Kabanata 18

5 2 0
                                    

Kabanata 18

lumapit ako kay lou. wala sa sarili.

sandali ko s'yang tinignan. hindi, tinitigan ko s'ya sa mata n'ya. nakikita ko ang iba't ibang emosyon. pero ayaw kong sabihin kung ano ang mga 'yon. iniisip ko ngayon, kung pagsisisihan ko ba ang mga sinabi ko.

sa tingin ko, mas tatagal ako sa school na 'to kaysa sa inaasahan ko...
pero, sa tingin ko hindi ko din pagsisisihan ang ginawa ko sa kaniya. bahala na. mas magandang putulin na lang ang damo, bago lumaki 'to.

ngumiti s'ya sa akin, pero halatang pangaasar lang 'yon. narinig n'ya siguro ang usapan. kung ano ang mga nangyayari. ngumiti din ako. ngumiti kami sa isat-isa na parang mga tanga, na parang walang nangyari.

"sabi ko kila Nikki, kilala na kita bago ako pumasok dito." sabi ko, kalmado. nakangiti.

yumuko ako at huminga ng malalim. kung iisipin ko lang ang problema, lalo lang akong mamo-mroblema. tumayo ako sa harap n'ya ng maayos. bahala na s'ya. bahala na, para sa mga mangyayari. masyadong na akong pagod...

hindi ko alam kung aabot pa ako sa dulo ng sinimulan ko. inangat ko ang tingin sa kaniya.

"nalaman nila, na may relationship tayo." saad ko.

"nalaman nila." ulit ko.

hindi s'ya nagulat, siguro narinig na din n'ya. masyadong malaki ang school na 'to. sa sobrang laki, masyado ng maliit para sa mga balita. tumango s'ya. tumingin s'ya sa room na pinasukan ko, bago nagsalita. seryoso pero nakangiti.

"narinig ko nga, pero kailangan mo talagang sabihin 'yon?" tanong n'ya. nakangiti kahit walang katatawanan dito.

ang lalaking 'to. correction. hindi ko literal na sinabi, tumango lang ako.

"wala akong choice."

tumango s'ya na parang naiintindihan ako, nangaasar lang naman. gumalaw ang panga n'ya. may pawis ang pisngi. napansin ko ang paghinga n'ya ng malalim. sa tingin ko, tumakbo s'ya para puntahan ako. kakatapos lang ng class n'ya at ako agad ang tinakbo n'ya. hindi s'ya nakaabot sa break time ko.

"bakit? dapat sabihin ko bang naging tayo, sa loob lang ng isang linggo?" tanong ko.

ano bang klaseng usapan 'to. ano pa bang ginagawa namin dito sa harap ng faculty. nagsimula akong maglakad, pero bago pa ako makalagpas sa kaniya ay kaagad n'ya akong hinarang. natigil ako.

"dapat nagsabi ka na lang ng iba." may diin n'yang saad.

tama naman s'ya do'n, pero talagang na huli ako nila Cindy. hindi ko masasabi na magaling akong mag sinungaling. sa tingin ko, nagkamali nga lang ulit ako.

tumingin ako sa buong hallway. kanina pa tumunog ang bell, kaya naman sobrang tahimik na ng paligid. kaming dalawa na lang ang nandito. tumingin din s'ya sa buong paligid ng tumingin ako doon. nagkatinginan kami.

dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. nilagay ko ang isang kamay sa bulsa ko. tinignan n'ya iyon. dahan-dahan kong nilabas ang...
bakit napaatras s'ya?

nilabas ko ang pera sa bulsa. napapikit naman s'ya. natigil naman ako. naisip ko lang naman na mas maganda na bayaran ko na lang ang ininom ko sa cafe. mali din ang ginawa ko do'n. dapat din akong mag sorry, bago n'ya gawin ang gusto n'yang gawin sa akin.

sa gano'n, mas magiging maayos ang pakiramdam ko. mali din ang nagawa ko. sa tingin n'ya ba maglalabas ako ng kutsilyo sa bulsa o kahit anong matulis? umayos s'ya ng tayo. kumunot ang noo ko at sandali s'yang tinignan. may mali din sa kaniya.

" 'yung bayad ko sa cafe." saad ko.

ang totoo, hindi ko din alam kung bakit ko 'to binibigay. naisip ko lang bilang paghingin ng tawad. napalunok s'ya, pagkatapos umayos ng tayo ay marahas n'ya iyong kinuha sa kamay ko. ang lalaking 'to. nilagay n'ya ang pera sa bulsa at hindi na rin nagtanong. hindi ko alam ang sasabihin pero ng tumingin s'ya sa likod ko, alam kong may kakaibang nagbago na rin sa mata n'ya.

My Strange HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon