Part 24

1.7K 64 3
                                    

AN:Guys sorry sa errors sa last part, hindi ko kasi siya ma open so hindi ko pa maayos yung mga typos, okay naman siya nung una pero bigla nalang nag loko kaya medyo naapektuhan. Lately ko lang nakita kasi medyo hindi ko pa naharap mag open ng wattpad, so sorry talaga, aayusin ko promise para sa mga hindi pa nakakabasa.


**********

Nag lalakad kami ni James sa isang mall ngayon, andaming tao sa 3days sale. "James, punta naman tayo sa department store" kinuha ko yung kamay niya at nag lakad na kami papuntang department store. 2 weeks na ang nakakalipas ng malaman namin na inuwi ng Mommy ni Sam si Alexis sa Mindoro para ipakilala sa mga kamag anak ng Daddy niya, nag aalala parin kami sakanya dahil nga hindi niya pa alam na iniwan siya ng Mommy niya, umaasa siya na mag kakaroon pa siya ng magulang, ang buhay niya ay puno ng kasinungalingan at pag tatago. Kawawa naman. Sa pag lagay ko ng mga chips sa basket may isang tao naman na tumabi sakin at kumuha rin ng mga chips. Sa pag tingin ko sakanya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Takot at kaba ang nararamdaman ko parang bumagal yung oras.

"Long time no see" nakangiti niya pang sabi sakin. Si Joseph, hindi ko pa siya nakikita mula nung binigbog siya ng tropa ni James.

"Hosep" mahinang sabi ko. Napapikit siya ninanamnam yung sinabi ko

"Antagal kong hindi narinig yung tawag mo, nakakamiss" Tumawa pa siya, hindi ko inasahan ang mga sunod na nangyari. Niyakap niya ako, hindi ako makagalaw ewan ko basta para akong naging bato.

"Namiss kita, alam mo lagi kitang iniisip" Bulong niya sakin. Inabsorb ko yung mga sinabi niya, Agad pumasok sa isip ko si James, mali to hindi niya dapat kami maabutan ng ganito, kaya unti unti ko siyang nilayo sakin.

"Joseph, kamusta ka na" yun nalang yung nasabi ko. Natutuwa akong makita siya pero gusto ko narin siyang umalis, yung idea na pag nag kita sila ni James siguradong mag aaway sila.

"Kasama mo ba siya?" Timungo lang ako.

"Hindi pala ako safe dito, Heeheheh" sabi niya, gusto ko sabin na Oo umalis ka na dahil baka dito pa kayo gumawa ng eksena pero hanggang sa isip ko lang kayang sabihin yun.

AFTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon