Kabanata 14
Hindi ko alam kung importante ba ang lahat ng 'to. hindi ko alam kung may silbi ba ang lahat ng ginagawa ko.
basta, kumikilos lang ako dahil kailangan. pero naniniwala din akong, matatapos ang lahat pag nagawa ko 'yon.
kung ano man 'yon, kung anong matatapos ko.
magpatuloy lang, kahit napapagod. kahit pagod na.
tinignan ko ang minamasahe na tinapay. nagpatuloy ako sa ginagawa.
katulad nito, gusto ko rin...
"just like this dough..." si inday.
tumingin ako sa kaniya. ngumiti ako.
"...you can rise, if you rest..."
tumawa s'ya. ngumiti lang ako. huminga ako ng malalim at nilagay ang gawa sa gilid ng lamesa.
"bakit naisip mong mag bake ng tinapay?" tanong ko kay inday.
inayos n'ya na rin ang ginagawa at bumaling sa akin. na meywang s'ya sa aking harap.
"wala masyadong customer, sawa na siguro sa meal. naisip kong mag bake na lang, 'di ba?"
tumawa ulit s'ya. tumango ako at sandaling inisip 'yon. tinanggal ko ang apron na suot at nag hugas ng kamay.
nakakapagod ang pagmamasa ng tinapay. iyon ang hindi ko gusto. ang sakit sa kamay.
" 'di ba sabi ko, 'wag ka munang pumasok? maayos ka na ba ha?"
tumingin ako sa kaniya at muling ngumiti. tumango ako.
"ayos na 'ko." saad ko ulit.
may pumasok na isang customer at si ran ang nag asikaso noon. tumingin ako kay inday ng bumaling s'ya sa akin.
"nag away ba kayo? bakit 'di kayo nagpapansinan kanina pa?" tanong n'ya.
ngumiti lang ulit ako. nilabas ko ang cellphone at nag message kay Diana na pumasok ako sa restaurant. tinignan ko ang oras.
nang wala ng maisip na gawin, tinignan ko ang laman ng cellphone. wala. nagpanggap akong nagtitipa, para hindi magtanong pa si inday.
huminga ako ng malalim ng umalis s'ya at inasikaso rin ang pumasok.
wala ako sa sarili kanina pa. huminga ulit ako ng malalim.
nasa rooftop kami kanina ni Gian. nagtanong ako kung ano ang gusto n'yang sabihin, pero natapos lang 'yon ng gano'n.
umalis s'ya pagkatapos. hindi s'ya sumagot. wala akong naintindihan. hindi ko naintindihan ang sinabi n'ya.
walang kwenta kung magiisip pa 'ko, pero hindi ko talaga ma alis sa isip! nakakainis. bawat kilos ko ay naalala ko s'ya.
sa tingin ko, mas lumala 'to. dati, hindi ko s'ya gustong makita sa paligid ko. pero ngayon, naalala ko na s'ya sa bawat oras.
"Meissa, oh."
binigay sa akin ni inday ang wala ng laman na pinggan. nilagay ko sa lababo iyon at nagsimula ng hugasan ang mga pinagkainan.
"sabi ko, ako na ang gagawa n'yan ,e..." si inday ng pumasok sa kusina.
lumingon ako sa kaniya. nilagay n'ya ang nga na masa na tinapay sa oven. nagpatuloy ako sa pagsasabon ng pinggan.
"kaya ko na 'to..."
bumaling ulit ako sa kaniya.
"hindi ba malaki ang mga 'yan?" tanong ko.
malaki ang piraso ng tinapay. sa tingin ko, kung ilalagay na 'yon sa oven ay mas lalaki pa.
BINABASA MO ANG
My Strange Hero
RomanceThis story is about revenge and love. an ill-fated relationship. kung alam mo na masasaktan ka rin sa huli, magpapatuloy ka pa ba? kung bibigyan ka ng isang kahilingan, ano ang hihilingin mo? parehong tao na naka kulong sa kanilang nakaraan. dalawan...