Kabanata 25

4 1 0
                                    


Kabanata 25

Hindi s'ya makapaniwala na nakatingin sa akin. Kunot ang noo n'ya at may pagtataka ang mata. Saglit n'ya akong tinignan ng may talim sa mata, pero binalikan din ang ngiti ko ng isa pang ngiti.

Hindi ko magawang alisin ang ngiti sa labi ko, kahit pilitin ko. Yumuko ako at mas naramdaman ang paligid namin.

Ang maliwanag na langit, mas limiwanag pa. dahil ang ulap ay dinala ng hangin. Ang hangin na katamtaman, gano'n din ang init. Masarap sa pakiramdam.

"Alright." Sagot n'ya.

Nag angat ako ng tingin. Ang tibok ng puso ko, mas lalong bumibilis. Hindi ko alam ang susunod na sasabihin, kaya ang nagawa ko lang ay tumingin sa kan'ya.

"Let's go out." Ulit n'ya sa sinabi ko.

Tumango ako.

"Ise-send ko kung saan at kung kailan." Saad ko.

Saglit lang ang tingin ko sa kan'ya, ng tumalikod ako, pero ang mata n'yang may ngiti, nawala.

Sa tingin ko hindi tama na tumalikod na ngayon at umatras, pero ayos lang. Hindi ko na masundan ang sasabihin, kaya umalis na ako doon at iniwan s'ya. Nakangiti akong bumaba sa hagdan.

Ang tibok ng puso ko, gano'n pa din. Tuloy-tuloy akong bumaba, hindi gumamit ng elevator. Dalawang hakbang, sa bawat hagdan.

Gusto kong tumalon, at ginawa ko 'yon. Sa bawat lakad ko, naalala ko ang usapan namin. Wala akong magawa, kung hindi ang ngumiti.

Lumabas ako sa building at nakita na lang ang sarili na nakatingin sa mga pusa. May mga kuting, sa loob ng school na 'to. Palagi ko silang nakikita, palagi ko din silang gustong bigyan ng pagkain. Gagawin ko iyon ngayon.

Dahan-dahan akong dumapa. Ang bermuda na damo, ang pinaglalaruan nila. Umupo ako doon. Tahimik ang paligid, dahil ang lugar na ito ay nasa gilid lang ng school.

Nilabas ko ang plastic na hiningi kanina sa kusinera. Nilagay ko ang mga pagkain na natira doon. Tumingin sa akin ang mga kuting. Mas malaki pa ang damo, kaysa sa kanila.

Dahan-dahan ko iyong nilapag sa harap nila. Hindi mawawala ang ngiti sa labi ko, kung hindi lang sila tumakbo palayo.

Lumingon ako sa likod ko. Ang mabigat n'yang hakbang, ang dahilan kung bakit umalis ang mga kuting. Gusto kong ngumiti sa kan'ya, kaya ginawa ko. Dahan-dahan akong tumayo. tumingin s'ya sa ginagawa ko, pero mabilis ding bumaling sa akin.

Hinihingal s'ya. Tumakbo ba s'ya, at sinundan ako dito?

Tumingin ulit s'ya sa mga kuting, bago lumapit sa akin. Hindi ako umatras, kaya ngayon ay nakatingala na ako sa kan'ya.

Hindi ko inalis ang ngiti. Ngayon na mas lumapit s'ya sa akin, parang malinaw ko ng nakita kung bakit ko nagawa ang bagay na 'yon kanina. Hindi nawala ang ngiti ko, kahit mabigat ang tingin n'ya sa akin. Ang matalim n'yang mata, nakita ko na ulit.

"Sa'n mo nakuha 'yung number ko?" Tanong n'ya, hinihingal pa rin.

"Ha?"

Sinundan n'ya ba 'ko dito, para lang i-tanong 'yon?

Ngumuso ako. Napakurap dahil sa tanong n'ya, hindi ko alam kung dapat ko bang ilabas ang cellphone at ipakita kung tama ba ang number na nakuha ko o hindi.

"Sa'n mo nakuha 'yung number?" Tanong n'ya. mariin.

Saglit akong natigil, dahil sa pagtulo ng pawis n'ya. Ang paglunok n'ya at ang kahel na langit sa likod n'ya. Na mas lalong nagpapaganda sa larawan n'ya ngayon.

"Ang ganda mo." Saad ko. Mali.

Hindi pala pwedeng sabihin na maganda ang lalaki, hindi nila gusto 'yon.

My Strange HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon