KABANATA 5
maagang na tapos ang unang klase. walang tinuro ang professor. nag sabi lang s'ya ng mga importanteng notes at announcement. first day ngayon kaya siguro wala talagang itinuro. hindi ko pa masasabi na magiging abala ang mga oras ko para sa mga susunod na araw.
na unang lumabas ang teacher. akala ko ay dapat magpapaalam na kami o 'di na man kaya ay mapapasalamat man lang. tumayo pa ako. nag taka ng hindi sila tumayo. siguro ay hindi na Kailangan.
nag labasan agad ang lahat ng lumabas na ang teacher. nag taka ulit ako. tinignan ko ang schedule na naka patong sa aking lamesa. binasa ko iyon. katabi ng time ay ang number ng room. kung ganoon ay kailangan din namin lumipat ng room bawat teacher o subject.
nahuli ako sa paglabas. tumingin ako sa buong paligid. akala ko ito na ang room ko. okay na sana sa akin ito, maganda na. iilan na lang kaming nasa loob. naka tingin sila sa akin habang nag uusap. siguro naman ay hindi ako ang pinaguusapan nila. ngumiti ako.
niligpit ko muna ang gamit sa lamesa bago tumayo. akala ko magiging mahirap o 'di naman kaya ay nakakapagod ang unang araw na ito. buti na lang ay mukhang hindi.
marami pa akong hindi alam tungkol sa school na ito. sana ay mag patuloy ang nangyayari. hindi pa ako sigurado.
pinasok ko pa ang mga gamit sa bag. wala naman pa lang lesson na ibibigay. buti na lang ay nakapag notes ako ng iba. hindi ko lang alam kung importante iyon.
pansin ko kasing ako lang ang nag susulat sa aming lahat. hindi ko rin na intindihan ang mga sinusulat. kahit kasi nasusulat ko naman ang sinasabi ng teacher, hindi ko naman na iintindihan dahil wala ako sa focus.
habang nag susulat kasi ako ay naka tingin sa akin ang iba. nakaka abala rin ang bulungan. buti na lang talaga ay hindi ako dinumog. iyon kasi ang nangyayari sa mga pinapanood ko na drama. pati na rin sa mga binabasa ko na novels. ang mga bago sa school o kaya ay transferee, palagi na lang dinudumog. palaging nasa drama iyon, hindi na mawawala.
pagka labas ko ng room ay tinignan agad ako ng lahat. pansin ko ang iba na tinititigan ako. para bang talagang nag abang sila sa akin. may ibang kumuha ng picture ko, palihim. hindi ko alam kung para saan iyon. ganoon ba talaga ka rare ang bagong student dito? nag sisimula na akong mainis na atensyon na binibigay nila.
yumuko ako at pumikit. nag simula akong mag lakad. tinignan ko ulit kung saan ang susunod ko na room. sa second floor iyon. sa tingin ko ay madali na lang ang subject na ito. hinawakan ko ang bag sa balikad pagka tapos ko na ibalik ang papel.
habang naglalakad sa hallway ay may ibang tumatawag sa akin at tinatanong kung anong pangalan ko. maraming sumisilip sa bintana. ang mga dumadaan ay napapalingon sa akin. kailang ko na mag palamig. umuwi na lang kaya muna ako? pero hindi pwede iyon. sigurado na hindi magugustohan ni Diana.
habang naglalakad ay may nakita ako na vending machine. nasa loob iyon ng building, at nasa gitna pa ng hallway. sa tingin ko ay talagang malaking pera ang na ibigay ko. ayos na sa akin ito.
lumapit ako doon at tinignan ang mga inumin sa loob. nakita ko ang soft drink na palagi ko na iniinom. ang galing naman.
mabilis akong nag hanap ng pera sa wallet. wala akong nakita doon. sinubukan kong maghanap sa bag. dismayado ako ng walang kahit anong nakalagay doon kahit barya man lang.
ang alam ko ay may sukli pa na binigay sa akin ang driver kanina. bago ako bumaba ako taxi. na hulog ba? hay nako..bago nga ang suot at bag na ito. pero ano naman kung walang kahit anong pera?
siguro ay may ATM machine naman dito sa loob ng school? kailangan ko din ng pera para kumain! ano ba 'to? sa lahat ng kailangan ko, bakit pera pa ang wala ako? bakit naka limutan ko kasing mag withdraw ng pera..
BINABASA MO ANG
My Strange Hero
RomanceThis story is about revenge and love. an ill-fated relationship. kung alam mo na masasaktan ka rin sa huli, magpapatuloy ka pa ba? kung bibigyan ka ng isang kahilingan, ano ang hihilingin mo? parehong tao na naka kulong sa kanilang nakaraan. dalawan...