Kabanata 19
"Welcome." ulit ko, nakangiti.
umupo silang lahat sa tinuro kong lamesa. nakangiti ako sa harap nila at komportable, pero sa tingin ko hindi kami pareho ng nararamdaman. bumaling ako kay gian. malamig din s'yang nakatingin sa akin. nakangiti ako sa harap nila, pero hindi nila magawa iyon. umayos ako ng tayo. binigay ko ang menu sa kanila, kahit kakaunti lang naman ang laman noon.
binigay ko iyon ng nakangiti pa rin. tumingin ako kay Vanessa. s'ya lang ang ngumiti sa akin, hindi ko na tinignan kung ano ang nasa likod ng mga iyon. nakisuyo s'ya ng tubig, tumango naman ako. ngumiti kami sa isat-isa, bago ako umalis sa harap n'ya.
agad akong pumasok sa kusina. hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. kung idadaan sa salita ang ganito, sa tingin ko din ang tawag dito ay excitement. huminga ako ng malalim. siguro dahil, ngayon lang ako naka kita ng mga kilalang student sa labas ng school.
pagkapasok sa kusina, agad akong hinarap ni ate inday. umilag naman ako sa mga mata n'yang puno ng tanong para sa akin. dumiretso ako kung nasaan ang ref. hindi ko s'ya pinansin.
" Mga kaibigan mo?" tanong n'ya ulit pagkalapit.
ayan na naman s'ya. lahat sila, tuwing may nakikita na may bago akong kasama o nakasabay lang, palagi nilang tinatanong kung kaibigan ko ba, kilala ko lang naman. tumingin ako sa kaniya at ngumuso. ayaw ko s'yang sagutin, pero kailangan.
"kilala ko nga lang..." saad ko.
ngumiwi naman ulit s'ya. saglit n'ya akong tinignan, bago umalis sa harap ko. kinuha ko ang pitcher at ilang baso para sa kanila, pagkakuha ay agad din akong tumayo at lumabas.
lumapit ako sa kanila. nilapag ko sa harap nila ang mga 'yon. bumaling ako kay raven.
"thanks." saad n'ya.
ngumiti ako sa kaniya. kanina, o parang kahapon, may mga nakikita akong kakaiba sa ngiti n'ya, pero pilit n'ya naman iyong pinalitan ng sigla
"kamusta si Cindy?" tanong n'ya, nakangiti.
alam kong gumagawa lang s'ya ng paguusapan namin. tahimik kasi akong nagiintay sa kung ano ang pipiliin nila sa menu. bumaling ang lahat sa akin at kay raven. para bang tumigil sila at binigay sa akin ang atensyon, kahit parang hindi naman. nagkatinginan kami ni gian. bumaling ulit ako kay raven.
"makulit pa rin." sagot ko, nakangiti.
kung hindi n'ya pa sasabihin na kapatid n'ya 'yon, baka hindi ko na naalala. tumawa s'ya sa sagot ko at sinabing pag pasenyahan ko na lang.
hindi ko masabi na close kami ng grupo ni cindy, lalo na, ni nikki. hindi ko masasabi na ma-lapit kami. nakakausap ko lang sila, dumidikit sila kahit ayaw ko naman. pakiramdam ko, hindi ko sila kilala kahit alam ko ang pangalan nila. kakaiba. para din silang--
hindi ko alam kung saan ko sila pwedeng ipag-pareha. kung saan-saang tore na lang sila lumilipat pag may nangyayari. gano'n agad sila at nakuha ko na 'yon, sa simula pa lang.
hindi ko kailangan lumayo, hinahayan ko lang naman sila. ngumiti ako kay raven. pero s'ya, parang iba sa kapatid n'yang si cindy. may kakaiba sa ngiti n'ya na masasabi mo na agad na mabait s'ya. pero alam kong hindi din dapat ako humusga, base sa panlabas lang. naalala ko si lou, parehas sila. nagkatinginan ulit kami ni gian. agad kong inalis ang tingin sa kaniya.
ano ba 'yan.
kaya kong mag-basa ng emosyon, pero hindi ko alam o naiintindihan ang pakiramdam ng mga 'yon. mas magandang hayaan ko na lang, kaysa pilitin na intindihin. ang umiyak kapag malungkot at tumawa kapag masaya. hindi ko na gusto 'yon.
BINABASA MO ANG
My Strange Hero
RomanceThis story is about revenge and love. an ill-fated relationship. kung alam mo na masasaktan ka rin sa huli, magpapatuloy ka pa ba? kung bibigyan ka ng isang kahilingan, ano ang hihilingin mo? parehong tao na naka kulong sa kanilang nakaraan. dalawan...