Part 26

1.9K 72 1
                                    

"Hoy Nadz, pansinin mo naman ako please!"

Si James na pangalawang araw na kong sinusuyo dahil parin sa mga nangyari nun fitting. Nag explain siya na tungkol lang talaga yun sa business pero dahil si Bret daw yung kausap niya nag enjoy daw sila sa pag tetext, alam niyo na usapang lalaki na siguradong may halong kababuyan. @[]@

Pero syempre dapat inexplain narin niya yun nung una pa lang at hindi nagsinungaling noh, nag muka pakong tanga dahil inuuna niya yung pakikipag text kesa sakin. Medyo okay naman na ko pero nag eenjoy kasi ako sa panunuyo niya eh, kaya eto sinasamantala ko.

"Pwede ba, wag ka masyadong dumikit? pumayag akong sumama ka sa lunch namin para tumahimik ka"

kumakain kami sa isang resto kasama ko sila Yassi at Andre pati tong asungot na to.

"I told you I wont stop. Not until you talk to me"- James

"Nadz, baka pwede niyo naman pag usapan ni Hubby mo ang problema" - Yassi

"Hmmm. wala naman kaming dapat pag usapan ehh, malinaw naman lahat sakin" sagot ko

Bigla nalang tumayo si James sa kinauupuan niya at dahan dahang lumabas ng resto. San kaya siya pupunta. Nakaramdam ako ng kaba kasi baka sumuko na siya.

"Gosh! ng walk out tuloy, besh sundan mo kaya! tapusin niyo na tong tampuhan na to" - Yassi

Nakatingin lang ako sa pinto, bumalik ako ng tingin sa pag kaing hindi manlang niya ginalaw, napaisip ako. Ang sama ko namang asawa sakanya maliit na bagay pinapalaki ko ng ganito. Pero kasi gusto yung atensyong binibigay niya sakin ehh, gusto ko kung pano siya mag lambing. Habang tulala ako sa mesa tinapik naman ako ni Yassi at dali daling tinuro ang center aisle kung saan nakita ko si James na binibigyan ng upuan mataas ng isa sa mga waiter. Nagulat ang lahat sa atensyong nakuha niya dahil lahat napahinto, may dala siyang gitara at naka sabit ito sa katawan niya. Nakaayos na siya ng upo at sandaling tumingin sa gawi ko, agad naman akong umiwas ng tingin sakanya  nakakahiya!.

"Ngayong hapon, hayaan niyo akong haranahin kayo"

pag tapos nun ngumiti siya. Nakita kong ngumiti rin ang mga tao sakanya. Tumingin naman si Yassi at Andre sakin sabay binalik na namin ang panonood kay James. Nag simula na siyang tumugtog

~Hmm, ohh, ohhh

Kailan ba nag simulang matapos ang lahat

kailan ba ang anu mang hindi pag tatapat.

aminado, sigurado di gaanong nagampanan
Ang pangakong ginawa ko kaya lalo kang nasaktan.

AFTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon