Kabanata 6

16 3 0
                                    


KABANATA 6

pag labas ko doon ay pumunta ako sa clinic. hindi para magpagamot kundi para mag palit ng damit.

ano bang na isip ko? hindi okay ang nangyari! tinignan ko ang aking braso. namumula ang balat noon at may nararamdaman akong kaunting hapdi.

anong gagawin ko? dapat hindi na lang siguro ako pumunta dito. mabilis kong kinuha ang aking cellphone sa bulsa. tinawagan ko si Diana at mabilis niya iyong na sagot.

"bakit?"

"a-anong gagawin ko?"

iyon ang una ko na sinabi. tanong na lumabas sa aking bibig. iyon ang una ko na tinanong pagkasagot niya. pumikit ako ng mariin. dapat tigilan ko na ang pag tawag sa kaniya sa mga ganitong sitwasyon.

"bakit? what's the problem?!" nag panic agad siya. kaya talagang dapat ko munang pagisipan ang kilos bago ko gawin ito ,e.

hindi ko alam kung saan magsisimula. hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang kwento mula sa umpisa. kinagat ko ang labi ko at huminga ng malalim. sinubukan ko na kontrolin ang aking sasabihin.

"may nabangga kasi ako, natapon 'yung pagkain sa'kin. hindi naman mainit. nagkalat 'yung dumi sa damit ko. anong gagawin ko?"

naka hinga ulit ako ng maluwag. ang tawag doon ay pinagsama na kasinungalingan.

kasinungalingan dahil, mainit ang pagkain at ang totoo..masakit iyon. hindi iyon ang totoong tanong na gusto ko na sabihin.

bakit kailangan mag sinungaling ng isang tao? bakit nagsisinungaling ang tao?

sa tingin ko hindi na mawawala iyon. kasama na sa bawat araw at buhay natin. may mga kasinungalingan na makakasakit sa iba. may mga kasinungalingan naman para protektahan ang isang tao.

pero kahit na, kasinungalingan pa rin ang dalawang iyon. hindi pa rin magbabago kahit anong sabihin mo. kasinungalingan pa rin ang tawag doon. nagsisinungaling ka pa rin.

matagal bago siya sumagot. narinig ko ang paghinga n'ya ng malalim.

"akala ko kung ano na. are you hurt?" tanong niya sa akin.

ngumiti ako at mariin hinawakan ang aking ID. umiling ako kahit hindi niya naman makikita iyon.

"hindi naman mainit" sagot ko.

minsan naiinis ako sa sarili. hindi ko magawang mabuti sa kaibigan. mukhang naabala ko pa siya.

"buti naman. nasa'n ka?"

"ah, nasa clinic ako."

"may kasama ka ba d'yan? 'yung taong pwedeng hingan mo ng tulong."

tumingin ako sa buong paligid. kulay puti ang lahat, pati na rin ang kurtina. tumayo ako tumingin sa isang lalaki.

"meron naman."

tinawag ko siya. lumingon siya sa akin. natigil ako at tinitigan siya ng maigi. dahan-dahan siyang lumapit sa akin. siya 'yung bata sa sahig kanina. 'yung binubugbog nila Lou.

"lalaki ba 'yan?"

"ah..oo."

"wala na bang iba?"

"saglit lang." hindi ko siya sinagot at binaba ko ang hawak na cellphone. bumaling ako sa lalaki at ngumiti. hindi naman siya ngumiti at tumayo lang sa aking harap.

tinignan niya ang aking katawan. tinignan niya ang damit ko na nalagyan ng sabaw ng pagkain. mainit pa sa pakiramdam at malagkit.

"a-ano?" tanong niya.

My Strange HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon