Part 42

1.5K 65 3
                                    

  "Cause I’m not a Princess this is ain’t Farytail, I’m gonna find someone somewhere who may actually treat me well, this is a big world that was a small town. It’s to late for you and your white horse... to catch me now"

NADINE POV

After all those times na kinailangan ko siya, pero inintindi kong wala siya at pinasan mag isa, itong pag kakataon nalang sana ako umaasa na sana dumating siya. Pero ano nga bang aasahan ko sakanya, sa taong antagal kong hinintay dumating pero pinag muka lang niya kong tanga.

After the wedding the honey moon will be on Paris pero sinabi ko kay Mark na mag stay muna kami dito kahit ilang days lang, maka sama ko manlang muna si Alex bago siya isama ng parents niya sa Singapore. Sobrang mamimiss ko ang batang to, hindi ko alam kung ano na mangyayari sakanya, hindi ko na masusubaybayan ang pag laki niya, gustuhin ko man manatili siya sakin ayoko naman maging selfish kailangan niya ng tunay na magulang.

"We really wanted to thank you Nadine for taking care of our son. Pasensya ka na dahil iniwan ko siya alam ko kung gaano mo kamahal ang anak namin kaya we will assure you aalagaan namin siya ng mabuti. Marami kaming pag kukulang sakanya" Kausap ko ngayon si Sam at Andrew sa isang cafe. Dumating na kasi ang araw ng flight nila pauwi ng singapore, bukas na ang alis nila kaya naman kinailangan ko nang isauli si Alex sakanila.

"Alex, please dont forget about me" sabi ko sakanya, hinawakan niya ng mag kabilang pisngi ko gamit ang maliliit niyang kamay.

"I love you Mammy, please tell Papa i love him when he gets back" Ikinagulat ko ang mga sinabi ni Alex

"I will. If he comes back" yayakapin ko na sana siya ng mag salita siya ulit

"He leaves you again. But this time he will come back but not having you anymore" gusto ko na sana patigilin si Alex pero tuloy tuloy siya nag salita.
"You now belongs to someone, I hope his not like Papa I love him but he keeps leaving you behind and keep hurting you. I hate seeing you cry" pinunasan niya ang tumulong luha sa mga mata ko.

"That guy will take a good care of you, so I hope you will love him soon" sabay niya akong niyakap ng mahigpit, mas lalo pa akong naiyak dahil sa mga sinabi ni Alex. Pag alis nila matagal bago ako lumabas sa banyo. Nasa isang shop kasi si Mark para sunduin ako, ayoko naman makita niya akong parang galing ng lamay.

After ko mag ayos pinuntahan ko na si Mark sa isang ibilihan daw ng sapatos sa loob ng mall. Mabilis naman akong nag lakad, nakita ko siya, nakatalikod sakin isang matangkad na lalaki na naka white polo na naka tiklop ang sleeves hanggang siko, naka itim na tight jeans na itim na mukang bitin pa sakanya at naka black na Nike shoes. Ako lang ba o weird siya mag damit talaga, hindi naman na ka bawas sa kawirduhan ng style niya yung appeal niya kaya mukang bagay saknya kahit na anong klase ng damit. Mukang bising-busy siya sa pag usisa ng sapatos, kinalabit ko siya. Tumingin siya sakin na parang Hindi ako kilala sabay binalikan ng tingin yung mga sapatos. Huh! Baliw na to!

"HOY!!" Sigaw ko sakanya, di niya ako pinansin at lumipat ng shelf ng mga sapatos. Aba anung trip to?

"HOY! Mark Valdez Santiago anung trip to?" Tumingin siya

"Sorry miss ha! Taken na kasi ako ehh" Sabi niya na patuloy ng pamimili ng sapatos, tinapik ko yung balikat niya.

AFTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon