NADINE POV
The days had passed at eto na! Eto na ang araw na hinihintay nang lahat , ang tinatawag nilang The Wedding of the Year. Ang kasal nang isa sa pinaka mataas na tao sa asya, parang kasal ni Prince Harry at Kate, lahat masaya lahat excited pwera sa isang tao. AKO, hindi ko inasahan na haharap ako sa altar na hindi ang taong mahal ko ang sasalubong sakin sa harap nang pari at manunumpa sa harapan ng Diyos, kahit kailan hindi ko naisip na mangyayari to napako na sa isip ko na sakanya at siya lang ako mag papakasal mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas nanghuli kaming mag kita, hanggang ngayon ba hindi parin niya alam? kung hindi niya alam hindi ba dapat sandali lang siya sa doon? di ba dapat matagal na niya akong binalikan dito? Ang mas masakit ni hindi manlang niya ko magawang tawagan o kahit sulatan manlang, walang naging problema nung umalis siya kaya imposibleng galit siya sakin. Hindi rin pwede na may babae siya dahil alam kong mahal niya ko at hindi niya yun magagawa, hindi niya ako pag hihintayin kung may iba na siya. Kung hindi man siya dumating sa mga araw na hinintay ko siya sana ngayon na, sana ngayong araw ko siya makita, sana ngayon bago ako matali sa iba, sana nga habang may oras pa bago manlang ako mawala sakanya.
Dinig ko sa labas ang mga tao na nag hahanda na para sa mga gagamitin para ayusan ako. Nasa bagong hotel kami ng mga Santiago sa Baguio kakaiba ang concept ng kasal ang hotel na to ay Over looking, parang ito na ata ang pinakatuktok at nag iisang building sa pinag tayuan kaya naman walang sagabal sa natural na kagandahan ng kalikasan, sa pinaka tuktok ng Hotel magaganap ang kasal, ang mga tanging imbetado lang ay ang mga malalapit sa pamilya at mga kaibigan ni Mark syempre hindi ko kalilimutan sila Yassi sa araw na to, espesyal siya sakin siya ang bumubuhay ng loob ko kaya kailangan ko siya sa araw na to. Konting kamag anak lang namin ang inimbitahan ni Daddy at syempre umuwi si Mommy para masaksihan ang kasal. Pag babang pag baba niya nga ng eroplano agad niya akong tinawagan, nag sosorry siya, wala raw siyang alam sa mga nangyayari, lahat ng ito ay plano ni Daddy, sabi ko mahal ko siya at si Daddy kaya okay lang tutal kasalanan ko at isa pa wala na akong magagawa ayoko nang dagdagan pa ang mga kasalanan ko kay Dad. Agad kinilala ni Mama si Mark natuwa naman daw siya dahil mabait si Mark at responsable hindi daw ako mahihirapang mahalin siya pero isa lang ang tumatak sakin sa mga sinabi niya, na kahit kailan daw " Hinding hindi mo matuturuan ang puso" kaya wag ko raw pipilitin kung ayaw tlga.
"Nadine go na tayo sa make up in 10 mins relax ka lang okay?!" Sabi ni Ellen, ang best make up artist na nag mamake up international. Kaibigan niya ng ate ni Mark kaya nag presinta na siya na siya ang mag mamake up sakin sa kasal,mabait si Ellen nakakatuwa na ang dami nang mga sikat na muka sa mundo ang naayusan niya at nakakatuwa na mapapabilang ako sa mga maaayusan niya. 3 hours nalang kasal na, Nung isang araw pa kami hindi nag kikita ni Mark, kamusta na kaya siya. Nung araw na nag kita kami ni Mark after ko malaman na ikakasal kami agad siyang nag sorry sakin.
"I just really wanted to help you. Ayoko kasi makita kang nahihirapan Nadine hindi ko naman alam na hihingi pa si Dad ng kapalit for helping. Im so sorry"
Sa mga oras na yun wala akong lakas para magalit pa sakanya, naiintindihan ko hindi niya kasalanan sa lahat nang nangyayari ngayon ako talaga ang may kasalanan nito kung hindi ko hinayaan ang kompanya hindi mauuwi sa ganito, nasira ang image ng kompanya at muntikan lumubog dahil sakin kaya ako dapat ang sisihin.
"Nadine! Lets go, kailangan ka nang ayusan"
Agad na kong tumayo at sinundan si Ellen sa labas. May tatlong tao na kasama si Ellen si Jen, Tom at Grace. Si Jen at Grace matagal nang assistant ni Ellen si Tom naman isang gwapong canadian kaso bakla. Sila ang katulong ni Ellen sakin sa pag aayos, hiwalay pa sana yung mga mag susuot sakin ng gown kaso ayaw ni Mark na maraming tao muka daw kasing nag kakagulo.
Sinumulan na ni Ellen na ayusan ako, habang nilalagyan niya ng moisturizing cream ang muka ko habang nakapikit naiimagine ko ang mga mangyayari mamaya, yung moment na bago ako sumagot ng i do lalabas si James at sisigaw ng Itigil ang kasal! cool na cool siyang mag lalakad papalapit samin ni Mark tapos sasabihin niya That’s my girl, she belongs to me and only me kaya hindi kayo pwede maikasal! tapos ngingitian niya ako at ngingiti rin ako sakanya, agad naman akong tatakbo papunta sakanya at yayakapin siya ng mahigpit paulit ulit kong sasabihin sakanya na mahal na mahal ko siya tyka naman niya sasabihin sakin na I will never ever, leave you again tapos ikikiss niya ako at tatakbo kami palayo sa lugar na to."Mukang excited ka na ikasal"
Pag kadinig ko ng boses ni Ellen agad akong napadilat at sumalubong sakin ang apat na muka ni Ellen,Jen,Tom at Grace na anlalaki ng ngiti.
"Anlaki nang ngiti mo ehh!" sabi ni jen
"Maybe shes thinking about the honey moon, You naughty girl!" Sabi ni Tom at nag tawanan sila.
"Hoy hindi ahh!! Thats not what im thinking tumigil kayo" sabi ko sakanila tumigil naman na sila sa pag tawa pero sa tuwing nag tatama ang mga tinginan namin ngumingiti sila ng parang ewan. Matapos akong ma make up-an ni Ellen inayos na ni Tom.ang buhok ko, medyo nakakatulog pa nga ako, pero biglang nag ring ang phone ko.
"Hello"
"Hello soon to be Mrs.Mark Santiago"
"Kuya Anthony?"
"You got it! Well how are you?"
"Okay naman kuya bakit ngayon ka lang tumawag ha!!" sigaw ko sakanya
"Sorry na gusto kitang isurprise ehh."
"Kamusta na si Alex baka naman puro kalokohan lang ang tinuturo mo sa anak ko ha!"
"Hahahah! ofcours not!!"
"Baliw!"
"Nadz! about Alex I have good and bad news about him, the good news nakita na ni Alex ang Dad niyang si Andrew the bad news is.... Kukunin na siya ni Sam at dadalhin ng Singapore. Alam.ko na this is not the roght time para malaman mo pero soon mag kikita kayo at ayaw naman natin na maging awkward di ba? kasal mo kaya dapat maging okay ang mangyayari"
"Ah"
yun nalang ang sinagot ko at binaba ko na ang tawag. Kukunin na si Alex iiwan na niya ako wala nang mag kukwento sakin tungkol kay James tungkol sa Daddy niya kung gano kami kasaya noon. Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang mainit na likido mula sa mata ko, pero pinunasan ko agad bago pa man mapansin nang iba.Sa harap ng salamin titig kong pinag mamasdan ang sarili ko, suot ang mahaba ang puting gown na pinagawa pa sa sikat na designer sa Paris. Wala nang atrasan to, bahala na kung anung mangyayari , bahala na kung pano matatapos ang araw na to.
"You are a very beautiful bride Nadine" tinignan ko si Ellen mula sa salamin.
"Mark is really lucky to have you" Ngumiti siya at lumabas na. Huminga ako nang malalim at pumikit, kailangan kong gawin to kahit masakit, kailangan! Ilang minuto nalang at mag sisimula na. Hinihintay nalang ang que bago ako sumakay sa isang helicopter na mag dadala sakin sa taas. Walang tao sa paligid ko tanging ako.lang ang masa lobby kasama ang isang Gwardya na parang hindi humihinga. Dumating na ang sasakyan ko paakyat, kabado ako hanggang sa natanaw ko na ang lugar kung saan ako ikakasal, lahat ng atensyon ay naka tuon sakin. Red and White ang theme ng mga kasuotan ng kasalan Red kasi ang paboritong kulay ni Mark, kaya magandang tignan ang kombinasyon ng kulay puti at pula sa malayuan, Pag baba ko maganda ang ngiting sinalubong sakin ng mga hindi pamilyar na muka , dahan dahan akong lumakad sinalubong ako ni Dad at maayos niyang inilagay ang kamay ko sa braso niya, napansin ko na maaliwalas ang muka ni Dad maganda ang ngiti niya, mukang masyang masaya siya, nag bigay naman sakin yun ng lakas na ipagpatuloy ang kasal na ito. Sa mga bulaklak na naka sabit paikot sa nilalakaran namin pulang carpet ay unti unti kong natatanaw si Mark maamo ang muka niya at maganda ang ngiti niya sakin, sa kabilang gilid ay na roon si si Yassi. Hindi ko nalang namalayan na Kaharap ko na pala si Mark, niyakap niya si Daddy at iniabot ang kamay ko sakanya. Umakyat na kami sa altar.
Nang makaharap ko ang pari ay parang nag iba ang timpla ng pakiramdam ko, malakas ang panig ng damdamin ko dapat itigil ko na to, ayoko mag pakasal, ayoko sa iba. Pero wala na akong magawa, gustong gusto ko umayaw gusto ko tumakbo,tumakas lumayo sa lugar na to pero parang nakapako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Nararamdaman ko ang unti unting pag init ng mata ko. Please dumating ka, Please sunduin mo ko ihinto mo to. Ang tanging hiling ko lang ngayon ay "Sana dumating ka"
25likes for next Chapter :)