NADINE POV
"Ma bakit hindi naman kayo nag sabi na ngayon yung uwi niyo"
tulad ng sabi ni Mommy kanina umuwi ako ng maaga, wala narin kasi akong magawang matino sa opisina dahil sila ang takbo ng utak ko. Kabado namamawis ang mga palad ko ni hindi ko nga manlang matignan si Mama sa mata niya. Mukang aliw na aliw siya sa mag hahanda ng dinner namin mamaya kasama syempre si James at si Alex. Hindi lang problema namin ni James ang iniisip ko hindi dahil baka malaman nila na nag hiwalay kami at iniwan ni James para balikan si Erica na umepal sa eksenang masaya na dapat kami. Ang iniisip kong problema ay ang unti unting pag lubog ng kompanyang matagal na pinag paguran ng ama ko na minana pa niya sa Lolo namin, yung kompanyang napakaimportante sa pamilya ko lalong lalo na kay Papa. Parang gusto ko masuka sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Wala akong magawa hindi ako makapag isip. Wala si Papa dahil binisita niya ang mga kaibigan niya ngayon kaya mamayang dinner pa namin siya babalik, hanggang ngayon natataranta parin yung utak ko. Baka malaman niya na anong sasabihin ko? Pa sorry kasi tinamad ako asikasuhin yung mga papeles at trabahuin yung mga gawain sa kompanya kaya naging ganto tyka nag hiwalay kasi kami ni James kaya distracted ako. Alam ko po Pa na hindi niyo akalain na mangyayari to dahil pinalaki niyo akong responsable at hindi hahayaang mapunta sa ganitong kakritikal na kundisyon ang kompanya at tyka Pa never ko kayong nadisappoint kaya alam ko gulat kayo ngayon. Pero sorry po" Ganun? Yun ang sasabihin ko e baka makalimutan ni Papa na anak niya ako at mapatay niya na nalang ako o kung hindi man ako baka siya dahil baka atakihin na sa puso si Papa. HAYS! Nadine utak please!!! Umorder ka sa HongKong ng utak para mo ng awa mawawalan ka na ng pamilya ng kayamanan wala na lahat sayo sa kalye ka mamumuhay.
"Nadine!"
"AY! Nadine!" Naputol lang ang mataimtim na pag nenegosasyon ko sa sarili ko ng sumigaw na si Mommy sa harap ko.
"Ano ba? Whats happening? Ang lalim ng utak mo"
"Sorry mommy may iniisip lang"
"Relax ka muna wala ka sa office. Call Alex nanny para ihatid na siya dito, si James tinawagan ko na pag tapos ng meeting daretcho na raw siya dito" sabi ni Mommy. E settle na pala lahat eh. Pumunta ako sa telepono at tumawag sa bahay.
-----------
Andito ako sa lumang kwarto ko sa dito a bahay nila Mommy andito parin yung dati kong gamit. Nakakatuwa parang bumalik talaga ako sa pagkabata. Bigla naman may tumawag sa phone ko.
"Hey Nadz!"
"Mark hi!"
"Ano busy ka pa ba?"
"Ah Mark umuwi kasi sila Daddy so i guess kailangan ko muna mag masipag sa office"
"AH Yah I know kaya pala umuwi ng maaga si Dad kasi dumating ang Daddy mo"
"Oo sa..."
"Nadz!!!"
biglang may pumasok sa kwarto si James.
"Oh andito ka na pala"
"Kanina pa tinulungan ko lang ang mommy mo kaya hindi kita natawagan agan. Sino yang kausap mo?"
Bigla ko namang naalala na nasa Line pa si Mark. Bigla ko nalang naibaba ang tawag ng hndi nag papaalam kay Mark
"Wala anak ng kaibigan ni Daddy nabalitaan niya kasing umuwi sila
"Bumaba na kami ni James ayus na ang lahat humalik ako kay Alex na nakaupo sa tabi ko.
"Ang Daddy talaga sabi ng may dinner tayo nakipag inuman naman"
