Kabanata 12
binigyan n'ya ulit ako ng liwanag. nag-angat ako ng tingin sa kaniya. nanginginig ang labi at may luha sa mata. hindi tutulo iyon. hinding-hindi, kahit kailan man.
tinitigan n'ya ako pabalik pagkatapos tumingin sa hawak kong martilyo. gumalaw ang kaniyang panga at tinignan ako ng mariin.
si gian.
nandito s'ya. binuksan n'ya ang pinto.
sandali kaming nagkatinginan. pakiramdam ko sobrang tagal no'n. dahan-dahan kong naibaba ang hawak.
tumigil ang panginginig ng aking labi. nawala ang luha sa mata ko. umayos ako ng tayo. nakahinga ako ng maayos.
kanina lang ay hindi ako makahinga ng maayos. ang dilim ang pinaka ayaw ko sa lahat. ayaw ko sa dilim, ngayon. ayaw ko. nakahinga ako ng maayos pagkabukas n'ya ng pinto. nakahinga ako ng maayos ng nakita ang liwanag, ng nakita ko s'ya.
dahan-dahan akong humakbang palapit sa kaniya. dahan-dahan din s'yang umatras palayo sa akin. bumagsak ang mga kamay n'yang nakahawak sa double door. nasa labas na kami. inabot ko sa kaniya ang hammer na hawak.
kinuha n'ya iyon sa akin pero hindi s'ya nagsalita. nakatingin pa rin kami sa isat-isa. huminga s'ya ng malalim. nawala ang kaninang nakita kong talim sa mata n'ya. pilit s'yang ngumiti sa akin.
ngayon ay nakita ko na. na ang lahat parang pilit sa kaniya. wala pa rin akong makitang emosyon sa mata n'ya hanggang ngayon. nakikita ko ang sarili ko.
"ayos ka lang?" tanong n'ya.
inaasahan ko ang tanong na 'yon. pero ang ngiti n'ya, hindi. hindi ko sinagot ang tanong n'ya. lumingon ako sa aking likod. tinignan ko ang pinto.
may naglock ng pinto. may gumawa noon. may kung sino ang nagtali o kung ano man para hindi ako makalabas pero,
sino 'yon?
malamig akong bumaling sa kaniya. tinignan ko ulit ang kamay n'ya. wala doon ang taling inaasahan ko din sanang hawak n'ya din. huminga ulit ako ng malalim at pinunasan ang ilong.
hindi ako magsasalita, kasi wala akong nakita. hindi ko alam ang nangyari.
ngumiti din ako sa kaniya. tumango ako.
"ayos lang ako." saad ko.
muling kaming natahimik. kaming dalawa lang sa malawak na hallway. pakiramdam ko, bawat segundo ay lumalaki at mas lumalawak iyon. dahil sa katahimikan.
"hinahanap kita." saad ko sa kaniya
kumurap s'ya ng isang beses. hindi nawala ang ngiti n'ya pero nakita ko pa din, hindi n'ya inaasahan ang sasabihin kong iyon.
"ha? bakit?" tanong n'ya sa akin.
sinubukan kong lumapit sa kaniya, dahil pakiramdam ko masyado kaming malayo sa isat-isa kahit hindi naman. umatras pa din s'ya.
sandali akong natigil dahil sa nakitang pagatras n'ya. nagbaba ako ng tingin at tinignan ang pagitan namin. parang wala lang iyon. hindi s'ya nagpakita ng pagbabago sa reaksyon kahit nakita n'ya naman ang ginawa n'ya. muli s'yang huminga ng malalim.
"may gusto lang akong sabihin." saad ko pa. nakababa pa rin ang tingin.
"oh, gano'n ba? too bad, may kailangan pa 'kong puntahan ,e. just next time, sabihin mo pag nagkita ulit tayo. okay?"
hindi ako sumagot. nag angat ako ng tingin sa kaniya. nawala ang ngiti n'ya ng muli akong ngumiti. ngumiti ako sa kaniya at hindi na lumapit pa. umatras din ako sa kaniya, isang hakbang palayo.
BINABASA MO ANG
My Strange Hero
RomanceThis story is about revenge and love. an ill-fated relationship. kung alam mo na masasaktan ka rin sa huli, magpapatuloy ka pa ba? kung bibigyan ka ng isang kahilingan, ano ang hihilingin mo? parehong tao na naka kulong sa kanilang nakaraan. dalawan...