Kabanata 7
wala na sa akin kung hindi ako makapasok sa susunod pa na klase. kailangan kong hanapin si Lou. gusto ko ng tapusin ito. kahit panandalian lang, basta ay ma control ko ang mga nangyayari.
nahirapan ako na makalabas sa room. nahirapan ako dahil sa dami nila. naka hinga lang ako ng maluwag ng tuluyan na akong naka lagpas sa dami ng tao.
mabilis akong tumakbo. hindi ko alam kung anong room ni Lou. ang naiisip ko lang, umaasa ako na nasa cafeteria siya.
ang sabi niya mamaya na lang kami maguusap, kailan ba ang mamaya na 'yan?! hanggang kailan ba ako magiintay?!
ayaw ko ng damdaming ito. hindi ako komportable at mahirap sa pakiramdam, hindi ako makahinga ng maayos.
mahigpit kong hinawakan ang aking bag. maraming tao ang nakabangga ko. maraming tao na ang nagreklamo dahil sa akin. hindi ko magawang humingi ng tawad. binilisan ko lang ang aking takbo.
kung wala siya sa cafeteria, saka ko na iisipin ang susunod na gagawin.
pag baba ko doon. pagpasok sa pinto, maraming lumingon sa akin. hindi ko pinansin at isang mukha lang ang kailangan ko. si Lou.
pumasok ako sa loob. inikot ang buong lugar at sinubukan siyang hanapin. hindi ko nagawa.
may humawak sa aking kamay. natigil ako at lumingon sa aking likod. ibang tao ang nakita ko.
"ayos ka lang?" tanong ni ran sa akin. nilibot ko ang tingin sa buong paligid. hinihingal ako dahil sa pagtakbo. huminga ako ng malalim at inalis ang hawak niya sa aking kamay.
"oo." sagot ko at ngumiti. napansin niya na hinihingal ako pero hindi siya nagtanong.
"hindi tayo nagkita kanina ha? sabi mo, magkikita tayo dito?"
"pasensya na, may...ginawa kasi ako."
ngumiti siya sa akin at inakbayan ako. kung normal na araw lang ito ay hahayaan ko iyon pero hindi nakikisama ang aking katawan.
lumayo ako sa kaniya at muling nilibot ng tingin ang buong cafeteria. kapag nalaman ni lou na may kaibigan ako. mali, kung isipin ni lou na kaibigan ko s'ya. baka may gawin s'ya..at sabihin..
ayaw kong madamay si ran.
"bakit?" nagtatakang tanong niya. muli akong ngumiti.
"may class din kasi ako ,e..may hinanap lang akong tao dito.." sabi ko. dahan-dahan siyang tumango. inintindi ang sinabi ko. muli s'yang ngumiti.
"sino?" hindi ako naka sagot. hindi ako sumagot. hindi n'ya din naman kilala..o baka kilala niya..sikat daw ang grupo ni Lou sa school na ito.
lahat ng bagay kailangan kong isipin. kahit ng maliliit na bagay kailangan kong suriin. kailangan kong maging maingat mula ngayon.
"ikaw, bakit ka nandito? tapos na rin 'yung break time niyo kanina ha?" pagbabago ko ng usapan. hindi niya napansin ang pagiiba ko.
"ah, wala kasi 'yung professor namin. naisip ko na tumambay dito." tumawa siya.
"tambay ka d'yan, kakain ka lang ulit ,e." biro ko kahit wala ako sa sarili ngayon. muli s'yang tumawa.
"saan nga pala ang room mo?"
"sa alin? marami kasi akong room ,e. anong subject?"
"ah, hindi. anong room mo sa last class?"
nilibot ko ulit ang tingin sa buong paligid. sumagot ako ng hindi nakatingin sa kaniya.
"hindi ko pa kasi kabisado 'yung schedule ko ,e. iba-iba ng oras 'yung subject."
"ganon ba? sige." tumango siya sa akin. hinila n'ya ang aking kamay. dinala n'ya ako sa isang lamesa.
BINABASA MO ANG
My Strange Hero
RomanceThis story is about revenge and love. an ill-fated relationship. kung alam mo na masasaktan ka rin sa huli, magpapatuloy ka pa ba? kung bibigyan ka ng isang kahilingan, ano ang hihilingin mo? parehong tao na naka kulong sa kanilang nakaraan. dalawan...