Part 21

1.6K 57 0
                                    

Nagising si Nadine sa tapik sa kanya ng flight attendant "Ma'am we're here" agad naman siyang nag pasalamat. Nakita niya na palabas na ang mga tao, napansin naman niya na wala na si James at si Alex. Dali dali siyang tumayo at kinuha ang mga gamit niya. Pag labas ng airport nakita niya ang ibang mga pasahero na sinalubong ng mga pamilya at yung iba naman mga kaibigan. Pag labas niya ng pinto ng airport sinalubong siya ng hangin "Hay!! welcome home Nadine" naka ngiting sabi niya sa sarili. Sabay napansin niya na parang siya ang walang sundo hindi niya kasi makita si James. "So it means mag lalakad ako pauwi?" Kinalat niya ang tingin ng mabaling ito sa isang lalaking naka maong jacket at mag ka cross ang kamay na naka sandal sa itim na sasakyan. "Tignan mo to kung maka pose akala mo cover ng mens health, Tsk di siya papasa dun" Sabi niya habang papunta kay James. Ng medyo malapit na siya mag sasalita pa sana ito ng biglang pumasok si James sa kotse "Bwiset yun ah, bastos" Sa isip niya lang nasabi dahil alam niyang galit pa ito. Pag pasok niya ng kotse tulog si Alex, napansin niya na wala ang mga bagahe nila "Ah, James asan yung mga gamit?" Pero walang sumagot, tahimik lang itong nag ddrive. Tahimik ang paligid kaya kinuha ni Nadine ang earphones niya at nag sound trip nalang. Nung una humming lang ang ginagawa ni Nadine hanggang sa tahimik na siyang kumanta. " Why can't it be, why can't it be the two of us, Why can't we be lovers. Only friends you came along at the wrong place at the time or was it me" Tama lang ang lakas ng pag kanta niya para marinig ni James mabilis ang tobok ng puso niya hindi niya alam pero para siyang nasasaktan. "Grabe , patama ba yun?".

*

Naka upo sila ngayon sa isang mahabang mesa sa isang fancy restaurant na pag mamay ari ng pamilya nila andito ang magulang nila kasama ang mga kaibigan at mga anak nito. Bored na bored na silang dalawa, pina gigitnaan nila si Alex na kumakain ng lollipop, tinignan siya ni Nadine "Alex, hindi ba sasakit ang teeth mo sa kakakain ng sweets?" tinignan naman siya ni Alex pero naka subo parin ang lollipop "Wag mo siyang pakielaman, gusto niyang sumaya" biglang singit naman ni James sa usapan.
"Hugot ka nanaman, pati maliit na bagay dinadramahan mo! pano kung masira ipin niya!"

"Whats your problem baby tooth palang yan so walang problema, Tyka pag inalis mo yan iiyak siya"

"Kaya nga may taga bantay para iguide ang bata e wala pang alam yan ehh!"

"Ita okay to eat sweets as long as hindi sosobra!"

"Kaya ko nga yun sinabi para hindi mamihasa, ayokong ispoiled yung bata!!"

"Just let it go, incentive na niya sa bagiging behave niya palibhasa wala kang alam sa pag aalaga!!!"

AFTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon