kabanata 3
alasais ng pumasok ako sa restaurant. katatapos lang ng isa ko pang trabaho kanina at dumiretso na agad ako dito.
kinuha ko ang isang mop at sinimulan na linisin ang sahig. binaba ko ang mga upuan na naka patong sa lamesa at nilinis din ang ilalim nito.
tahimik ang buong paligid pero sigurado akong maingay sa labas. puno ng tao na mga naglalakad. mga sasakyan na bumubusina.
wala pang iba at ako pa lang ang nandito. wala pa si inday kaya ako na ang nag bukas ng restaurant.
dahan-dahan akong nag lakad papunta sa upuang malapit sa bintana. hinawakan ko ang mop ng mahigpit at umupo. huminga ako ng malalim at ngumuso.
tuwing naka upo ako dito at sinasayang ang oras ko, palagi kong iniisip. tanaw ang labas at puno ng tao ang paligid.
palagi ko na iniisip at tinatanong. ano kayang pangalan ng taong iyon? saan kaya s'ya papunta? pauwi na kaya s'ya o paalis pa lang? ano kayang klase ang uuwian n'ya na bahay?
palagi ko na tinatanong 'yon. tinutukoy ko ang mga taong nakikita ko sa mga lumilipas na oras. mga taong nag lalakad at may mga sariling mundo. abala at tila walang oras na dapat sayangin.
iyon ang hobby ko. kaysa mag cellphone. manood ng TV. mag drawing at kahit ano. mas gugustuhin ko na lang na panoorin sila.
ayaw kong sabihin sa iba iyon. na mas gusto ko na umupo sa park, makinig ng music at panoorin ang mga damdamin sa mukha nila tuwing day off ko.
nakaka tuwa 'di ba? kahit sa kaibigan, ayaw kong sabihin sa kaniya kung ano ang mga nasa isip ko at kung ano-ano na lang ang tinatanong sa sarili. kasi ang weird noon.
palagi ko na lang iniisip ang lahat ng iyan tuwing naka upo ako dito pero hindi ko magawa iyon ngayon. nag tataka ako. hindi ko alam kung bakit.
kumunot ang noo ko at huminga ng malalim. pumikit ako bago muling tumayo at nag simula ulit na mag linis.
madilim ang labas at mukhang uulan. natatakpan ng mga ulap ang liwanag na dapat ay galing sa buwan. mukhang nabibigatan na iyon at handa ng bumagsak. nililipad din ng hangin ang mga dahon sa buong paligid.
kasabay nang pag kulog ay ang pag alala ko sa sinabi lang ng kaibigan kanina.
"sige! ganito, pumasok ka sa school nila!"
"kapag tinangap ka nila, ibig sabihin hindi sila guilty. pag hindi ka tinangap, guilty sila!"kanina pa hindi mawala sa isip ang sinabi n'ya na iyon. hanggang ma una na lang siya na umalis sa bahay at naiwan ako doon na mag isa.
hanggang sa isa ko pang trabaho kanina ay binabagabag ako noon at hindi tinigilan. hanggang ngayon pagkapasok ko. hindi mawala sa isip at sinusundan ako noon.
sa tingin ko, alam ko na kung bakit wala ako sa sarili kanina pa. dahil doon iyon.
anong dapat ko na gawin? kailangan ko bang mag apply na lang para matapos na ang lahat ng ito. para tigilan na ako ng isipan na iyon at bumalik sa sarili?
alam ko na hindi rin ako tatanggapin ng school na iyon katulad na lang ng iba pa. baka sakaling pag nag apply ako ay matatapos na.
pero pakiramdam ko, mas mababagabag lang ako kung gagawin ko iyon. kahit alam ko man na hindi ako matatanggap.
hindi ko na naman alam ang dapat gawin.
tama ako sa hinala kanina. tumakbo ang mga tao sa labas at nag hanap ng masisilungan nilang lahat. tinatakpan ang ulo nila.
bumagsak ang napaka lakas na ulan at umihip din ang napaka lakas na hangin.
sa huli, hindi rin kinaya ng ulap ang mabigat na pasanin nito.
BINABASA MO ANG
My Strange Hero
RomanceThis story is about revenge and love. an ill-fated relationship. kung alam mo na masasaktan ka rin sa huli, magpapatuloy ka pa ba? kung bibigyan ka ng isang kahilingan, ano ang hihilingin mo? parehong tao na naka kulong sa kanilang nakaraan. dalawan...