Kabanata 4

15 4 1
                                    

Kabanata 4

na higa ako sa kama pag uwi sa bahay.
ang kaibigan ko naman ay nilapag ang mga pinamili sa tabi ko.

na pagod ka agad ako pero mukang hindi man lang na pagod ang kaibigan. na upo s'ya sa kama at kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa. siguro ay para tignan ang mga kinuhanan n'ya ng picture.

muli akong pumikit. gusto ko muna na mag pahinga bago mag luto ng hapunan. hapon na kami naka uwi. buti nga ay hindi kami ginabi.

niyaya ako ng kaibigan na kumain na lang sa labas kanina pero tumangi ako. ayaw ko na kumain ng luto ng iba. ako na lang ang magluluto sa sarili.

"bakit hindi ka nag tanong?" saad ko habang naka pikit. hindi ko man s'ya kita ay alam ko na naka tuon s'ya sa akin.

"tungkol saan?" tanong niya. pakiramdam ko alam n'ya na kung ano ang tinutukoy ko. hindi ako nag salita.

"pumasok ka lang naman don para malaman kung sila ba ang may dahilan 'di ba? wala ng iba."

hindi ako tutol. tama ang sinabi n'ya. pero alam nya na ayaw ko na tumuloy. akala ko ay napag usapan na namin ito. alam n'ya na ang sinasabi nilang papa ko ang pumatay sa dating may ari ng school.

ang papa ko daw ang pumatay sa dating director ng school na iyon. ang may ari ng foundation. sampung taon na ang nakakaraan.

lumipas ang sampung taon at marami pa rin ang may alam noon. lahat sila ay tinitignan ako ng may galit sa mata. naalala ko pa. tawag sa akin dati ay anak ng mamamatay.

dalawang uri lang ng tao ang nakikita ko noong bata ako. kung hindi galit sa akin ay may pandidiri naman sa mata. nabuhay naman ako dahil sa mga awa na ibinibigay sa akin noong bata ako.

hindi ko alam kung paano ko na tiis. ni hindi ko alam kung nag tiis ba ako. lumipas lang ang mga taon na parang kahapon lang iyon. wala akong masyadong magandang alaala.

walang lumalapit sa akin noong bata ako. lalo na sa school. siguro ay dahil pinapalayo sa akin ng magulang. naiintindihan ko naman. iyon siguro ang dahilan kung bakit si Diana lang ang naging kaibigan ko.

dumilat ako at nag antay sa tamang sagot n'ya. kung ano ang sasabihin n'ya, iyon na lang ang gagawin ko. hindi ako mag iisip ng iba. tuwing nag dadalawang isip o hindi alam ang gagawin, nakikinig lang ako sa kaniya. iyon ang gagawin ko ngayon. iyon naman ang palagi ko na ginagawa.

"tinanggap ka nila. ibig sabihin, wala silang kinalaman sa mga 'yon."

"kung wala talaga silang kinalaman. dapat mag patuloy ka na lang. ako ang dahilan kung bakit nangyari sayo 'to ,e. dapat talaga hindi ko na lang sinabi sayo." dugtong n'ya.

"ayos lang." saad ko at bumangon. "wala kang kasalanan, ano ka ba."

lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. nag luto ako ng hapunan naming dalawa. sa hapag, tahimik ako. hindi rin s'ya nag salita tungkol doon. naiintindihan n'ya. nagpapa salamat ako.

kailangan ko na mag isip. hindi ko alam kung ano. tahimik lang ako. natapos kami at s'ya na ang nag hugas ng pinagkainan. Inintay ko s'yang matapos bago tumayo at dumiretso sa banyo. nag shower ako bago pumunta sa kwarto.

na tapos ako at nakita na lang ang sarili na naka higa sa kama. dilat ang mata at naka titig lang sa madilim na kisame. naka tulog ka agad ang kaibigan. nag kwento s'ya ng kung ano-ano bago tuluyan na naka idlip. siguro ay para mawala ako sa mga iniisip ko.

ang sabi n'ya, magiging maayos ang lahat. kailangan ko lang magpatuloy. matatapos din ang lahat nang ito. sana nga. umaasa ako. matagal bago ako tuluyan na naka tulog. dahil sa dami siguro ng iniisip ko naka limutan ko na lang uminom ng sleeping pills. naka tulog pa rin naman ako, buti na lang. wala akong panaginip sa araw na ito, nakakapagtaka. madilim at tila walang kahit anong dapat isipin. iniintay ko lang na sana ay mag umaga na at magising ako mula dito. kahit ang pag tulog ay nakakapagod na rin.

My Strange HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon