Kabanata 21

5 1 0
                                    

Kabanata 21

tumingin ako sa langit, tinignan ko ito at sandaling natigil. pakiramdam ko hindi ako humihinga, sa mga nakaraang araw. pero ngayon...
bumaling ako sa kaniya.

mabilis akong tumakbo at iniwan s'ya doon.

uulan, napangiti ako.

hindi ko nakita ang huling reaksyon n'ya, ng tumingin ako. dahil mabilis lang akong tumakbo. ang ulan lang ang nasa isip ko.

bumaba ako, maraming nagaantay sa harap ng elevator, hawak ang mga cellphone nila. sa pagtingin pa lang doon, pakiramdam ko mabilis na akong na suffocate. tumingin ang lahat sa akin. mabilis akong tumakbo papunta sa hagdan. binuksan ko ang dalawang pinto. binilisan ko pa ang takbo.

baka tumigil na lang ang ulan.

hindi pwede 'yon.

tinignan ko ang bag na hawak, hindi rin pwede ma-basa 'to. inisip kong kailangan munang i-daan sa locker ko. pero...
baka mawala na lang ang ulan.

mabilis akong bumaba sa hagdan, tumatakbo. hindi ko pwedeng iwan na lang ang bag sa kung saan. napatingin ako sa isang lalaki. tumakbo ako papunta sa kaniya.

nagkatinginan kami ni lou. nakatingin s'ya sa akin na tumatakbo na papunta sa kaniya. lumapit ako at inilahad sa kaniya ang bag, natigil s'ya sa biglaan kong paglapit. hinihingal ako. bumaling s'ya sa hawak ko at tumaas ang isang kilay, ng nilipat sa akin ang tingin.

dapat, iniwan ko na lang pala 'to sa library. hindi n'ya kinuha sa akin, kinuha ko na lang ang kamay n'ya at sinabit doon ang bag. naramdaman kong natigil din sila keno dahil sa biglaan kong ginawa.

mabilis akong umalis sa harap nila at nagpatuloy sa pagtakbo. hindi ko alam kung tama ang gagawin ko. maraming nakatingin sa akin, pero bahala na.

malamig ang hangin, umuulan nga.

may sikat ang araw, pero umuulan. malakas ang bagsak, pero maliwanag naman ang paligid.

huminga ako ng malalim. dinama ko ang hangin. hindi ako nababasa, dahil tumigil ako sa pagtakbo. nakasilong pa ako sa tanggapan ng gusali.

habol ang hininga, tinaas ko ang kamay at dinama din ang mga patak. malakas ang buhos ng ulan, sinabayan iyon ng katamtamang lakas ng hangin.

tumingin ako sa buong paligid. lahat, nagmamadaling sumilong. may mga dalang payong. ang iba naman, nilalagay ang bag sa ulo at tumatakbo.

may dala din akong payong, pero nasa bag ko 'yon. iniwan ko talaga. nag antay ako. nag antay akong ma wala ang mga tao. tahimik na ang paligid, dahil tinatakpan ng ulan ang ingay ng lahat.

bumaling ako sa likod ko. marami din na nakasilong, nakatingin sa akin. may mga ibang sumunod. dahil siguro sa pagtakbo ko, inisip nilang may nangyari. nakita ko ang mga kaibigan ni lou. nagkatinginan kami ni keno, katabi n'ya sila mago at raven.

pero inalis ko sa kanila ang tingin, dahil nakita ko ang isa pang lalaki na pa takbong naglalakad, papunta kung na saan ako. may hinahanap ang mga mata n'ya.

pakiramdam ko, hindi ako makakahingi kung magtatagpo ang mata namin. tumalikod at hinarap ang ulan. binaba ko ang kamay ng dahan-dahan at humakbang.

isang hakbang pa lang, tumingin na sa akin ang lahat.

hindi ko alam kung bakit parang hindi ako humihinga sa mga nagdaan na araw o kung bakit kailangan ko 'yong maramdaman. siguro dahil sa mga atensyon na hindi ko naman gusto, dahil sa mga matang nakatingin sa akin.

hindi ko masabi kung komportable ba ako, o hindi. natatakot lang ako. hindi ko alam kung bakit. ngayon na nasa ulan na 'ko, nasabi ko na rin kung anong emosyon ang nararamdaman ko. takot.

My Strange HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon