo na siya..." Bumaba ang tuno ng boses ni Laurence.
"Hoy, hindi ko naman sinabi na iiwan kita dito o pauunahin kitang umuwi. Sasama ka sa akin, pero syempre, magtatago ka lang sa hindi kalayuan. Tsaka may mga ilaw doon kaya h'wag kang matakot. Walang aswang doon."
Nagbago naman ang ekspresyon niya, " Aswang ka diyan. Sinong nagsabing natatakot ako? Ang panget naman ng mga assumption mo. Tara na, baka abotan pa tayo ng kapre," aniya na nagpatuloy na sa paglalakad.
𝓕𝓪𝓵𝓵𝓲𝓷𝓰 𝓘𝓷 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓦𝓲𝓽𝓱 𝓣𝓱𝓮 𝓑𝓪𝓫𝔂𝓼𝓲𝓽𝓽𝓮𝓻
Nandito na kami sa amin. Espesipikong nasa labas dito sa tabi ng saradong sari-sari store. Sinabi ko na dito muna si Laurence sa may sari-sari store na matatanaw dito ang bahay namin na metrong kalayuan lamang.
"Diyan ka lang ha. Promise, mabilis lang talaga." muling paalala ko sa kaniya. Tumango lang siya sa akin bilang sagot at sinimulan ko namang lumakad patungo doon sa gilid ng bahay namin. Doon kasi nakalagay ang bintana, at isa sa mga bintana ng lumang bahay na iyon ay sira, at madalas doon ako sumisilip kapag may bisita na kumakatok sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With The Babysitter
Teen FictionPapayag ka bang ma-iscam tapos baliktad, kasi ikaw ang makakakuha ng pera? Mananatili ka bang kalmado kung hindi naman bata ang nangungulit sa'yo? Si Jinkie Carillo, isang Senior High School student na kasalukuyang nasa Summer break nila ay naghahan...