Kabanata 27

5 2 0
                                    

Kabanata 27

Hindi ko alam, kung bakit ako nagmamadali...Hindi ko alam o baka hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumakbo, katulad nito. Ang pagtibok ng puso ko, mas naramdaman ko ang lakas na parang ngayon ko lang naramdaman.

Ngumiti ako sa kan'ya, pero hindi n'ya pinalitan 'yon. Bumaling s'ya, sa relo na suot. Nakita ko, kung pa'no gumalaw ang panga n'ya at ang paglunok. Binalik n'ya ang tingin sa akin. Hindi ko inalis ang ngiti sa labi.

"Maaga ka." Saad n'ya.

Tumango ako. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ngayon. Hindi ko alam ang sasabihin. Parang sapat na, ng nakita ko s'ya. Hindi ako nagisip. Ang totoo, parang hindi ko alam ang araw ngayon. Wala akong alam ngayong nasa harap na n'ya.

Kinalma ko ang sarili. Huminga ako ng malalim, sa paraan na hindi n'ya mapapansin. Tumango ulit ako. Ngayon ko lang naramdaman, ang mahigpit na hawak ko sa bag.

Inalis ko ang tingin sa kan'ya. Sinubukan kong dumaan sa pinto, na parang walang nangyari. Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman. Nahihiya ba ako, o matitigilan.

Tinignan ko ang room, wala pang masyadong tao. Pero halos lahat nakatingin sa amin. Bumaling ako sa kamay n'yang, hawak na ang daanan. Nakaharang s'ya sa pinto. Para ba harangan ako?

"Bawal ka pang pumasok." Saad n'ya. Malamig ang boses.

Napakurap ako. Hindi ko maintindihan. Wala pa rin akong maintindihan. May nagbago ulit, pero parang s'ya na 'yon. Tama ba ang nangyayari? Tama ba ang araw na 'to?

Nag halo-halo, ang mga tanong sa isip ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat unahin. Hindi ko alam, ang dapat na i-sagot.

"B-bakit?" Tanong ko.

Alam kong may penalty points ako, pero sa tingin sobra na ata 'to. Masyado ba 'kong maraming penalty points? Ang alam ko, hindi naman gano'n. Umiling ako, hindi sa kan'ya kung hindi para sa sarili.

Sinubukan kong pumasok, kahit hinarang n'ya na ang sarili. Pinilit ko, na parang wala lang s'ya.

Hindi ko alam kung masama ba ang tingin ko sa kan'ya, ng umayos ulit ng tayo. Huminga ako ng malalim. Matalim na ang mata. Tumalikod ako, bago suminghap.

Ang hirap talagang maintindihan. Sapat na ang alam ko, sa school romance. Marami na akong napanoood na drama. Hindi nila gustong ipaalam sa iba. Pero parang sobra naman 'to.

Binalik ko ang tingin, matalim pa rin. Nakatingin din s'ya sa akin ng gano'n. Hindi ko alam kung pa'no sasabihin.

Hindi kami nagusap, tungkol sa mga ganito. Kaya hindi ko rin alam ang gagawin. Natigil kaming dalawa, dahil may tumawag sa akin. Lumingon ako.

"Hi, meissa!" Si Cindy. Nakangiti. May sigla ang boses.

Nakangiti s'ya, kasama sila Nikki ng lumapit sa akin. Pero ng nakita nila kung sino ang lalaking nasa harap ko, agad nawala ang ngiti nila.

Ngumiti ako, bilang bati. Lumapit din ako sa kanila, na parang walang usapan na nangyari. Kung sasabay ba 'ko sa kanila, makakadaan ba 'ko?

"Ang aga natin sa first class! Yey!" Saad ni Cindy at kumapit na sa akin.

"I'm sure, tataas ang grade natin!"

"Bobo." Si joy.

"What?" Tumingin kami sa kan'ya.

"Idiot. Do you think, tataas grade mo pag maaga ka? Wala pa nga 'yong professor,e!" Si Nikki, dugtong.

Tahimik si nina, nakatingin sa amin at nakangiti. Nawala na ang pilit nilang ngiti. Hindi ko alam, kung isa na naman ba 'to sa magiging away nila. Hindi ko alam, kung dapat na ba 'kong bumitaw.

My Strange HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon