Kabanata 22 - May 22, 2021

55 4 0
                                    

Hawak ang dalawang supot sa kamay ay agad na niyakap ng kanyang ama si Ana. Mahigpit ang yakap nito at mas lalong hinigpitan naman niya ang kanyang pagyakap. Dahil dito dali-daling nawala ang galit at poot na nadarama niya kanina.

Ilang minuto rin ang lumipas nang kumalas na ito at hinagkan siya sa noo. "I always know you're strong, darling."

Sinagot naman niya ito ng ngiti at lumayo na sa tabi nito. Ibinaling niya ang tingin sa may salas at huminga nang malalim. "I think I better start cleaning already."

"That's great," dali-daling sagot naman ng ama. Narinig pa niya ang paghakbang nito nang bigla itong magtanong. "Is that your bag, Ana?"

Sinundan niya ang tinuturo ng kamay nito at doon niya napansing muli ang bag na ngayo'y nasa sahig pa rin malapit sa mesa na pinaglagyan ng telepono.

"Yes, dad," dali-daling sagot pa niya.

"Okay." Tumigil pa ito na parang may iniisip. "Is your phone there too?"

Kunot-noo siyang napatingin sa tanong nito. "I... I think it fall in the maid's room."

"Well, okay, can I also have that?"

Hindi niya alam kung bakit gusto nitong makuha ang bag niya, ngunit nang maalala ang laman nito ay dali-dali siyang napailing. "Ah, dad, my gift for Ford is actually inside that. Can I just keep it, so that he can't see the gift?"

"O-okay, that's fine, dear. I'll just go upstairs, if you don't mind."

Hindi na nito hinintay pang magsalita siya at naglakad na paitaas. Ibinaling na lang niyang muli ang mga tingin sa imahe na nasa harapan. Ang dalawang patay na katawan... ng kanyang ina at kinakapatid.

Bumuntong-hininga siya sa nakita at sinimulang lumapit sa katawan ng ina. Dahil malapit-lapit naman na ito sa may maid's room kaya ang katawan na nito ang kanyang uunahin.

Habang hatak-hatak ang katawan ng ina ay hindi pa rin niya mapaniwalaang wala na nga ito. Kailanman ay hindi maganda ang pakikitungo nito sa kanya. Maaari ngang mas malala pa ang naging kinahinatnan niya kung hindi lang siya umalis sa mansyon noon. Ngunit, kahit naman ganoon ay hindi niya hiniling na mamatay ito noon. Ngayon lang... dahil bago ito namatay ay ipinagkalulo pa siya nito kay Oliver. Sinong ina ang gagawin ito sa anak, 'di ba? Ngunit ganoon nga siguro ito. Para sa pera... para sa pera na kinikilala nitong diyos.

"Mom, sorry," malungkot niyang saad nang maipasok na ang katawan nito sa kwarto.

Kahit naman makasarili ito at walang pagmamahal sa kanya, naging maayos naman ng kaunti ang pakikitungo nito nang miminsang bumibisita siya. Hindi naman niya minsan nakitaan ng kung anumang galos ang kapatid at sa tingin naman niya ay hindi nito ito sinasaktan. Iyon lang naman ang isa sa pinakakinatatakutan niya... ang saktan nito si Ford habang wala siya o ang kanyang ama.

Nang maiayos na niya ang pagkakahiga ng ina sa gilid ng kwarto na sa hinuha niya'y walang bubog ay doon lang ulit niya napansin ang mga naiwan niya kanina. Gamit ang kaunting liwanag na galing sa nakabukas na bintana ng sala ay naaaninag na niya ngayon ang ilang parte ng kwarto.

Naroon pa rin ang nabasag niyang gamit na ngayo'y alam na niyang isa pa lang luntiang vase. Ang mga drawer naman na binuksan niya kanina'y hindi pala niya nasarado man lang. Ang kama'y nandoon pa rin sa pinakagilid at kitang-kita rin niya ang maalikabok na sahig ng kwarto.

Hindi na niya pinansin pa ang ilang parte nito dahil inuna na niyang kunin ang isang nakatiwangwang na walis at sinimulang walisin ang mga bubog sa sahig. Pagkatapos ay dito na niya inihiga ang ina nang maayos sa kama.

"Isn't this too much?" tanong niya sa sarili. Dahil kung titingnan niya ang ginagawa niya ngayon, sobrang brutal naman. Para siyang walang pusong anak na tinatago ang katawan ng inang nahulog sa hagdanan.

Pamilya PerfectoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon