Simula

38 7 3
                                    

Simula.

ang sabi nila, ang pinaka masakit na mararanasan ng magulang ay ang ma walan ng anak.

pero pa'no naman ang anak?

ano ang pinaka masakit na mararanasan nito?

sa isang madilim na silid, na ka upo ang isang batang babae. yakap ang sariling tuhod at umiiyak.

suot ang itim na damit na ginamit sa libing ng amang kahit kailan ay hindi n'ya naman nakilala.

iniwan siya ng ina, lumisan ito at nag iwan ng mga masasakit na salita.

mag isa s'ya sa mga lumipas na araw. gutom at takot. hindi ma ka tulog dahil sa iniwang trauma ng amang nagpakamatay sa harap n'ya.walang nagawa kundi umiyak.

mahigpit ang hawak n'ya sa papel na pera, bigay ng mga taong walang ginawa kundi kaawaan siya.

gabi na. tumingin siya sa langit, tanaw sa labas ng bintana. mas madilim ang labas kaysa sa lugar kung na saan siya.

umihip ang hangin sa gabi ng kalungkutan. nilipad ng hangin ang puting kurtina. siguradong uulan.

tumayo ang bata gamit ang maliit niyang mga paa. ang may kahabaang buhok ay humawi sa kanyang paningin.

mas lalong lumakas ang kanyang iyak kasabay ng paglakas ng hangin. rinig sa buong lugar ang dahon ng mga punong nag sasayawan.

ma..

natatakot ako...

inisantinig ng bata ang kanyang isipan, umaasang baka balikan siya ng inang lumisan at iniwan siyang nag iisa.

inangat niya ang ulo at tinitigan ang lubid na naka sabit sa kisame. iyon ang ginamit ng kanyang ama.

sumagi sa isipan ng bata, gawin ko rin kaya? magpa ka matay na rin kaya ako..

humakbang siya papunta rito pero natigilan sa hindi malamang dahilan. ang nasa isip niya lang ay ang mag intay.

sa edad na sampu alam niya na kung gaano kabigat ang salitang kamatayan. tinigil niya ang isipan na iyon at hindi tumakas sa impyerno niyang buhay.

bumalik siya sa bintana at isinara iyon. bumalik siya sa pag kaka upo at tinitigan ang pinto, umaasang baka sakaling bumukas iyon.

nag intay siya ng nag intay, bumabagsak na ang ulo dahil sa pag ka antok. iniwasan niyang matulog..baka kahit anong minuto ay bumalik ang kanyang magulang, aniya.

makalipas ang ilang oras na pag hihintay..walang dumating. mag isa pa rin siya.

ang maputla niyang mukha ay hindi kasing putla ng kanyang mga labi. pasado hating gabi na pero wala pa rin laman ang kanyang sikmura.

hawak ang papel na pera, tinitigan niya ito. naalala niya na dati ay kapag oras na ng tanghalian palaging siya ang bumibili para sa kanila ng ina.

tumayo ulit siya, tumakbo papunta sa kulay rosas niyang payong. kinuha niya ito at lumabas ng bahay.

balak niyang bumili ng pag kain, hindi para sa sarili niya, kundi para sa mama niya na inaasahan niyang kahit san dali ay baka bumalik.

nag mamadali siyang lumabas ng bahay, isinara niya ang pinto at binuksan ang dalang payong.

hindi niya alam kung saan siya pupunta, basta ma ka bili lang siya ng pag kain para sa ina. wala ng bukas na kahit anong tindahan sa lugar na iyon at sa oras na iyon.

lumabas lang siya at umasa dahil walang kahit ano sa kwartong kaninang naroon siya. blangko ang madilim na silid. tanging kurtina at higaan niya lang.

kasabay ng yapak niya ang ingay ng tambutso.

na ka sunod sa kanya ito mula kani na pang pag ka labas niya ng bahay.

hindi lumalagpas, hindi rin humihinto. nakikiramdam ang bata pero sa tingin niya ay pareho silang nagpa pa kiramdaman.

biglang bumukas ang ilaw ng motor at lumakas ang ingay ng tambutso. dahil dito natakot ang bata at tumakbo ito.

nag talsikan ang mga tubig na kanyang na apakan galing sa nakaraang mga pag ulan.

mas lalong bumilis ang motor ng tumakbo siya, hindi na nagawang umiyak ng bata. basta tumakbo lang siya ng tumakbo.

sa kanyang pag takbo nahulog ang kanyang payong, hindi niya na binalikan ito sa takot na baka maabutan siya.

tumakbo siya at ilang beses ng lumiko pero hindi nawala ang naka sunod sa kanya, tila tinatakot siya at walang balak na lagpasan at saktan siya.

ingay ng tambutso ang lalong nag patakot sa bata, walang kwenta ang ilang beses niyang pag katok sa pinto ng mga bahay na naka sarado para sa kaniya.

takot ang muling nag pa iyak sa kaniya.

nag patuloy siya sa pag takbo, nang naramdaman n'ya ang bermuda sa kanyang mga yapak ay lumingon siya.

nahulog ang papel na pera, binalikan niya ito hindi katulad ng payong na kanyang nabitawan.

mukang tapos na ang paglalaro, kasabay ng pagtayo niya ay ang unti-unting pag lapit ng ilaw. nagawa niyang tumalikod at sinubukan pang tumakbo.

tila bumagal ang pangyayari, sakit sa balikat at tiyan ang kanyang naramdaman. tila bumagal din ang kanyang pag baksak sa damo.

ang kanyang buhok ay lumutang sa ere habang siya ay bumabagsak. sakit sa likod ang huli niyang naramdaman.

tapos na, narinig niyang papalayo na ang motor. nakita niyang malayo na ang pulang ilaw. tapos na, ligtas na siya.

ang sabi nila, ang pinaka masakit na mararanasan ng magulang ay ang mawalan ng anak.

pero paano naman ang isang anak?

ano ang pinaka masakit na mararanasan nito?

tama nga ang hinala ko kanina, lumakas ang hangin at bumuhos ang malakas na ulan.

tinago ng ulan ang mga luha ng bata. tinago ng ulan ang sakit na kangyang naramdaman. tila sinasabi nito na
sige, mag pa hinga ka na.

katulad ng gabing ito, pinanganak siya sa isang maulan na gabi. tila may kinalaman ang kulog sa buhay niya.

ang bawat bata sa buong mundo ay bunga ng pagmamahalan, kahit galing man ito sa sirang pamilya.

kaya papaanong ang batang galing sa pagmamahalan na katulad niya ay..

papaanong ang batang ito...

mama..tawag ng bata sa kanyang ina, unti-unting pumikit ang mata ng bata. naramdaman na ang hapdi ng bawat patak ng ulan sa kanyang maliit na mukha.

ma.. tawag ulit noong bata. kumulog at umilaw ang kalangitan dahil sa kidlat. humiling ang bata gamit ang kanyang mga huling lakas.

humiling siya at umasang tutuparin ito ng mga kulog at kidlat.

hiling niyang muling magkita sila.

nagka totoo nga iyon.

kahit sa panaginip na lamang.

lumilipas ang araw, ganon din ang mga tao. kaya mabuhay kayo ng walang pinag sisisihan.

alam niya kung gaano kabigat ang salitang kamatayan.

pero hindi niya alam ang ibig sabihin ng salitang 'buhay..'

ano ang ibig sabihin ng mabuhay?

ano ang ibig sabihin ng mabuhay ng walang pinag sisisihan?

My Strange HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon