Kabanata 26

6 1 0
                                    

Kabanata 26

kakaiba ang tingin n'ya, para sa akin. Pero alam ko din na may kakaiba, ng tumingin ako sa kan'ya. Hindi ko maalis ang tingin. Napalunok ako. Hiniling na sana hindi n'ya napansin iyon. Mabilis ang tibok ng puso ko, pero parang natigil iyon ng umupo na ako sa harap n'ya. Nagiwas ako ng tingin. Bumaling ako sa waiter, na palapit na sa amin.

Nilapag nito ang mga pagkain. Binigyan ko s'ya ng kamay, para tulungan sa paglapag ng mga pinggan, pero natigil din 'to sa ginawa ko. Tumingin ako kay gian.

Hindi ko gustong isipin, pero parang pinapanood n'ya ang bawat kilos ko. Ang tingin n'ya, malamig pero mariin. Nasa akin ang buong atensyon n'ya. hindi ko masabi, kung magandang bagay ba 'yon.

Agad kong binaba ang kamay, na nakataas. Hinayaan ko ang waiter, sa ginagawa nito. Nag salin ng inumin, sa isang wine glass. Hindi ko alam kung anong dapat kong unahin sa mga pagkain, pero 'yon ang una kong napansin. Napalunok ulit ako.

Bumaling ako sa waiter na umalis na, bago ko binalik ang tingin sa mga pagkain. Lahat, mukhang masarap. Lahat, mukhang mahal at parang sayang kung kakainin lang.

Tumingin ako sa paligid. Hindi ko alam kung hindi ko lang ba talaga napansin sa labas, pero sobrang mahal naman ata dito.

"Lets eat." Tumingin ako sa kan'ya, gulat.

Agad akong tumango. Hinawakan ko ang kutsara sa harap, pero hindi ko alam kung iyon ba ang dapat kong gamitin dahil sa daming kubyertos. Maraming kutsara, kutsilyo sa ibat ibang sukat at hugis. Kinuha ko ang baso ng tubig at napainom na lang. Natigil ako, dahil may lumapit pa para lang salinan ulit ang baso ko ng tubig. Isang serbidora.

Hindi ako komportable. Nagbaba ako ng tingin. Tinanggal ko ang jacket na suot, puting dress ang suot ko. Masasabi ko ng angkop sa lugar na 'to. pero, hindi ko inisip kung...
Ga'no kalamig ang lugar na 'to.
Hindi ko inisip.

"May hindi ka ba gusto? Do you want something else?" Tumingin ako kay gian.

Muli akong napalunok. Tinaas n'ya ang kamay, para sana pindutin ang buton sa gilid ng lamesa, pero agad akong umiling.

"Ngayon.., lang kasi ako nakapasok sa gan'tong lugar..." Saad ko. nakangiti, pero parang may hiya.

Tumango s'ya. Natigil ako, ng ngumiti na s'ya. Nawala na ka agad ang lamig at riin sa mata, inalis n'ya 'yon. Inalis n'ya, katulad ng palagi kong ginagawa.

"Let me know, kung may gusto ka pa " sabi n'ya.

May nagbago, sa boses n'ya. Sa tono ng boses n'ya. Ngumiti s'ya, at gano'n na rin ako.

Mabilis nagbago ang paligid namin. Parang, mabilis na nagbago ang paligid namin. Ngayon na kaharap ko na s'ya, may nagbago pa.

Nagsimula kaming kumain. Ginamit ko ang tinidor na pinili, kahit sa tingin ko hindi 'yon ang tama. Kinuha ko ang kutsilyo para hiwain ang steak, pero nahirapan ako.

Nagkatinginan kami, ng kinuha n'ya ang plato ko. Gusto kong magsalita, ng s'ya na ang naghiwa no'n para sa akin. Gusto kong magsalita o mag pa salamat man lang, pero hindi ko magawa. Ngumiti ako ng maliit sa kan'ya, habang pinapanood s'yang ginagawa iyon.

"It's rare. Naisip ko kasing baka ayaw mo ng masyadong dry." Aniya.

Hindi ko alam at muntik ko ng hindi maintindihan, pero sa tingin ko ang tinutukoy n'ya ay ang steak. Tumango ako, nakangiti pa rin.

Tumingin ako sa jacket, na naka patong sa kandungan ko. Huminga ako ng malalim. Kinuha ko 'yon at dahan-dahan ulit na sinuot. Bumaling s'ya sa akin, pero agad ding binalik ang tingin sa ginagawa. Nakita ko ulit, kung pa'no gumalaw ang panga n'ya.

My Strange HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon