Part 39

1.3K 59 2
                                    

               NADINE POV

Ilang araw narin ang nakakalipas pero hanggang ngayon di parin ako kinakausap ni Daddy alam ko naman nag hindi niya agad ako mapatawad pero umaasa ako na mag kakaayos pa kami anak parin niya ko. Si Alex pumapasok na sa school kaya ako lang ang natitira sa bahay minsan dinadalaw naman ako ni Mama pero dahil may trabaho siya malapit narin ang alis niya pabalik ng States si James bihira na makatawag tinatambakan daw siya ng trabaho dun. Grabe walang wala na ko parang nag laho nalang agad ang lahat sakin ng ganun ganun nalang.

ding dong~~~~

Bumaba ako para pag buksan ang kung sinu man ang tao sa labas na gustong bulabugin ang buhay ko.

Pag bukas ko.....

"Oh Mark!"

"Hahah. Gulat ka no? May dala ako para sayo.... ta~da!"

Nag labas siya ng tatlong box ng pizza at isang box ng cake.

"Birthday mo?" seryoso kong tanung
nawala naman bigla ung ngiti niya

"Oo birthday ko. bakit? asar ka naman kinalimutan mo" sarcastic niyang sagot sabay pumasok sa loob, di ko pa naman sinasbing tumuloy siya e.

"Alam mo kawawa ka dito, bakit ayaw mo lumabas mag bunot ng damo bakuran niyo o kaya naman mag jogging ka, ang putla mo oh!!" turo niya sa balat ko.

"Tyaka ang panget mo na para kang hindi Lustre sa mga kamag anak mo ikaw ang panget
"
tapos binuksan niya ung pizza inabutan naman niya ko ng isa at kumain siya ng kanya pinatong pa niya ung paa niya sa mesa. Kapal!

"Tyka alam mo di kita nakilala kanina akala ko katulong ka kung hindi ka lang nag salita e" sabay lamon pizza.

"Tapos ka na ba?. Okay ka na masaya ka nalait lait mo ko ngayong araw na to?" tanung ko sakanya.

"Sakto lang. Hoy gumastos ako para lang malaya akong makapang asar ha" sagot niya nap parang ako pa ang may atraso. Grabe talaga to

"Ang kapal mo talaga!!!" pinag papalo ko siya.

"Tama na!! Okay...sorry!! Tama na! Wag ka mag alala maaayos na mga problema mo" Bakit bigla naman siya nag seryoso?

"Anu ibig mo sabihin?" tanung ko

"Matatapos na lahat ng mga nag papahirap sayo" tumingin siya sakin sabay ngumiti. Ang awkward naman niya.

"Di mo ba ma gets? Hahah basta wag ka nalang mag alala dumating na ang Hero mo makakapag pahinga ka na. I'll save you. Kaya kainin mo to ubos dapat ha" tapos may kinuha siya bulsa niya. May hinagis siya sakin.... Vitamins, tumingin ako sakanya.

"Inumin mo yan. Masyado kang stress, mag kakasakit ka pa niyan. Mag uusap pa kayo ng Daddy mo"

Nung binanggit niya si Dad agad akong napalingon sakanya. Pero palabas na siya kaya hindi ko na siya sinundan.

~~~~~~

Nag shower ako, pag tapus ko mgag linis ng katawan naisip ko kumain pag bukas ko ng ref nakita ko ung box ng cake na dala ni Mark, kinuha ko. Okay naman siguro ito nalang muna kainin ko e. Binuksan ko at nakita ko na may maliit na card ma galing din sa bake shop na pinag bilihan niya

   ~~~ Best Wishes ~~~

Hahahah ang tanga naman niya, Anung best wishes baliw lang? Kinain ko nalang ung cake masarap grabe di ko alam kung ganito batalaga ka sarap o talagang gutom ako xD

---------------

Kakauwi ko lang galing sa airport hinatid namin si Mommy, bumalik na kasi siya sa States para sa mga trabaho naiwan niya. Pero may isang eksena na hindi ko inaasahan kanina bago ang flight ni Mommy.

Kinausap ako ni Daddy, pero hindi din naman yun ikinagaan ng loob ko

"Mag uusap tayo tungkol sa kasal mo"
sabi ni Dad pero in serious tone, kinilabutan pa nga ako. Natatakot ako dahil tungkol na to sa amin ni James, at malayo pa siya sakin ngayon. Mamayang gabi ang usapan namin ni Daddy na mag uusap dito sa bahay sinabi niya na ipasyal muna si Alex habang nag uusap kami, gustong gusto ko ng malaman pero takot akong malaman kung ano. Hindi ako mapakaling paikot ikot sa bahay

~ding*dong~~

Agad akong tumakbo papunta sa gate ng bahay kasabay ng malakas na pag kabog ng dibdib ko. Nakita ko na agad si Dad sa labas agad siyang pumasok pag bukas ko ng gate. Sa loob naupo siya sa sofa at huminga ng malamit at tyka nag simulang mag salita.

"Hindi parin kita napapatawad" unang banggit niya parang inatake na ako sa puso.

"Dad ......"

"Pero may dahilan ang pag punta ko, hindi lang dahil sa gusto ko ipaalam sayo na galit parin ako...Anak alam ko na alam mo na hindi madaling makuha ulit ang tiwala ko lalong-lalo na sayong malaki ang ibinigay kong tiwala " Pag papaliwanag niya

"Naiiintidihan ko po" sago ko

"Ayoko gawin to pero eto ang dapat" pag sisimula ulit niya agad ko naman ibinaling sakanya ang tingin ko.

"Tungkol sa kasal, sa kasal mo...Hindi ka na mag papakasal kay James" pag papatuloy ni Dad

"Dad alam ko po, kahit na kailan. Makakapag hintay naman kam..."

"Hindi kay James" pag putol niya sa sasabhn ko. Bigla naman ang naramdaman ko sa sinabi ni Dad agad na kumabog ng mabilis ang dib-dib ko.

"Dad?" tanung ko

"Nang makarating sa Daddy ni James ang nangyari sa kompanya, agad niya akong tinawagan. Kinamusta, Sinabi niya na hindi niya tayo matutulungan. Naiintindihan ko sabi ko. Kaya ako naman ang humingi ng pang unawa ng matapos ko ikwento sakanya ang nangyari sa buong araw na iyon. Nakumbinsi naman siya, kaibigan ko siya kaya naiintindihan niya ako. Sana ganun din si James" Wala akong maunawaan sa mga sinasabi ni Daddy.

"Daddy, anu po ba talagang namangyayari?"Mabilis niya akong tinitigan sa mata ng direkta.

"Hindi mo na mapapangasawa si James anak, At para ito sa kabutihan ninyong dalawa at syempre ng kompanya"

"A-ah wala akong maintindihan."

"Simula ngayon kalimutan mo na si James hndi na siya dapat sayo"

"Dad anu po bang sinas...."

"Ikakasal ka sa iba,  Sa anak ng taong sumagip ng kompanya ".. Hindi ako makapaniwala. Nakaramdam ako ng sakit at ng init sa lalamunan ko.

"Dad hindi ako nag sikap para maipambayad ng utang!" Nangingilid ang luha sa mga mata ko habang nag sasalita. Tumayo si Papa

"Utang na dahil sayo. Ikaw ang may kasalanan kaya dapat ikaw ang mag bayad" Mahinahon sagot ni Papa na g simula siyang mag lakad palabas, hinabol ko siya at mabilis na lumuhod sa harap niya.

"Dad!! wag naman po ganito please. Parang awa niyo na Dad!!" Mabilis umagos ang luha ko habang nag mamakaawa sa ama ko. Pero ni hndi manlan niya ko tinignan.

"Tanggapin mo nalang ang lahat" sabay mabilis niyang tinanggal an g mga kamay ko sa damit niya at nag mamadaling lumabas. Naiwan akong nakatanga at tuloy sa pag iyak tinakpan ko ang muka ko ng mgaG kamay ko at patuloy na umiyak. Anu ba to panaginip.

Pinaglalaruan ata ako ng tadhana...




AN Hello sorry sa matagal na UD, Please VOTE po
Pinag iisipan ko narin kung tatapusin ko pa tong story. Pasukan na namin sa Monday, goodluck sakin

XOXO.

AFTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon