Part 47

905 18 3
                                    

Nadine POV

Its been a month nung makalipas nung pag awayan namin ni Mark si James, and as of now hindi na siya nag papakita sakin. Ilang beses narin ako nag attempt na kausapin si Papa. Sa totoo lang hindi ko naman tlaga alam ang sasabihin sakanya. After everything na sinabi niya sakin sobrang sakit parin, I never thought na ganun pala yung tingin niya sakin I gave everything that I can pero its still wasnt enough pa pala.

Now I feel all alone. I dont have someone to lean on anymore, wala na kong Tatay wala na kong mga kaibigan wala na lahat. Im stuck with Mark sa tuwing nakikita ko siya unti unti lang nagiging klaro sa utak ko kung gaano kahayop yung ginawa niya sakin kung gaano siya kagago na kung hindi dahil sakanya hindi magiging magulo ang buhay ko, sana ngayon kasal na ko kay James masaya kaming bumubuo ng pamilya. Wala man ang mga traydor kong kaibigan galit man si Daddy sakin atleast nandyan si James na mahal ko at mahal ako, makasama ko lang siya masaya na ko.

"When are you planning to go out in this room?"

Naka uwi na pala ang hayup na to. Simula pa ng malaman ko ang lahat may destansya na ko kay Mark, hindi naman niya ko mahal eh binili niya lang ako, gagamitin niya lang ako para lang akong bagay na walang magawa dahil nabili na niya, yung buhay kong pag mamay ari na niya.

"Wala kang pake-alam, mas gusto ko manatili dito kesa maka sama ka" sagot ko

"Wow! Ito na naman tayo?! Fuck Nadine ano pa bang gusto mong sabihin ko para bumalik na sa dati ang lahat--"

"Hindi na babalik Mark! Wag ka ng umasa, hindi na mababago ng kahit na ano pang sabihin mo ang katotohanan na sinira mo ang buhay ko" nag sisimula nanaman akong umiyak

"What?" Medyo may halong tawa niyang sabi
"Me? O ikaw at ng Daddy mo? I didnt do anything. Your Dad is the one who file us an company merge, nanghingi kayo ng tulong tinulungan namin kayo. Humiling lang naman kami ng konting kondisyon and its your father na whole heartedly accept the condition. At sino bang may kasalanan kung bakit na ngailangan ng tulong ng negosyo niyo? Di ba ikaw rin naman?. So wag mo kong dramahan! The least you can do is to be a good Wife and thats it!"  Pag kasabi niya agad narin siyang umalis at iniwan akong humahagulgol. Isang malaking sampal nanaman ng katotohanan ang hinarap ko. Wala naman na talaga akong magagawa eh, nangyari ang lahat ng to sa kapabayaan ko, ako ang may kasalanan.

----------------------
Naisipan kong bisitahin ang cafè, matagal naging akong hindi nakakabisita. Hindi ko na naaasikaso yung mga kailangan kong asikasuhin dahil sa pag mamaktol ko.
Pag dating ko masaya naman akong sinalubong ng mga staff, mukang maganda at maayos naman, masaya ako at kahit papano hindi ako pinabayaan ni Mama alam kong siya ang tumingin dito nung wala ako.

"Maam kamusta na po kayo gusto niyo po dalhan ko kayo ng coffee sa office niyo?" Sabi ng isa sa mga barista, tumungo naman ako at ngumiti, pumasok na ko sa opisina. Malinis at halos hindi nagalaw ang mga gamit. Sinimulan kong basahin ang mga papeles sa lamesa, napangiti ako ng makita ko ang isang magazine na featured ang shop namin, nakalagay doon na isa ang cafe namin sa mga magagandang coffee shop sa maynila, maganda ang interior designs at maganda ang environment. Generous rin ang mga impleyado, mas lalo akong napangiti ng makita ko ang litrato at ang pangalan ko  sa ibabang parte ng pahina, habang patuloy akong nag babasa, bumukas ang pinto at agad kong naamoy ang aroma ng kape na bitbit siguro ni Jason--

"Im happy to see you smile for a long time" pag kasabi nun ay agad akong napa angat ng ulo.

"James"
Inilapag niya ang kape sa mesa at umupo sa harap ko.
"I came here everyday just to check if youre here. Kabisado na nga ng barista mo ang ioorder ko, mas lalo pa kong naging masaya nung sabihin niya na andito ka na" maliwalas ang itchura niya, bahagya niya akong nginitian at ganun din ako.

AFTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon