Kabanata 2

18 6 1
                                    

Kabanata 2: friends

may mga panahon kung saan maganda ang araw mo. at may mga panahon din na hindi maganda. syempre lahat 'yon lilipas din, katulad ng oras.

sadya talaga siguro na hindi maganda ang araw ko ngayon.

sa araw na iyon, naging abala kami. pero maaga rin na nagsara.

inalok akong i-hatid na ni ran sa bahay ngunit tumangi ako.
humingi ako ng tawad kay inday at sinabing i-bawas na lang sa suweldo ang mga na basag na baso.

ang sabi naman n'ya ay ayos lang, at wag akong mag alala. umuwi na raw ako at magpahinga.

pumayag naman ako doon. na iwan naman si inday at Ran sa restaurant. sinabing sila na daw ang mag lilinis ng iba pang naiwan.

sumangayon naman ako doon at umalis na.

pagka-labas ng restaurant ay muli kong isinuot ang earphone. malalim na ang gabi at sobrang dilim.

tinignan ko ang langit sa gabi na iyon. walang kahit isang ulap. ang mga bituin ay tila naglalaho na sa langit. unti-unting nawawala na ang liwanag.

umihip ang hangin sa daanan na walang mga ilaw. hindi ko binuksan ang nasa sa cellphone. hinayaan ko na ganoon. hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko ang dilim na bumabalot sa buong paligid. gusto ko kung gaano ka dilim.

nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa lugar kung saan tinatawag kong tahanan. mabagal akong mag lakad, parang na ma masyal lamang. 'yon lagi ang sinasabi nang kaibigan tuwing lumalabas.

pero kaunti ang oras na mayroon ako. agad akong na ka uwi. hindi ko na malayan na nasa harap na ako ng bahay. ang oras ng pagmu muni-muni ay na tapos na. ang mga inisip ko ay muling na kalimutan.

pinihit ko ang pinto ng bahay. hindi ko binuksan ang ilaw sa sala. akala ko'y tulog na ang kaibigan. magla-labingIsa nang gabi at gising pa s'ya.

naka higa sa kama ko at may pina panood na pelikula. gulat s'ya sa biglaan kong pagpasok.

"kahit buksan mo man lang 'yung ilaw sa sala! ano ka ba!"aniya. gulat na reaksyon.

pa bagsak akong humiga sa kama. umalog iyon at tumalon din ang kanyang cellphone. kinuha n'ya iyon at pinatay ang pinapa nood.

"kumain ka na ba?" tanong n'ya.

naka pikit akong tumango at kinuha ang isang unan sa kaniya.

matagal siyang tumahimik. ramdam ko ang pakikiramdam n'ya sa akin. tila may gustong sabihin.

"bukas na lang tayo mag usap ha.. pagod talaga ako ,e.." inaantok ko na sinabi at nag ta lukbong.

"teka! bakit may sugat ka?" tanong niyang hindi ko nasagot.

"patayin mo na 'yang ilaw.. matulog ka na..." saad ko sa isang mababang boses.

matagal bago n'ya pinatay ang ilaw at umalis sa tabi ko. rinig kong lumipat na rin s'ya sa kanyang kama.

"sige, tapusin ko lang 'to.." hindi ko na narinig ang mga huli n'yang sinabi. tuluyan na akong na ka tulog at binalot ng dilim ang isip.

nagpa salamat akong na pagod ako sa araw na iyon. dahil sa pagod ay natakasan ko ang gustong pag usapan ng kaibigan. alam ko kung bakit gising pa rin s'ya. inintay n'ya ako. nag aalala s'ya.

siguro dahil din sa sugat ay mabilis din akong naka tulog. hindi ko rin alam kung bakit, pero ang sarap sa pakiramdam nang may sugat. dahil doon ay ma himbing ang tulog ko sa araw na iyon.

mas na una akong nagising sa alarm ko. agad kong itinigil ang pag tunog noon pagka gising. sandali akong tulala sa puting kisame bago tuluya na tumayo at dumiretso sa banyo para mag hilamos.

My Strange HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon