Kabanata 17
maingay ang lahat. umupo na ang iba. simple akong ngumiti sa mga lalaking bumati sa akin. pumasok na ang lahat sa room pero maingay pa rin. tumahimik lang ang lahat ng pumasok na si ms. son sa room. halatang naiinis sa amin.
pumunta s'ya sa harap at pilit na kinalma ang sarili ng tumingin sa akin. may iilang nagce-cellphone naman na hindi s'ya pinapansin. huminga ulit s'ya ng malalim.
hindi ko alam kung bakit pa kami lumabas. sandali lang iyon. sandali lang ang minuto na 'to, pero pakiramdam ko sobrang tagal na. sa tingin ko mabuti na rin 'yon sa pagboto namin.
umayos ako ng upo at huminga din ng malalim. pakiramdam ko, matagal ko ng hinihintay ang sandali na 'to kahit hindi naman.
sinulat ni ma'am ang dalawang pangalan sa board. gian at nikki. nagsimula na ang lahat. walang paki ang iba, pero halos lahat sa room ay interesado sa nangyayari.
dalawang tao lang ang gustong tumakbo sa pagiging class monitor. ang isa ay katabi ko lang. pinilit ko ang sarili na hindi bumaling kay gian. sinulat ni ma'am ang pangalan n'ya, kasunod kay Nikki.
binigay ng mga nagce-cellphone ang atensyon nila sa harap. may ilang naghiyawan bago pa man nagsalita si ma'am. tumawa ako.
hindi ako kasali sa mga iboboto, pero bakit nakakatuwa? bakit ako natutuwa? pakiramdam ko na isa ako sa kanila. pero katulad ng palagi kong ginagawa, dahan-dahan kong inalis ang tawa sa labi at ngumiti na lang. naalala ko ang sinabi ni gian, pero pakiramdam ko sobrang tagal na no'n.
pakiramdam ko sobrang tagal na no'n, pakiramdam ko matagal na at malayo, pero pakiramdam ko din sobrang lapit lang. sobrang lapit n'ya lang, katabi ko lang s'ya. muli akong umayos ng upo. gumilid ang tingin ko sa kaniya. naramdaman kong bumaling s'ya sa akin ng tumawa ako. hindi ako komportable.
inayos ko ang mga gamit. binalik ko na sa bag. sa tingin ko, hindi naman masyadong importante ang nangyayari. magbibilangan na lang. kaunti na lang kasi ang oras at susunod na break time.
"tumahimik naman kayo..." simula ni ma'am.
tama, tahimik. bakit sila naghihiyawan? bakit lahat sila tumatawa? bakit ako nakangiti?
sumisikat ang araw, tanghali na. gutom na 'ko. pumapasok ang sikat ng araw sa likod bintana. nagsimula na si ma'am. inilabas n'ya isa-isa ang papel mula sa loob ng box at inililista sa tabi ng pangalan ang bawat guhit noon. bawat guhit, isang boto. sumisigaw ang mga lalaki, tuwing sinasabi ni ma'am ang pangalan ni Nikki na nakasulat sa papel. tumili naman ang mga babae kapag binanggit ang pangalan ni gian, isang beses pa lang. sumigaw ulit ang mga lalaki. inilabas ni ma'am ang isa pang papel mula sa box.
"Nikki."
naulit pa.
"Nikki.
hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. napalunok ako at huminga ng malalim.
"Nikki."
sinuot ko ang bag sa balikat. nagpapanggap na walang interes sa nangyayari. parang gusto ko na talagang lumabas ng room. dahilan ay break time na, pero hindi iyon. sa tingin hindi iyon ang dahilan ko. kumunot ang noo ko.
"Nikki."
naramdaman kong tumabi sa kabila ko si Nikki. sa kabila ko naman ay si gian na parang hangin. na parang bato. na parang wala lang. wala akong marinig na kahit anong ingay sa pwesto n'ya.
kumapit sa akin si nikki. tumingin ako sa kaniyang nakangiti na. nakangisi naman s'ya. nagpatuloy si ma'am sa pagsasalita. nasa bilang pa din ang atensyon ko kahit nakatingin kay Nikki.
BINABASA MO ANG
My Strange Hero
RomanceThis story is about revenge and love. an ill-fated relationship. kung alam mo na masasaktan ka rin sa huli, magpapatuloy ka pa ba? kung bibigyan ka ng isang kahilingan, ano ang hihilingin mo? parehong tao na naka kulong sa kanilang nakaraan. dalawan...