Kabanata 10
kung gano'n...hindi pa rin kami nagkita. akala ko iyon na talaga ang oras.
hindi ko alam ang nangyari. nagising na lang ako. puting kisame ang unang nakita pagkabukas ng mata. maingay ang buong paligid. sinubukan kong bumangon.
mabilis lumapit sa akin si Diana. tinanong n'ya kung ayos na ba ako pero hindi ko s'ya masagot. wala ako sa sarili.
may kung anong nasa isip ko ang hindi tama. hindi 'yon maalis sa isip ko kahit anong gawin. parang panaginip.
gusto kong itanong kung bakit nandoon si gian. hindi ko rin magawa. hindi ko alam kung imagination ko lang 'yon, pero pakiramdam ko talaga totoo. na nasa harap ko s'ya. hindi panaginip.
"wait, umiiyak ka ba?" nagaalalang tanong ni Diana.
bumaling ako sa kaniya. iyak. ako umiiyak? dahan-dahan kong hinawakan ang aking pisngi. naramdaman kong basa iyon. sandali akong natigil pero bumalik din sa sarili ng hinarap ako ng doctor sa aking kama.
luha...bakit ako umiiyak? hindi ko maalala...
"ikaw si Miss, perez. right?" tanong ng doctor.
"opo." si Diana ang sumagot para sa akin. tumango din ako.
"mahirap makita ang results ng mga test. naghalo-halo ang mga contents sa katawan mo. may iniinom ka bang drugs? medicine?" tanong n'ya.
sleeping pills ang una kong naisip. may mga ininom din akong mga antibiotics. hindi ko pa nasasabi ay naunahan na ulit akong magsalita ni Diana. sinagot n'ya iyon. tumango ang doctor at muling tumingin sa akin.
"hmm, kaya pala. pero may possibility na may nakain kang sirang pagkain kaya ka rin nahimatay. may nakain ka ba?" tanong n'ya. paos ang boses, nagsalita ako.
wala naman akong maalala. halos kaunti at minsan lang din ako kumakain sa mga nakaraang araw. alam ko din na mararamdaman ko din iyon kaagad.
maliban sa kinain namin nila ran sa cafeteria...ang cake.
'yung cake na binigay ni gian.
"w-wala naman po." sagot ko. pagsisinungaling.
hindi ko sinabi iyon dahil... siguradong wala naman. ano ba 'yung naisip ko...
nagpaalam kami ng umalis ang doctor. bumaling sa akin si Diana. malakas n'ya akong hinampas sa braso. ininda ko iyon. agad din n'ya naman akong tinulungan na makahiga ulit sa kama.
"ikaw kasi! sabi ko sayo kumain ka!"
wala akong maalala, pero tumango pa rin ako sa mga sinabi n'ya. sinubukan kong ipikit ang mata at magpahinga pero hindi ko magawa. dahil sa ingay at mga iniisip.
"ang sabi ng doctor, pwede na daw tayong umalis pagkatapos ng IV mo. wala ka talagang nakain? o hindi ka talaga kumain ha?"
dahan-dahan ulit akong tumango, nakapikit ang mata. binago ko ang usapan...hindi ko pa alam ang mga nangyari at sa tingin ko ay kailangan ko nang magtanong.
"nasa'n tayo?" mahina kong tanong.
"ha? ah, nasa emergency. buti na lang may nakakita sayo nung nahimatay ka sa damuhan, sa harap ng building."
agad akong napadilat at napabangon sa higaan. gulat s'ya at masama akong tinignan. alam kong nagpipigil lang s'ya ng galit, para hindi ako masigawan dahil may nararamdaman din. hindi ko talaga mapigilan ang sarili na magtanong kahit ayaw ko din. malalaman ko rin naman kahit hindi magtanong. may mangyayari din kahit hindi ako kumilos.
anong ibig sabihin n'ya? anong damuhan? sa loob ako ng building nahimatay. iyon, naalala ko pa. iyon ang naaalala ko. hindi ko maintindihan. nagkita kami ni Lou at s'ya ang naisip kong nagdala sa akin dito.
BINABASA MO ANG
My Strange Hero
RomanceThis story is about revenge and love. an ill-fated relationship. kung alam mo na masasaktan ka rin sa huli, magpapatuloy ka pa ba? kung bibigyan ka ng isang kahilingan, ano ang hihilingin mo? parehong tao na naka kulong sa kanilang nakaraan. dalawan...