Kabanata 20

3 2 0
                                    

Kabanata 20

maaga akong nagising. parang hindi ako natulog, hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong tulala sa puting kisame. bumangon na lang ako, at nakita ang sarili na naliligo. tapos na akong magluto, pero may natitira pang isang oras bago ko gisingin si diana.

nagtimpla ako ng gatas, pagkatapos ay naupo sa lamesa. dinama ko ang init ng iniinom, sa malamig na bahay na 'to. nakikita ang sala, sa loob ng kusina.

palagi kong nararamdaman, na parang may kulang, kapag hindi ko nakikita ang kaibigan. siguro gano'n din s'ya.

biglang bumukas ang pinto, at mabilis s'yang lumabas. ako agad ang hinanap ng mata n'ya. hindi n'ya pinahalata, pero nakita ko sa mata n'ya na nakahinga s'ya ng malalim, ng nakita ako. ma-pula ang mata n'ya. umiyak s'ya.

ngumiti s'ya sa akin pagkalapit. gano'n din ako. katulad ng dating mga araw, kumain kaming dalawa ng sabay. hindi s'ya nagmamadali. hindi rin ako nagmamadali. natapos kaming kumain at nasa harap na kami ng pinto. natigil ako ng sinabi n'yang mauna na akong umalis, gusto n'ya daw akong makita na unang lumabas.

kakaiba ang dahilan n'ya at sigurado na hindi ko maiintindihan kung bakit n'ya gusto 'yon, ngumiti na lang ako at tumango. sumakay ako ng taxi, at kumaway na sa kaniya, bago umalis.

walang pinagbago ang araw na ito, pero parang may kulang. parang may nawala. parang may hindi natapos. pumasok ako sa school, sumasayaw ang dahon ng mga puno, dahil sa malakas na hangin. pati ang buhok ko.

umaga, pero malamig na rin ang hangin.

umaga na. at nakita ko s'ya, sa harap ng gate.

si gian.

nagkatinginan kami, nagdadalawang isip ako kung kailangan ko ba s'yang batiin o lagpasan na lang. nakatingin na rin naman kami sa isat-isa, kaya sa tingin ko hindi maganda kung lalagpasan ko na lang s'ya. lumapit ako sa kaniya, pero pakiramdam ko naging dahan-dahan ang lakad ko.

sa baba ako palaging nakatingin kapag naglalakad. hindi ko gustong tumingin palagi sa paligid, dahil ayaw ko ding makita ang tingin ng iba. pero...
hindi ko maalis ang titig ko sa kaniya.

napalunok ako ng nakalapit, pero nagawa kong ibalik ang maliit na ngiti sa labi. ang atensyon ng lahat ay nasa amin, katulad ng dapat ay inaasahan ko na. gumilid ang tingin ko, pero muli s'yang pinagmasdan.

malaki at maluwag ang uniform na suot n'ya, masasabi ko pa rin naman na talagang malaki din ang katawan n'ya, dahil matangkad s'ya.

"may iniintay ka?" tanong ko.

hindi ako komportable sa sariling tanong. hindi ko alam kung paano s'ya babatiin, kaya sinabi ko na lang ang palaging naririnig sa iba.

"ikaw." sagot n'ya.

natigil ako, pero hindi ko inalis ang ngiti sa labi. pinagmasdan ko s'ya ng maiigi, pero wala akong makitang mali sa sinabi n'ya.

nasa harap kami ng gate, bumaling ako sa paligid. lahat ng tao nakatingin sa amin. hindi pa rin ako sanay ng ganito.

napatingin ako sa guard. katulad pa rin ng dati n'yang ginagawa, hindi ko pa rin s'ya gusto. wala naman s'yang ginagawa, ayaw ko lang sa tingin na katulad ng gano'n.

nakakatawa din dahil nagawa ko pang isipin ang matandang iyon at hindi ang kakaibang sagot ni gian. bumaling ulit ako sa lalaking nasa harap ko.

tumango ako sa kaniya at nauna nang maglakad. bumaling ulit ako sa kaniya. sinenyasan ko s'yang sumunod na sa akin papasok. parehas kami ng room, kaya siguro s'ya nagintay.

pinagmasdan n'ya din ako, bago sumunod sa akin. mabilis kaming nakarating sa room. bawat taong nadadaanan ko, tumitingin sa akin. kung hindi naman sa akin ay sa lalaking nasa likod ko.

My Strange HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon