"IT HURTS TO LET GO, but sometimes it hurts more to hold on"
Hold on, I've been holding on for a long time. I never thought na magigising pa ko, masisinagan ng araw. That time all I'm praying to God is to take my life with him. Ganun ko siya kamahal para sundan siya kahit na sa kamatayan. Everyday is a nightmare, every fucking day is a nightmare. Unti unti akong pinapatay habang patagal ng patagal, bakit nga ba nandito parin ako? bakit humihinga parin ako, bakit pinilipilit pa nila ako mabuhay kung ako na mismo ang sumukong mabuhay.
"Nadine?"
"Nadine nandito na sila? Hindi ka ba pupunta ?"
Ngayon ko malalaman ang lahat. Lahat lahat ng mga tanong na hindi ko masagot sa loob ng ilang taon, ilang taong binalot ako ng takot at bangungot. Gusto ko malaman ang lahat, bawat detalye bawat pangyayari gusto ko malaman. Tumungo lang ako bilang sagot at inakay niya ko pababa sa receiving area para puntahan ang mga detective at ang lawyer na ilang taon narin nangangalap ng impormasyon para malaman ang walang katapusang kasong ito.
"Good Morning Ms. Lustre" bati ng dalawang private detective kasama ng lawyer ko.
Babasahin ngayon nila ang mga resulta ng kaso para sa Tatay ko at pati sa pag kawala ng isang demonyo matapos ang krimen. James? Kung nandito ka man ngayong tulungan mo kong ihanda ang sarili ko sa mga sasabihin nila"
"Maayos at malinis natapos ang kaso sa Ama mo Nadine, namatay siyang malinis ang pangalan." Bahagya akong ngumiti, walang kasalanan si Dad. Natapos mag salita ang abogado ang mga detective naman ang nag salita.
"Maam, ito po ang resulta ng imbestigasyon. Ito po ang statement ng investigation namin. August 23, 20** Mr. Mark Santiago went back to your house at nearly 7:45 AM, nakita po namin sa trace ng bahay niyo na naka lagay sa secret compartment ng office niya sa second floor ng bahay niyo ang isang airsoft gun at may pack ng bullets. Naka tanggap ng tawag ang secretary ni Mr. Santiago na si Miss Lalaine Aquino bandang 8:02 PM na natagpuan ang sasakyan ni Mr. Santiago sa isang maliit na Drug store, ayon sa imbestigasyon isang half chinese ang may ari ng drug store na yun at nag bebenta rin ng ipinag babawal na gamot nakita sa CCTV ang pag labas pasok ni Mr. Santiago sa loob ng tindahan at maaring droga nga ang bitbit nito. Matapos noon ay bandang 5:32 ng hapon ay pumasok ng Lustre Corp building si Mr. Santiago at iba ang gamit na sasakyan na may plakang 17TY2Q. Dito po nag bigay ng statement ang mga empleyado tungkol sa pag punta ni Mr. Mark Santiago sa opisina ni Mr. Ulyses Lustre, tumagal daw ng halos kalahating oras bago lumabas si Mr. Santiago mula sa opisina ni Mr. Lustre at ilang minuto ay natagpuan nalang na bangkay si Mr. Lustre sa kinauupuan niya. Soundproof ang opisina at marahil alam yun ng Suspect kaya hindi siya ng dalwang isip na barilin ito sa loob."
Luha na umaagos mula sa mata ko at galit sa puso ko ang nararamdaman ko ng matapos basahin ng Detective ang unang bahagi ng statement niya. Tumingin ang nanay ko sakin ng may pag aalala, alam niya siguro ang magiging reaksyon ko.
"Nadine, relax makakasama sayo ang masyadong pag sstress sa sarili alam mo naman ang kalagayan mo ngayon" Pero hindi ko pinansin si Mommy,
"Ang Killer? Asan siya? May balita na ba?" Naka yuko ako at patuloy ang pag luha nang mag tanong sakanila, sana may sagot na. Parang awa na sana matapos na to.
Napayuko naman sila at tila alam ko na ang sagot.
"Bakit?! SAANG IMPYERNO BA NAG LULUNGGA YANG HAYOP NA YAN AT HINDI NIYO MAKITA KITA!" sigaw ko sa pilit akong pinipigilan ni Mommy. Ayoko na! pagod na ko sa pag hihintay ng araw araw kung may naka kita na ba sakanya.
"Pasensya na po kayo, pero ginagawa po namin ang lahat maniwala kayo Maam" pag papaliwanag ng detective
"Ginagawa lahat? Detective naman! taon na ng ibigay ko sainyo itong kaso pero hanggang ngayon kahit anino niya hindi niyo manlang maituro sakin!! Ano ba! nasasayang ang pinapasahod ko sainyo. Kung hindi niyo kaya ang pinapagawa ko sana matagal niyo na sinabi para nakahanap ako ng iba" Sigaw ko sakanila