JAMES POV
Im inside of elevator ng mag ring ang phone ko.
"Sir, hinihintay na po angmga papers na pinapapirmahan ng Daddy niyo"
text ni Henry siya ang assistant ko dito sa LA, nakakamiss nga sila Bret mas komportable akong sila ang katrabaho. Pero hindi ko sila kasama dito . Masyadong busy ang trabaho dito, marami kaming inaasikaso. Gusto ko ng umuwi para makita si Nadine, kamusta na kaya sila ng Dad niya na gi-guilty ako kasi nawala pa ko sa araw na pinaka kailangan niya ko.
"Good mornin' Dad" umupo ako sa kaharap na silya ni Dad, masaya kong inabot sakanya ang mga dokumento na pinapapirmahan niya. Agad naman niyang kinuha at isa isang binuklat.
"How's Nadine? tumawag na ba siya sayo?" tanung ni Dad pero hindi tumitingin sakin.
"Well since I got here wala pa siyang tawag, meron ba siyang dapat sabihin?" tanung ko
This time tumingin na si Dad sakin, huminga ng malalim.
"Well I think so, but I think Its much better if you stay here," Iniisip siguro ni Dad na tatawag si Nadz para pauwiin ako.
"Alam ko po Dad na kailangan na kailangan niya ko. Pero I know na she understand if I stay longer dahil para naman ito sa kompanya" Pag papaliwanag ko sakanya, tumungo siya at lumapit sakin, hinawakan niya ako sa balikat.
"The longer, the better anak"
hindi ko ma gets yung facial expression niya parang may kaba na malungkot. Pag labas ni Dad lumabas narin ako para pumunta sa construction site na pinagawa ni Dad para sa panibagong business niya.
------------
Next MorningTinatry ko tawagan si Nadz dahil hanggang ngayon wala paring sagot ang mga email at messages na pinapadala ko, nag aalala ko gusto ko na siyang makausap pero kahit phone niya out of coverage na.
~~~~~~~~~~~~~
NADINE POV
Ang sabi ni Dad pag nakasal na raw ako tyka niya ako pababalikin ng kumpanya. Pinipilit ko tawagan si James para ipaalam ang mga nangyayari pero hindi ko na siya ma contact sinusubukan ko mag email sakanya pero walang sumasagot sila Bret naman hndi rin sya pa contact, walang makacontact sakanya samin. Hindi naman pwde kay Daddy dahil siguradong hindi papayag yun. Gusto ko na syang makausap.
Pumasok ako sa kwarto ni James, simula ng iwan niya ko noon para kay Erica hindi na siya na balik dito. Tuwid na tuwid pa ang sapin ng kama niya malamig ang paligid ramdam na matagal na talagang walang gumagamit. Sa study table niya maraming mga books na halata namang hindi nagagamit.
Namimiss ko na siya. Yung yakap at boses niya. Yung siya pero mukang hindi na kami makakabalik dito, mga ala ala nalang namin ang maninirahan dito.
Tinawagan ako ni Yassi, nalungkot siya sa mga nalaman niya ng ikwento ko sakanya ang mga nangyari, akala daw niya maayos na ang lahat, hindi siya makapaniwala na nanayayari talaga lahat to. Iniisip niya kung anung mararamdaman ni James kahit ako hindi ko alam kung pano ko sasabihin sakanya pero hanggang ngayon hindi ko parin siya nakakausap gusto ko sana isa isahin sakanya ang lahat. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya ayoko makita ang reaksyon niya. Mas nasasaktan ako.
~~~~~~~~~~~
JAMES POVNag tanong ako sa isang kaibigan kung anung problema bakit hindi ako makatawag sa Pilipinas, nalaman ko na ba ka naka block daw ang contact ko sa tinatawagan ko. Papunta na ko ng opisina para sabihin kay Dad bakit naman ako iba-block ni Nadine kung may problema man si Dad ang nakakaalam, malamang ay tungkol ito sa Daddy ni Nadz.