Kabanata 9
"senior din 'yan..."
hindi ko alam ang sasabihin. hindi ako makapagsalita habang nakatingin sa akin si Gian. masama naman ang titig sa akin ni Lou.
"bakit? may problema ba?" tanong ni Ran. hindi ko s'ya sinagot.
nagbaba ulit ako ng tingin. nagsimula ulit akong kumain kahit labag sa nararamdaman ko. hindi ko pinansin si Lou ng dumaan s'ya sa aking gilid. hindi ko s'ya nilingon. parang walang nangyari. ganoon din ang ginawa ko kay gian hindi ko s'ya binigyan kahit isang sulyap lang.
hindi 'yon magugustohan ni Lou. sigurado akong ayaw n'ya no'n at maiinis s'ya, baka kung ano ang isipin at gawin n'ya. pero mas maganda ng hindi n'ya din ako pinansin ngayon dahil nasa harap ko si ran. sabay kaming kumakain.
kapag may hindi naiintindihan ang kaibigan kong ito, alam kong hindi s'ya makakatulog at pilit iyong aalamin. ayaw ko s'yang madamay katulad ni Diana.
"oh!" si mago, gulat tumingin sa aming dalawa.
gulat din ang reaksyon ni ran, tumayo s'ya at ngumiti dito pero hindi ko iyon magawa. pakiramdam ko mas lumala ang sakit ng sikmura at hilo na naramdaman ko kanina.
hindi ko iyon pinahalata at pilit ding ngumiti kay mago. hindi ko inaasahan na magsasalita sila. kasama ni Gian ang mga kaibigan n'ya. ngumiti sila sa akin at tinitigan ako. hindi ako komportable kaya naman tumayo na din ako at tumango sa kanilang lahat, mas magugustohan ko sana kung hindi na lang din sila mamamansin katulad ni Lou.
"hulaan ko, hindi mo na kami maalala 'no?" Si Lyn.
ako ang tinutukoy n'ya. mukhang ako rin ang pinagbubuntongan nila ng kung ano. mataray ang boses na may kaunting biro ang tono ng kaniyang boses. parang galit s'ya pero gustong pagaanin ang paguusap namin. sandali akong nagisip.
kahapon lang siguro nangyari 'yon. naaalala ko pa ang pangalan nilang lahat. marami sila pero naaalala ko pa rin walang dahilan para makalimutan ko.
"dito ka pala nagaaral? bago ba?"
"oo, bago kaming lahat." sagot ni Mago sa tanong ni ran.
nagpalitan ang dalawa ng paguusap. magaan na kwentuhan. gusto ko ng maupo pero hindi ko magawa dahil nasa harap pa rin namin sila. sandaling nakuha ni Gian ang atensyon ko pero agad ko din iyong inalis. bumaling ako kay Natasha. gusto kong ngumiti pero hindi ko na talaga magawa dahil sa sama ng nararamdaman.
"syempre naaalala ko pa, Natasha, Lyn, Riie, Franz, Mago at Raven..." malamig kong sinabi.
gusto kong ngumiti kay Raven na nasa gilid nila pero hindi ko magawa. tulala sila sa akin na para bang hindi na alam kung paano dudugtongan ang usapan.
"Guys...ano ba kayo ha?" Awkward na tanong ni Raven.
tila ba naamoy din n'ya kung gaano kabaho ang atmosphere sa paligid namin. halos lahat ng student sa cafeteria ay nakatingin na sa amin. hindi alam kung ano ang mayroon. kung bakit sila nagtatagal pa rito. masaya bang paguusap o gulo? tanong siguro nila sa isip. ganoon din si Ran na parang may napansin na din.
"let's sit there...wala ng tao do'n oh! ano ba kayo?"
hindi ulit nila pinansin si Raven. tumingin s'ya sa akin at ganoon din ako sa kaniya. humakbang ng isang beses si Franz kaya naman napabaling ako sa kaniya, kaming lahat. agad pumunta sa tabi n'ya si Mago na parang pipigilan ito sa kung ano ang gagawin. tumingin ako kay Gian na naka yuko lang, mas madilim ang mata kaysa ng mga nakaraan. muli akong bumaling kay Franz. galit ang mata, pero nakangiti.
"May nakalimutan ka..." saad n'ya.
"nakalimutan mo ang pinaka importante sa lahat... kalimutan mo na ang lahat, 'wag lang s'ya. wala kang karapatan."
BINABASA MO ANG
My Strange Hero
RomanceThis story is about revenge and love. an ill-fated relationship. kung alam mo na masasaktan ka rin sa huli, magpapatuloy ka pa ba? kung bibigyan ka ng isang kahilingan, ano ang hihilingin mo? parehong tao na naka kulong sa kanilang nakaraan. dalawan...