Kabanata 22

11 2 0
                                    

Kabanata 22

"let's go out. let's go on a date."

hindi ko alam ang sasabihin, dahil hindi ko na proseso ang gusto n'ya. akala ko madali lang s'yang kausap, pero mukhang hindi rin. napakurap ako.

"ha?" tanong ko.

'yon ang gusto n'ya? bakit parang lahat, gusto mag date? naalala ko si lou, pero agad ko din s'yang inalis sa isip.

"i like you, so let's go out." ulit n'ya.

hindi s'ya nakangiti, gano'n din ako. malumanay ang tingin ko sa kaniya, pero mariin naman ang tingin n'ya sa'kin. hindi ko naiintindihan, parang ibang emosyon ang nakikita ko sa mata n'ya.

napakurap ako. gumilid ang tingin ko sa paligid, maraming naglalakad pero tumitingin na sa amin. napalunok ako at yumuko. umatras ako, tumingin sa kaniya bago tumalikod. huminga ako ng malalim.

naglakad ako, naglakad s'ya. naglakad kami ng sabay na parang wala lang ang sinabi n'ya at narinig ko. naglakad kami ng tahimik. nasa gilid ko s'ya, nasa gilid n'ya ako. gumilid ang tingin ko, pero napansin na nakatingin s'ya sa akin. binalik ko ang tingin sa daanan at naglakad ng maayos. napalunok ako.

ano bang nangyayari sa'kin?

hindi ko alam ang sasabihin, kaya ayaw kong simulan ang usapan. iniintay ko s'yang magsalita, pero iniintay n'ya rin ba 'ko?

lumayo ako at dumistansya sa kaniya. napansin ko ang pagtingin n'ya doon. hindi ko makita kung nakangiti s'ya, pero pakiramdam ko oo nga. binalik n'ya ang distansya namin sa isat-isa. hindi ko pinansin. hindi pa rin ako nagsalita.

sabay kaming naglalakad, tahimik. sa gilid ng daanan. hindi ko pa rin s'ya pinansin, bumaling na lang ako sa mga halaman. ang totoo...gusto ko na s'yang umalis.

kailan ba s'ya aalis? huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid.

kulay berde ang mga halaman, pero walang salita ang magsasabi sa ganda ng mga bulaklak. hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko gusto kong ngumiti, ng nakita iyon. pinilit kong pigilan, dahil sa lalaking nasa tabi ko.

binuksan ko ang salamin na pintuan. ang bell na nasa taas ang una kong narinig. ang palaging una kong naririnig.

tumingin si inday sa'min, nagpupunas ng lamesa at bumaling. tumingin si inday sa lalaking nasa likod ko, palihim na ngumiti. nakikita ko 'yon sa likod ng labi n'ya, hindi n'ya pinahalata. pero gusto n'yang ngumiti ng malapad.

"ano, customer ba kayo?" tanong n'ya.

pumasok ako sa loob. naramdaman kong sinara ni gian ang pinto sa likod namin. bumaling ako sa kaniya at tumingin ulit kay inday. tumango ako.

natigil si inday sa sagot, napangiti pero napansin ang seryoso kong mata. binigkas ng bibig n'ya ang salitang 'sige'. lumapit ako sa lamesa at inilabas ang mga upuan. umupo kami sa tabing bintana, kung saan tanaw ang abalang labas.

nagbigay si inday ng pagkain at inumin. napansin n'ya ang suot ko, pero hindi rin nagsalita. kakaunti lang ang customer na pupamasok, kaya medyo komportable ako na mag-isa lang si inday. hinanap ng mata ko si ran, pero bumaling ako kay gian ng nagsalita s'ya.

"bakit nga pala sinabi mong parang bulaklak ang mga tao?"

"ha?"

natigil ako. iniisip ang sinabi n'ya, inalala. sinabi ko 'yon sa lugar na 'to. tama. pero...dapat ako ang nagsasalita, tungkol sa sinabi n'ya 'di ba? kumunot ang noo ko. kaya nga kami umupo dito, imbes na nagtatrabaho ako. ayaw kong sagutin ang tanong n'ya pero...

" 'di ko ba sinabi? parang bulaklak ang mga tao, dahil namumulaklak din sila, nalalanta at mamamatay..."

tumango s'ya. tinignan ang baso ng tubig na nilapag ni inday, ininom n'ya iyon. nakatingin lang ako sa kaniya. bumaling s'ya sa akin pagkatapos. napakurap ako, inilahad n'ya ang lamesa na parang sinasabing magsalita na ako.

My Strange HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon