Part 20

1.7K 52 0
                                    

"It can't be" Sa isip isip ni Nadine naka higa na siya sa kama peo hanggang ngayon iniisip parin niya ang narinig niya kay James, bigla siang bumangon.
"Pero pwedeng hindi, kasi hindi ko naman alam yung pinag uusapan nila. Malay ko hindi ako yun diba" Kinakausap niya ang sarili niya.

"So kung hindi ako yun, malamang ibang babae yun... Ang sakit naman nun!" Nababaliw na nga siya."Teka? Masakit? Masasaktan ako pag may iba siya?" tanong niya sa isip niya. "Malamang masasaktan ako kasi ikakasal kami so it means pang babastos yun, sumumpa kami sa harap ng altar kaya gago soya kung mang bababae siya. Pero hindi yun yng sakit na sakit talaga ha, Kung baga offend lang" Bigla niyang binagsak ang sarili sa kama at tumitig sa kisame. "Ang kapal naman ng muka niya kung mangbababae pa siya. Hello! Nadine Paguia Lustre na to boy, Pang laman tyan na sinayang pa" tumagilid siya ng higa, dahan dahan niyang isinara ang mata. "Inaantok nanaman ako" Bumubukas na ang Dream land.

TOK TOK TOK!!

Napatalon siya sa kama sa gulat, tuloy tuloy naman ang malakas na katok sa pinto. "Sandali pwede!" Sigaw niya dito. pag bukas niya ng pinto nakita niya si James hawak si Alex.
"Anong ginagawa mo at hindi ka pa naka ayos? Pa special, kung hindi ka pa makakapag ayos in 5 mins iiwan ka na namin umuwi ng manila mag isa" Hindi pa siya nakakasagot ng layasan siya ng dalawa, lumingon naman si Alex sa kanya habang nag lalakad at biglang nag wave na nag gogoodbye.

Pag dating nila sa hagdan dali dali naman pumasok si Nadine sa kwarto at nag bihis hindi na niya inayos ang gamit at nilagay na agad sa bag niya nag palit nalang siya ng shirt at bumaba na agad, natakot rin kasi siya baka iwan talaga siya. Pag baba niya so James nalang ang nadatnan niya na nakatayo sa pinto ng bahay "Aww, ang sweet hinintay ako" Napangiti siya at medyo nag pa sway sway papuntang pinto, humarap si James at biglang tumigil ang romantic music sa tenga ni Nadine."What the fuck? tanga ka ba talaga? ikaw na ang nag pahintay pa petiks petiks pa" Umiling si James at iniwan siyang naka tanga sa pinto. "Shit napaka yabang, kaasar nakakahiya yun ahh" sa isip isip niya. Sumakay na siya ng kotse katabi niya si Alex. Nang makita siya ng bata ay agad siya nitong niyakap, nginitian lang naman niya ito. tahimik sila hanggang sa nakarating sa airport.

AFTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon